• to feel a desire to have what someone else has •
" Irish, invited ka sa 18th birthday ko ah. Wear the expensive dress you have. " Nakangiting sambit sakin ni Diane atsaka iniabot 'yung invitation card na hawak hawak niya.
May ngiti rin sa mga labi, kinuha ko 'yung binibigay niya at sinabing, " Ofcourse, I will. " Taas noong sambit ko dahil alam kong sa mga tingin palang niya ay minamaliit na niya ako.
Nagkatinginan silang tatlo ng mga kaibigan niya at nagbigayan ng makakahulugang ngiti bago ako tingnan muli. " Okay. See you on Friday night. " Tumango ako sa kanya dahil pupunta naman talaga ako. Ako pa ? Kilala ako dito ng mga tao na mahilig sa mga party. Party goer ako. Dun ko kasi nakukuha ang atensyon ng lahat na hindi ko makuha-kuha dito sa loob ng school.
Naglakad na ako sa malapit na restroom nung nakaalis na sila Diane at 'yung mga kaibigan niyang pinaplastik lang naman siya. Diane is a popular student too here in St. Francis. Palibhasa, anak ng isang Gobernador kaya lahat ng tao ay palaging nakadikit sa kanya. And no, not me. I have my own ways para mapansin ako. Hindi ko kailangang gamitin 'yang si Diane para sumikat ako 'gaya ng mga impokrita niyang kaibigan sa iba't-ibang Department ng school. Even his boyfriend Geri, pera lang naman ang kailangan nung lalaking 'yun kung bakit niya pinagtyatyagaan ang mabahong hiningang si Diane eh---well, sabi ni Geri. At napatunayan ko na rin 'yun, matagal na at kanina rin. And bakit ko alam na pera lang ang habol ni Geri sa kanya ? Simply because I'm his sister. Oh, let me correct it, stepsister.
Kinuha ko sa loob ng bag ko 'yung foundation ko at nagretouch. Kailangan kong mag-ayos dahil alam kong maya-maya lang ay tatawag na sakin ang taong susundo sakin dito. Ofcourse, sa ganda kong 'to, imposibleng mawalan ako ng boyfriend.
And, speaking.
Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko 'yung iPhone 6 ko para sagutin 'yung tawag niya.
Sugar calling ...
" Hi, nand'yan ka na ba ? " Malambing na tonong sambit ko at kahit na hindi niya ko nakikita, nakangiti pa din ako ng pagkatamis-tamis.
" Yes baby. Nandito na ko sa parking lot. Hindi pa ba tapos 'yung klase mo ? "
" Nah, tapos na. Nasa restroom lang ako. "
" Okay, iintayin na lang kita dito. I love you. "
" Okay. I love you too. "
Inayos ko na kaagad 'yung mga gamit ko at inilagay ulit 'yun sa loob ng bag ko, pagkatapos, lumabas na ko ng CR. Ayokong pinaghihintay 'yung Sugar ko. Short tempered kasi kaya kailangang ako ang mag-adjust. Well, ganun naman talaga eh. Mainipin 'yung mga taong matatanda na.
Pagkadating ko sa parking lot, nilibot ko muna 'yung mga mata ko at tiningnan kung may ibang tao. Nung nasigurado kong walang ibang tao dito bukod sa akin, lumapit na kaagad ako sa isang mamahaling kotse na medyo nasa dulo ng parking lot. Kinatok ko 'yung bintana nun atsaka nagbukas 'yung pinto.
Pagkapasok ko sa loob, sumalubong na kaagad sa akin ang isang mainit na halik galing sa kanya, na ibinalik ko naman. Ilang segundo ang nagtagal sa halik na 'yun hanggang sa ako na ang bumitaw.
" Masyado mo kong namiss, Simon. " Natatawang sabi ko sa kanya sabay ayos ng bangs ko na tumakip na sa kaliwang mata ko. Sa lahat ng nakarelasyon ko, si Simon ang akala mo teenager kung makakilos. Nakakairita lang.
Hinawakan niya 'yung kaliwang binti ko at hinimas-himas 'yun. " Kamiss-miss ka naman talaga, Irish. May gagawin ka ba ? " Ngiting-ngiting sambit niya sakin kaya nginitian ko rin siya.
" Oo, pasensya na. May kailangan akong tapusin na project ngayong Midterm. By the way, pupunta nga pala ako sa party ni Diane sa Friday. Gusto mo samahan mo na lang akong bumili ng dress ngayon ? " Sabi ko gamit ang mapang-akit kong tono. Kilala ko si Simon, masyado siyang tanga kung hindi niya ko papatulan. At masyado rin akong tanga kung hindi ko papatulan 'yung mga pera niya.
Inialis na niya 'yung kamay niya sa binti ko at idinala 'yun sa manibela ng kotse niya. See ? Konting landi, bibigay na kaagad. Kaya gustong-gusto ko ang pumapatol sa mga matatanda eh. Madaling utuin. Madaling huthutan ng pera. Pero syempre, may puhunan. No, I'm not a whore. I'm just a gold digger na pilit sumisiksik sa mundo ng mga mayayaman. Tanggap ko naman 'yun. Siguro nga pamilya na kami ng mga gold digger. Simula sa Nanay ko na kumabit sa isang mayaman, hanggang sa, sa kapatid ko na si Geri at ako. Pera lang naman kasi ang nagpapaikot sa mundo. Kung wala kang pera, hindi ka makakagalaw sa napakamapaglarong mundo na 'to.
Oo, isa akong kabit 'gaya ng Nanay ko. Simula ng iniwan niya kaming dalawa ni Geri kay Tito nung 11 years old palang ako at 10 years old palang si Geri, natuto na kong kumapit sa patalim sa murang edad. Simula nung sinapit ko 'yung kalupitan ng mundo, isinumpa ko na ito. Sa murang edad, hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong ginahasa ng Tito ko. Wala akong magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at magmakaawa sa kanya, hanggang sa wala namang nagawa ang bawat palahaw at luha ko. Hanggang sa isang araw, namanhid na ko sa katotohanan. At ginamit ko 'to para mabuhay kaming dalawa ni Geri.
Alas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay namin. Inaasahan ko ng tulog si Geri kaya dumiretso na ko sa kwarto ko. Inihagis ko na lang sa sahig 'yung mga pinamili namin kanina ni Simon at pumunta ng CR. Binuksan ko 'yung shower at dinama ang malamig na tubig na dumadaan sa buong katawan ko. Kinuha ko 'yung sabon at marahas na isinabon 'yun sa leeg, braso, dibdib at sa mga parte ng katawan ko na nahalikan at nahawakan ng kung sinong-sinong lalaki sa buong buhay ko.
Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagbagsak, at hinayaan na lang itong humalo sa tubig na dumadaloy pababa sa katawan ko. Alam kong kahit anong linis ng sabon ang gamitin ko, hindi maiaalis nun ang dumi na natanggap ko sa mundong tinutungtungan ko. Sumpa ang pagiging ganito. Isang sumpa na maging si Irish Del Valle na kinasusuklaman ko noon hanggang ngayon.
Kahit hatinggabi na, hindi pa rin ako natutulog. Kaharap ang laptop, isinulat ko sa blog ko ang lahat ng hinanakit na nasa loob ko. Ang lahat ng madilim na lugar na napasukan ko. Ang bawat palahaw at iyak na nailabas ko. Ang bawat sakripisyo na ibinigay ko. Ang mga pinagdaanan ko. Ang bawat mura na naisigaw ko sa napakamasalimuot na buhay ko. Ang lahat lahat ng sikreto ko, nandirito sa blog na 'to. At alam kong, kung sino man ang makakabasa nito, alam kong mararamdaman rin niya ang malalim at mahapding sugat ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Devil Beyond Ourselves
Misterio / Suspenso"We all have good and evil, angel and demon exist in us"-Anonymous | Being good will end up here. Massive kills will happen. 7 deadly murderers with 7 deadly sins. Are you ready to know their secrets ? Are you ready to face the devil beyond theirse...