Nagroll call ang prof namin at habang iniintay ko 'yung pagtawag niya sa apelyido ko, nagdoodle muna ako sa likuran ng binder ko. Pero napatigil din ako sa ginagawa ko nung biglang tumunog 'yung cellphone ko, hudyat para mapatigil din sa pagsasalita ang prof ko at mangunot ang noo.
" I said turn off your cellphones during my class or just simply silent it. " Makahulugang sambit niya habang iginagala 'yung tingin niya sa buong klase at hinahanap sa mga estudyante niya kung kaninong cellphone 'yun.
Napapikit ako at muling dumilat ulit bago itaas 'yung kanang kamay ko dahilan para bumalik ulit 'yung tingin niya sakin. " Sorry Ma'am, emergency call. " Nakangiting sambit ko at kinuha sa loob ng bag ko 'yung cellphone ko para lumabas at sagutin 'yung tawag na namatay din lang naman pagkalabas ko ng room.
Tiningnan ko 'yung call log ko para makita kung sino 'yung tumatawag sakin, pero unregistered number lang ang nakita ko. Babalik na sana ako sa loob ng room namin nung muli na namang tumunog 'yung cellphone ko. Hindi na ko nag-alinlangang sagutin pa 'yung tawag na 'yun at isang malakas na sigaw ang una kong narinig sa kabilang linya.
" Malandi ka ! Layuan mo ang asawa ko ! Papatayin kitang malandi ka !! "
'Yun lang ang maliwanag na narinig ko na isinisigaw nang babaeng tumawag sakin and the rest, puro mura na ang natanggap ko. Hindi na ko nag-abala pang kausapin 'yung babaeng 'yun at binabaan na siya ng tawag. Tinanggal ko 'yung battery ng cellphone ko at kinuha 'yung sim card para itapon 'yun sa basurahan na nasa gilid ko lang.
Bumalik na ulit ako sa loob ng room namin na parang walang nangyari. Another call from the legal wife.
Nagsimula ang klase na walang pumapasok sa isip ko. Friday na bukas at Debut na ni Diane. Hindi ko alam kung pupunta pa ko dahil naalala kong death anniversary ni Tito bukas. Siguro dadalawin ko na lang 'yung hayop na 'yun bukas ng umaga. Kahit papaano, may utang na loob pa rin naman kami ni Geri sa kanya.
Nagdismissed na ang prof namin at nagsilabasan na kami papunta sa next subject namin. Nakasalubong ko si Diane kasama ng mga kaibigan niya at si Geri. Nagngitian kaming dalawa ni Diane at nagtinginan lang kami ng kapatid ko. Walang nakakaalam na kapatid ko si Geri dito sa loob ng school. Ang alam lang nila, magkaparehas lang kami ng surname and that's it. Nothing more.
Dahil nawalan na ko ng gana dahil dun sa asawa ni Simon na tumawag sakin, hindi na ko pumasok sa next class ko. Tumambay na lang ako sa building ng HRM at pumasok sa mini bar nila dun. May naabutan akong mga estudyante dun na nagpapractice ng flaring kaya naupo ako sa stool na nasa harap ng counter at nanuod ako sa kanila.
'Yung mga boteng ipinapaikot nila, ay parang buhay ko. Umiikot ng mataas at mababa sa kontrol ng mundo. Sa bawat hawak nito sa leeg ko, wala akong magawa kundi magpatianod lang sa mga susunod na mangyayari. Parang nakadikta na ang lahat ng gagawin ko dito sa ibabaw. Ang mang-akit lang ng mga matatanda at pagkatapos nun, wala na. Dun lang umiikot ang mundo ko. Ang manggamit. Manggamit para sa pera. Na halos, ang pera na ang kumokontrol mismo sakin at hindi na pala ang mundo.
Pera. Pera, pera, pera. Puro pera lang.
BINABASA MO ANG
The Devil Beyond Ourselves
Misterio / Suspenso"We all have good and evil, angel and demon exist in us"-Anonymous | Being good will end up here. Massive kills will happen. 7 deadly murderers with 7 deadly sins. Are you ready to know their secrets ? Are you ready to face the devil beyond theirse...