"Haine, did I already tell you that you are beautiful tonight?" seryoso niyang sabi sa akin.
Napataas ang kilay ko doon ng wala sa oras. Titig na titig pa rin siya sa akin. Ang gwapo niya *pak*. Tumigil ka nga Haine huwag kang padadala diyan.
"Actually, wala pa". I emotionlessly replied.
"Oh, I see." He seems caught off guard and I smiled inwardly. You did it Haine.
"Well, I tell you, you are the most beautiful girl tonight, Haine". Sabi niya agad sabay smile.
Owh God! He's so cute for his own good. Pero siyempre sa isipan ko lang yun sinabi. Mahirap na. Tssh..
"Thank You, Kazuma."
"You're welcome." Ngumiti siya ulit.
Sh*t! Ang gwapo niya talaga!
Natapos ang dinner ng matiwasay. At nalaman ko na sila pala ang may-ari ng hotel na to. Hinatid niya ako sa bahay at naabutan pa namin si mama na nagbukas ng pinto.
"Ma, ba't gising ka pa."
"Hey! Kazuma, Ikamusta mo ako sa Mama mo hap."
"Okay po Tita."
"Sige, umuwi ka na, Kazuma, late na kasi." Sabi ko.
"Okay."
He bids my mother goodbye and kisses her on the cheeks. Papasok na ako sa bahay ng hinigit niya ako sa kamay at imbes na sa cheeks ay dumampi yung labi niya sa labi ko. Napatigil ako bigla pati na rin siya.
Hindi ko kasi akalain na gagawin niya yun.Nagharap tuloy yung mukha namin at *poof*.
O//////O Oh no! That was my First KISS!!!!!!
Oo po, first kiss ko po yun. Aissssh..kainis..bakit sa kanya pa.
"Eheeem." Si Mama.
Mabilis na naghiwalay ang mga mukha namin. Mas mabilis pa sa batang hinahabol ng aso. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at akmang aalis na siya. Nasa gate pa naman kami nun habang si Mama ay nasa may pintuan na.
"Goodnight po, Tita" aniya.
"Goodnight din Iho, mag-ingat ka sa daan at salamat sa paghatid sa anak ko." She happily smiled.
Then he turned to me. "Goodnight Haine."
"Goodnight" tipid kong sagot habang namumula pa rin ang mukha ko. Sa harapan ba naman ng Mama ko nangyari yung first kiss ko at hindi man lang pinagalitan si Kazuma. Siguradong nagtatalon na ito sa tuwa. Eh, siya talaga ang excited tungkol sa love life ko.
Lumabas na siya ng gate at papasok na ng kotse ng napansin kong nakangiti ito at tumingin ulit sa akin at kumaway.
Ilang minute na ang nakalipas ng umalis na ang kotse at eto pa rin ako, hindi natitinag sa pagkakatayo. Nang may biglang sumigaw ng pagkalakas-lakas. Napapitlag ako ng bigla na lang siya yumakap sa akin.
"Yes, magkakalovelife na ang baby ko."
"Ma, naman." Nahihiya kong sabi.
"Bagay talaga kayo anak."
"Yan naman talaga sinasabi mo sa mga na date ko noon."
"Hindi anak, iba ito. May chemistry talaga kayo." I can see invisible heart shape in her eyes. Heto na naman siya.
"Oh xia,xia pasok na tayo sa loob."
Pagod na pagod talaga ako ngayong gabi. Humiga na ako sa kama ng maalala ulit yung nagyari kanina. 'Ang lambot ng labi niya'. Sabi ko habang hinihimas ko yung labi ko. KYAAAAAHH!!! Ano ba tong naiisip ko.
Kinikilig na naman ako at hindi ko napigilang magpagulong-gulong sa higaan. First time kong maramdaman to. Yung parang biglang kumaripas ng tibok yung puso mo. In love na ba ako? EHHHHHH!! Ang bilis naman. Siguro crush lang. Oo nga baka crush lang to. Napangiti na lang ako at nandito na si antok. Makatulog na nga. Bukas na pala ang first day sa school. Senior na me!! YIHAA!! :D
Thanks for reading...
More to come...
~ Hestia

BINABASA MO ANG
My FIRST..
Teen FictionIn just one year he let me experienced a lot of my first times. I thought we would be together but then again he let me taste my first heartbreak. It took me by surprise and decided to just forget about him. But after 6 months, he came in front of...