My First Day

15 0 0
                                    

Maaga akong dumating sa school dahil kailangan ko pang kunin yung kompletong schedule ngayong semester. Pumunta na ako sa registar at sa wakas nakuha ko na rin. 

Hmmmmm, ang ganda ng sched ko. At five out na. Nice!

8:00 am at kaunti lang estudyante ang nakikita sa campus. Sabagay first day pa naman at mga mayayaman ang mga estudyante dito sa Crimson University. Isang elite na university at hindi ka basta-basta nakakapasok dito. Kadalasan, mga heir at heiresses ang mga estudyante at ang iba ay mga foreigner at artista.

At eto ako ngayon, sa paboritong tambayan namin ng bestfriend kong si Maricar. Heiress din siya sa kanilang family business. Unlike sa iba, hindi siya maarte at mata pobre kaya naman nagkakasundo talaga kami simula noong first year.

"Dito ko na lang siya hihintayin."

Ang sarap talaga ng hangin dito sa rooftop. Nakasandal ako sa pader sa may likuran. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

Lumipas ang mga minuto ng may naramdaman akong malambot sa may labi ko. Siguro wala lang to nang biglang may bumukas ng pinto. Si Maricar na ata to.

Ano yun   O_______O ?

May natapig ata akong kamay. Baka may tao.

*tingin sa kaliwa tas sa kanan*

Nu ba yun? Napakamot na lang ako sa ulo at nakita ko na sa si best na nakapaskil ang malaking ngiti sa labi niya.

"Morning bessy." sabi niya sabay yakap sa akin.

"Morning din." 

"Aga mo ata ngayun? " Nakaupo na siya sa tabi ko at sumandal din sa pader.

"Eh, wala akong magawa sa bahay at kinuha ko kanina yung schedule ko."

"Patingin ng sched mo?"

*nods, nods*

"Amazing! halos magkapareho tayo maliban na lang sa math."

Napatingin ako sa langit at sumigaw.

"Fourth year na tayo!!!"

"Last year na!" si Maricar naman ang sumigaw.

Tumawa kami ng tumawa. Ganito talaga trip namin kaya gustong-gusto namin dito. Walang istorbo at malayo sa mga maarteng para kung sinong umastang grupo ng babae na nagpapasama ng araw namin. Yun ay ang flower girl or GF.. yeah.. yeah.. parang flower girl lang sa kasal. Hahahahhah..

Magagandang babae ang bumubuo ng grupo at ang pinakasikat na member ay ang four pillars ng grupo.

Sila Cassidy,Emily,Christy at Ashley - na leader at ang mortal enemy ko simula pa noong high school. Ewan ko ba, kumukulo talaga ang ulo ko pag nakikita ko pa lang yung mukha niya sa malayo. Isa sa pinakamayamang estudyante at no. 01 Hottest Girl sa campus, ayun na rin sa school paper namin na Lumina. Kaya naman sikat na sikat siya sa mga kalalakihan.

Napahinto kami sa pagtawa ng biglang nakarinig kami ng kalembang ng balde sa may kaliwang bahagi ng rooftop kung saan may box dun ng mga reject na gamit sa school.

"Ano yun?"

"Baka pusa lang"

Pusa? eh paano makakapunta ang pusa dito kung parating lock yung pinto at ang aga pa. Siguro nung pagpasok ni bessy yun, oo baka nga. Bukas na din yung pinto kanina kaya akala ko nauna si Maricar dito yun pala hindi.

"Oi tara na Haine! Kain tayo breakfast sa canteen." yaya niya at higit ang kanang braso ko.

"Okay" Bumaba na kami at ini-lock ang pinto. Kaibigan kasi namin ang janitress at pinayagan kaming pumuta doon at gumawa kami ng duplicate key. Kaya maconsider na secret base namin ito (HAHAHAHHA - *evil laugh*)

KAZUMA'S POV

Napabuntung hininga na lang ako dahil sa bagot at pagod. Isinama na naman ako ni papa sa meeting niya kanina at halos magkadaugaga akong nakinig doon. Sabi kasi niya na dapat daw masanay na ako lalo na't last year ko na sa college at ang inaasahang magmamanage ng business namin.

Nasa rooftop ako ngayon ng Crimson University - pag-aari ng parents ko. Transferee lang ako and I have spend my three years back at States. Pinabalik lang po dito dahil sa business. 

20 years old at I think I'm ready to manage our hotel businesses but then again I need to gain more experience from my dad. Itong school ay kasalukuyang minamanage ni Kuya Kenji.

Bumukas ang pinto at dali-dali akong nagtago sa likod ng box na may maraming sirang appliances. Iniluwa nito ang isang babae. Maganda, maputi, medyo mahaba ang buhok at parang nakita ko na siya.

Umupo ito sa pwesto ko kanina  at sumandal sa pader. Sh*t! Ba't nakalimutan kong isara ang pinto. Naku naman!

Napatingin ulit ako sa babae at namumukhaan ko talaga siya. San ko ba siya nakita? hmmmmm. Aha! si Haine. Haine Jin ung ka date ko kagabi.

Mas maganda pala siya pag walang make-up.

Nakapikit na ang mga mata nito at mukhang matutulog. Napangiti ako bigla. Napakaamo ng mukha niya . Yung buhok niya na bahagyang nagulo dahil sa hangin.

Hindi ko napansin na kusa na palang naglalakad ang mga paa ko patungo sa pwesto nito. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawi ang buhok na nagulo at inilagay sa gilid. Dahan-dahang hinaplos ko ang mukha niya at napatingin sa mga mapupula niyang labi. 

Last night was an accident but this time it isn't. 

Then I lightly brushed my lips to her tempting lips.

Saglit lang sana yung halik ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko ng biglang bumukas ulit ang pinto. 

D*mn sino yun?!! BADTRIP NAMAN OH.

Dali-dali akong bumalik sa pinagtataguan ko. Buti na lang mabilis akong nakakilos. Ehem, The flash. Pero natapikan niya ata yung kamay ko.

"Morning bessy!" sabi ng babaeng pumasok.

"Morning din" nag-uunat pa ito ng kamay. Napangiti ako ng palihim. Bumalik na ako sa pagtatago at pumunta sa kaliwang bahagi ng rooftop ng nasamid ko ang isang balde na nakaharang. Patay!

"Ano yun?" tanong ni Haine.

"Baka pusa lang"

Hay! Buti na lang hindi sila nakahalata. Napagpasyahan kong lumabas na lang at hindi ko mapigilang mapangiti ulit sa nangyari.

I'm so whipped!



~ Hestia










My FIRST..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon