S.A. Chapter 10 - Serious Talk

999 22 7
                                    

Chapter 10 – Serious Talk

Dinala ko si Kimchi sa condo unit ko para makapagpalit. Ayaw nya daw umuwi dahil wala din daw sya kasama sa bahay nila kundi mga katulong. May pagka rebelde din tong babaeng to dahil sabi nya baka daw andun yung dad or mom nya. Ayaw nya daw nakikita yung dalawa dahil baka mas masaktan lang daw sya. Daming alam. -_-

“Here.” Sabi ko saka inabot sakanya yung dress pampalit nya.

Tumingin sya dun sa damit with a question.

“Tsk. I don’t were those. Sa.. sa ate ko yan.” Sabi ko nalang.

“Ok.” Sabi nya tas kinuha yung damit. “San CR?”

Tinuro ko yung kwarto ko. Pagbukas nya ng pinto tinignan nya ako ng masama.

“Walang ibang CR dito, jan lang sa kwarto ko.

Actually meron pa sa kitchen pero walang shower dun eh.

“Jan ka lang ha.” Sabi nya tapos pumasok na sa kwarto ko.

Bigla ulit sya bumalik. “May naiwan din bang ano yung ate mo dito?”

“Ano?”

Bigla sya namula. Gusto ko sana tumawa ng malakas pero baka madagukan pa ako nito.

“Meron. Tignan mo nalang dun sa white na cabinet. Nag iisala lang yung white cabinet jan sa loob.”

“Ok. JAN KA LANG HA!” tas pumasok na sya ulit.

Loko to maka asta. “BAHAY MO TO?!” pahabol kong sigaw. Kapal ng mukha.

Pumunta nalang ako ng kusina para makahanap ng makakain. Di pa kumakain yun eh. Diba nga nag inarte nag walk out.

May nakita akong chocolate cake saka may can din ng coke kaya kinuha ko saka dinala sa sala. Pumasok ako ng kwarto ko para kumuha ng damit. Palabas na sana ako ng may marinig ako sa CR aside sa buhos ng tubig sa shower.

Umiiyak nanamn sya..

Napabuntung hininga ako. Kawawang bata. I really understand her, I exactly know what she’s feeling right now.

Lumabas na ako ng kwarto ko saka nagbihis. Maya maya lang lumabas na sya, suot suot yung binili kong damit para kay…

“ang liit naman neto. Para akong grade six neto eh.” reklamo nya. Di na kasi umabot sa kalahati ng legs nya yung haba ng damit. But it looks good on her. She looks so.. sexy..

Mas maliit kasi si Tara kesa kay Kimchi na may ipagmamalaki namang tangkad.

Yeah.. Tara is my.. ex girlfriend..

“kaya di ako naniniwalang sa ate mo to.”

“Bakit?”

“Mashadong maikli to para sa matangkad na babae, at sa nakita kong picture ng ate mo kanina sa loob ang tangkad ng ate mo kaya di kanya to. Sinungaling ka.” Tas ayun umupo sya sa tabi ko binuksan yung coke tas uminom.

“Dami mong sinasabe eh.”

“Wala naman. Nagko-comment lang.”

“Ewan ko sayo.” Sabi ko nalang.

Narinig ko syang suminghot. “I saw him..” sabi nya.

I gues yung HIM is yung ex nya.

“San?”

“Kanina. Sa mall. And she’s with his girlfriend.” Malungkot na sabi nya.

“What did you tell him?”

Shintaro Academy ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon