GILE's POV~
Tinawagan ako ni Czaie (Zae) kanina, you read it, right? sya yung Boyfriend ko, mahal na mahal ko sya, sa kanya lang umiikot ang mundo ko. naglalakad ako patungo sa tagpuan namin, pero para akong na.estatwa sa nakita, nakita ko sya ayy- hindi mali mali, nakita ko SILA oo SILA may babae syang kasama, at naghahalikan sila, as if na gutom na gutom silang dalawa. in short, nag-MAMAKE OUT sila mismo sa harapan ko. Yung babae, nakapulupot yung kamay sa leeg ni Czaie at yung mga kamay ni Czaie kahit san na napadpad sa katawan ng babae.
Gusto ko syang sampalin pero parang napako ang mga paa ko, di ko ako makagalaw, nanglalabo na din ang mga mata ko, "Di ako iiyak" yan ang mga salitang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, pero takte, traydor yung mga luha ko eh, nag-uunahan pa ngang tumulo! ang sakit lang, tumalikod ako at tumakbo ng mabilis.
Akala ko mahal nya ako, "MAHAL KITA BABY KO, MAHAL NA MAHAL DI KITA IIWAN KAHIT ANONG MANGYARE, I LOVE YOU GILE" naniwala ako sa katagang di naman pala totoo, pati Vcard ko binigay ko. pero ano tong ginagawa nya? Ginago nya lang ako.
Di nya ako minahal,niloko nya lang ako, tumakbo ako, di ko alam kung saan na ako napadpad. pero isa lang ang alam ko, ang sakit sakit, parang dinurog ang puso ko. ang sakit, pano na yung magiging baby namin? nagpaloko lang ako,, ang tanga-tanga ko talaga.
Tumigil ako sa pagtakbo, ang sakit ng paa ko pero nangibabaw pa rin yun SAKIT NG PUSO KO. nandito ako sa lugar kung saan mailalabas ko ang sakit, lahat ng sakit. andito ako sa tabing ilog, pakamatay nalang kaya ako? tatalon ako, para mawala lahat ng sakit.
wala sa sariling tumayo ako, papalapit ng papalapit sa tahimik na ilog. pero napahinto ako, yung Baby ko, di ko pa nakikita yung baby ko, mahal ko ang baby ko. Aalis ako, tama na siguro yung panahon na naging tanga ako, nagpabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya, natuto na ako.
Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko, tsaka ngumiti. A bitter smile exactly.
"Its time to move-on" sabi ko sa sarili ko, kaya ko to.
Dali-dali akong pumunta sa tabi ng kalsada at pumara ng taxi.
"Manong sa Quezon, Street 1** po" sabi ko sa driver at ngumiti ng pilit.
pagkarating ko sa apartment, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at bilisang inilagay ang mga damit ko sa back pack ko, di naman kasi ako mayaman eh, mahirap na tao lang ako, kaya eto ako ngayon, nasasaktan at luhaang nilalagay ang mga gamit ko sa back pack ko.
"bat ba kasi ako nagpaloko sa lalakeng yun" sabi ko sa sarili ko
pagkatapos kung magligpit ng damit, sumakay lang ako ng jeep na mugto ang mata wala na akong pera eh, naubos kanina sa taxi, kaya tiisin ang jeep.
andito na ako sa Pier, nakabili na ako ng ticket patunong Cebu.
"Siguro naman magiging masaya ka na Czaie, mahal na mahal kita. pero sinayang mo lang yun, ive learned my lesson a lot, sana maging malaya ka na. I LOVE YOU" piping sabi ko ,tsaka nag-uunahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Baby, iyak muna ako ha. wag ka maging malungkot dyan, mamahalin kita ng buong buo. kahit di mo makakasama ang Daddy mo" sabi ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko. 2 buwang buntis na ako, sasabihin ko sana kay Czaie kanina eh.
*TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT* (a/n: yung parang busina ng barko)
"PAALAM MAYNILA! PAALAM CZAIE! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL!" sigaw nya, saka sya humagulhol ng iyak.
~~~~~~~~~~
A/n: Thanks for reading ♥ :) wag mabitin, ONGOING series pa eh. Comment and Vote :))
BINABASA MO ANG
My Slave, My Wife.
General FictionBABALA: 'WAG NYONG BABASAHIN, MAGSISI KAYO. ANG PANGIT KASI NG STORYANG ITO. WARNING: DO NOT READ THIS STORY. Pero kung matigas ulo nyo. Basahin nyo. -_- Pinalitan ko po ang title neto, from Be My Wife to My Slave, My Wife. May rason po kung ba...