Chapter 12- Getting Over Him

26 1 0
                                    

Chapter 12- Getting over Him.

Someday..

You’ll gonna realize

One day, you’ll see this through my eyes

Well I’ve got news for you

No it won’t take long

Won’t take long *

Dahil sa walang pasok ngayon.. November 30 po kaya! Holiday dito sa Philippines ^___^

Nambubulabog ako ng mga maliliit insekto sa kasuluksulukan ng bahay namin. Hahahahah, nag sa-soundtrip po ako XDD yung tipong dumadagundong yung buong bahay mo? Wala naman kasi si Kuya eh! May gala with his friendships habang ako iniwan dito mag isa sa bahay para maglinis! >?<

I know,

You don’t really see my worth

You think,

You’re the last guy on earth *

Pero dahil sa pagod na ko, kakawalis XDD kalikot girl muna ako! :DD nilabas ko lahat ng gamit ko sa cabinet kung saan nakalagay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit. At ang unang bumulaga sakin ay ang mga sumusunod! Hahahahah. Charot! Inaaliw ko lang yung sarili ko kasi hindi maganda yung una kong nakita.

Someday, someone’s gonna love me

The way, I wanted you to need me

Someday someone’s gonna take your place

I know I’ll be happy some day

Someday.. someday.. *

Nakita ko yung teddy bear , yung balloon pati na rin yung picture naming dalawa na kinunan pa nung ayaw na ayaw ko pa sakanya. Pero nakangiti naman ako sa picture. Kaya to na naman po.

TT^TT

Tumulo na naman siya.

Niyakap ko yung bear na bigay NIYA. Yung mahigpit na mahigpit na yakap!

“Neil.. alam mo bang gustong gutso kong magmakaawa sayo na ako nalang? Na ako nalang ang mahalin mo wag na siya. Mahal naman kita eh. Mahal na mahal. Bakit kasi mahal na mahal mo pa rin siya eh! Niloko ka na niya diba? Pero ako Neil, naging honest ako sayo. Nagging loyal ako, kahit ikaw hindi! Oo alam ko naman na mukha na kong tanga para sayo. And I know this time pinagtatawanan mo na ako. Pero desperado na talaga ako eh! Bumalik ka nalang sakin ulit. Siguro kung may lakas lang ako ng loob na gawin to ng harap harapan, kahit sa harap pa ng babaeng mahal mo ginawa ko na sigruo! Pero Neil. Tama na siguro! Masyado ng maraming nangyari. Muntik na kong mamatay ng dahil sayo! Dahil sa inyo! Sana.. Neil.. Sana.. makalimutan na kita! Kasi hanggang ngayon.. MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA EHH!!!”

Someday, someone’s gonna love me

The way, I wanted you to need me

Someday someone’s gonna take your place

I know I’ll be happy some day

You’ll see, I won’t even miss you

Someday.. I know someone’s GONNA BE THERE *

Binalik ko na ulit yung mga remnants ni Neil sa cabinet. Pinunasan ko yung mga luha ko and I tried to fix my self. Ayoko ng magmukhang tanga. Nakakasawa lang. ayoko na rin muna magstay sa bahay. I need to unwind dahil kung ano ano na naman ang napasok sa isip ko eh! Kaya lumabas muna ako.

Napansin ko na may naglilipat sa tapat ng bahay naming. Eh? Ano naman? Wala akong pakielam. Hahahaha. Pumunta ako sa park sa labas ng village namin. Hmmmm. Buti walang masyadong tao, kahit Holiday. Well, hayaan na natin. Pumunta ako sa pinaka malapit na convenient store at gutom na ko. It’s almost three oclock tapos hindi pa ko nagla-lunch kaya naman gutom na gutom na ko. :DD

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon