Hannah's Story: Chapter 2

382 10 2
                                    

**Still on Flashback**

Agad ko siyang binuhat at dinala sa sasakyan ko para dalin sa Pinakamalapit na Hospital. 

Kasama namin sa sasakyan ang Ina ni Hannah samantalang sila Daddy ay nakasunod.

"Ano ba yan!" I Silently said ng biglang mag stop light.

Mga ilang minuto pa bago kami makarating sa Hospital.

Kulang na lang yata ay paliparin ko ang kotse ko para lang makarating kaagad sa Hospital na 'to.

"Where's the patient's family?" Agad kaming napatayo ng lumabas ang Doktor galing ER.

"I'm her mother" Agad na lumapit si Tita Theresa kay doc.

"She's stable now pero we have a bad news..." Doc.

Para bigla akong nanlamig sa sinabi ng doctor.

"Ano yun doc?" Sabi ni Tito Roberto.

"I think mas maganda kung kaharap natin si Ms. Hannah pag sinabi ko 'to, But as of now nilipat na namin siya sa Room so you can see her." doc.

"Sige po." sabi ni Tito Roberto pagkatapos ay umalis na yung doktor.

"Aalis lang po muna ako." sabi ko at umalis agad.

Pumunta ako sa chapel ng hospital na 'to.

Sa totoo lang hindi ako naniniwala sakanya noon, sa panginoon. Bakit? Meron kasi akong kapatid...older sister. She Died when I was 7 years old. 8 years ang age gap namin pero close na close pa rin kami ni Ate Danna, para ko na siyang pangalawang Ina, siya ang nagaalaga sakin pag nasa business trip ang mga magulang namin. Hindi siya namatay, pinatay siya At mas masakit pa don ay nirape muna siya bago siya barilin at itapon sa isang madilim na lugar. Sobra ang pangungulila ko non kay Ate, It took me years bago maka move on. Kaya simula non ay hindi na ko naninawala muli sakanya.

Pero ng dahil kay Hannah, naniwala ulit ako sa itaas. Tinulungan niya kong kilalanin siya muli at pinagsisisihan ko mapasahanggang ngayon na itinakwil ko siya. Alam ni Hannah lahat ng tungkol kay Ate.

Lumuhod ako at nagsimulang nagdasal.

Taimtim akong nagdarasal ng may naramdaman akong may tumabi sakin. Nagsign of the cross na ko at umupo nang muli.

Tinignan ko yung tumabi sakin, Babae siya. Mahaba ang buhok niya at nakasuot siya ng baby pink na dress...Napangiti na lang ako.

Hannah's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon