EPILOGUE
Lumipas ang ilang taon, at ito na.
Dumating na din ang araw ko.
Nakaratay sa kama at tila hinihintay na lamang maubos nang tuluyan ang mga nalalabing oras ko sa mundo.
Binuklat ko ang isang librong at inilipat ito sa pinakahuling pahina. At doon ko isinulat ang mga huling salita nito, ang pagwawakas nito. Ang 'The End'. Ngumiti ako at isinarado na ang librong ito at hinaplos ito.
"Dad..."
Tinignan ko si Jane, kasama niya ang asawa niya pati ang kaniyang anak, ang apo ko.
"Be brave, Jane."
"Dad, please..."
"I need to leave, anak. Inaantok na ko.."
"D-dad"
Naramdaman kong malapit na siyang umiyak at hindi nagtagal ay bumuhos na nang tuluyan ang kaniyang mga luha.
"Hayyy, ang baby ko. Uhugin pa rin" Sabi ko at pinunasan ang mga luha niya gamit ang palad ko.
"Dad, hindi ko pa yata kaya. Wag po muna kayo umalis, please?"
"I need to go, my little princess. Hindi ka ba nahihiya, an'diyan ang asawa mo pero walang humpay ang pagiyak mo diyan" Pabiro ko pang sabi at kahit nanghihina na ako ay nagawa ko pa ring tumawa.
"I love you, Dad"
"I love you too, Little princess. Alagaan mo ang asawa't anak mo ha? 'Wag mo sila papabayaan." Bumaling ako sa Asawa niya na si Alden. "Ingatan mo ang Prinsesa ko ha? Kung hindi nako.." Nakita kong natawa ang asawa ng anak ko nang bahagya, pero may bakas din ito ng lungkot. Sunod naman akong bumaling sa Apo ko. "Molie, Apo."
"Lolo..."
"Halika dito"
Lumapit naman siya saakin.
Napansin kong maluha luha din siya.
"Apo, can you sing a song for me? Para naman mahimbing akong makatulog"
"L-lolo.."
"Please? Sige na, Apo. Yung favorite ko"
Narinig kong mas napahagulgol si Jane. Ang anak ko talaga, oo.
Nakita kong nagpahid nang luha ang Apo bago sinimulan kumanta.
"I-I wanna make y-you smile. Whenever you feel sad"
"Carry you a-around when your athritis is bad"
"All I wanna do, is g-grow old with you"
At doon ay tuluyan na nga akong nakatulog.
--------------------------------------------------------------------------------------
Sa muli kong pagising pakiramdam ay napakagaan nang lahat.
Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid.
Ngumiti ako, ang burol.
Lumapit ako sa puno namin. Pero napansin kong may nagtatago sa likod nito.
Gugulatin ko sana siya pero parang akong ang nagulat nang bigla niya akong halikan sa labi.
Bumitaw siya sa halik at agad akong niyakap.
"I missed you Harrold"
Niyakap ko din siya pabalik.
"I missed you too... Hannah"
Lumipas ang ilang minuto sa ganoong pusisyon nang may naalala ako.
Kumalas ako sa yakap at bakas sa mukha ni Hannah ang pagtataka.
Hinalikan ko ang tungki nang ilong niya at saka inilahad sa kanya ang librong kanina ko pa hawak hawak.
Tinanggap naman niya ito at saka ngumiti nang pagkalaki laki.
"Iyan ang pinagkaabalahan ko ng nabubuhay pa ako. May mangilang ngilang POVs ako diyan ha." Sabi ko saka tumawa.
"Alam ko kasing sa paraang iyan ay mas maaalala kita. Gusto ko kasi malaman nang ibang tao kung paano tayo nagmahalan noon. Gusto ko kahit wala na tayo sa mundong iyon, mananatili pa rin doon ang kwento mo. Kung paano mo ko nakilala, kung paano tayo lumaban. Gusto ko ipaalam sa kanila kung gaano natin kamahal ang isa't isa, kung gaano natin napasaya ang isa't isa. Gusto ko patunayan na may 'forever'. Gusto ko malaman nila na ikaw, Mrs. Hannah Jane Smith at ako, Mr. Harrold Sky Smith ay napatunayang may FOREVER "
Napansin ko iyak na siya nang iyak kaya agad ko siyang niyakap.
"Harrold, salamat sa lahat. Salamat kasi ako pa rin hanggang ngayon. Salamat kasi hindi mo ko nagawang ipagpalit. Harrold, god knows how much I love you. Mahal na mahal kita harrold. Sobra."
"Mahal na mahal din Kita, Hannah. Ni hindi ko nga nakuhang tumingin sa ibang babae. Nako! Takot ko na lang na baka multohin mo ko!" Pabiro kong sabi.
Hinampas naman niya ko nang marahan at tumawa.
Tumingin siya sa Librong hawak niya saka ito binasa.
"Hannah's Story"
The End.
=================================================
Thank you For Reading!
New Story... Soon.
Entitled: Understanding You
Goodbye guys! :*
TheMissingWriter, signing off.
BINABASA MO ANG
Hannah's Story
Teen FictionHANNAH JANE DE VERA. Isang sweet and charming girl, rich kid and smart. Close to perfect na nga ika nila. Pero ang hindi alam ng lahat ay may sakit ang dalaga. Stage 4, Tumor. Hindi niya pinapaalam sa iba ㅡexcept sa family niyaㅡ ang sakit niya dahi...