Chapter 10

4 0 0
                                    

--

Stella's POV

Saturday

Hay. Parang ang daming nangyari ngayong week na 'to. Pero masaya pa rin ako kasi nanalo kami. Ayun ang pinakamasaya. Lalo na nung kumain kami pero kasabay din ang mga pangyayaring weird para sakin.

Flashback

"Ano na? Sa'n tayo kakain?" tanong sakin ni Sir Alfonso. Uwian na at nasa labas ako ng faculty room. Eh kasi naman sabik na rin akong kumain at gutom na akes.

"Bahala na po kayo sir." sagot ko sa kanya.

"Nasaan na yung dalawa?" tanong niya.

"Si Shana po, nag-CR lang po. Si Ryley, hindi ko po alam." sagot ko ulit. Hindi ko naman talaga alam kung saan yung lalaking yun. Simula nung nakita ko silang dalawa ni Marie na naglalambingan eh hindi ko na siya ulit nakita buong maghapon. Mukhang may namumuong pag-ibig sa dalawa. Well, good for Marie. Sa tinagal-tagal ba naman niyang tinatago eh, panahon na para mas magmahal siya ulit. I'm happy for her actually.

Maya-maya lang e dumating na rin si Shana at sabay na kaming naglakad para hanapin si Ryley.

"Hintayin ka na namin ni Shana dito Stella. Sunduin mo na lang si Ryley sa taas baka may inasikaso lang." utos sakin ni Sir Alfonso. Tumango ako at sinunod ko na si Sir. NapakaVIP naman kasi ng Ryley na yun.

Paakyat na ako ng hagdan nang makita ko silang dalawa. Si Ryley at Marie. Natigilan ako. Bakit ganon? Diba dapat matutuwa ako kasi magkasama silang dalawa at mukhang masaya naman silang magkasama. Ewan, naninibago lang siguro ako.

"Stellaaa!" sigaw sakin ni Marie at niyakap ako na medyo nagulat ako sa ginawa niya. Bakit naman siya nangyayakap ngayon, kaka-walk-out niya lang samin kanina ah.

Nagmake-face ako kay Ryley na parang sinasabi ko kung anong meron sa kanya at ngumiti lang naman siya at kumibit-balikat. Well, puma-pag-ibig.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nung bumitaw na siya sa pagkaka-yakap sakin.

"Okay na okay na po ako. Sorry naman nag-iinarte lang." sabi niya sakin na para bang ang saya-saya niya. Well. Ano ba nga ba ang ini-expect ko.

"Okay lang yun. Sadya ka naman ganun. Aalis na nga pala kami. Magpapatreat si Sir Alfonso gamit ang naipanalo naming pera. Sama ka?" tanong ko.

"Ay hala, 'Wag na." tumingin naman siya kay Ryley. "Kayo na lang. Sa inyo naman yun." at tumingin ulit siys sakin at ngumingiti ng nakakaloka. Hmm. Something's fishy nga talaga.

"Okay. Tara na. Maghiwalay na lang tayo sa labas ng school." pag-yaya ko.

Sumang-ayon naman sila at sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan naman naghihintay sila Sir Alfonso at Shana. Nag-sorry naman kami kung bakit kami medyo natagalan at si Marie na ang humingi ng depensa. 

Nagpaalam na si Marie at lumabas na siya ng school. At kami ng pumasok na sa loob ng kotse ni Sir Alfonso.

End of flashback

Hindi naman kasi imposible na magkagusto si Ryley kay Marie kasi maganda naman talaga si Marie. Tsaka bakit ko nga ba iniisip yun? Hindi naman kami ganun ka-close ni Ryley para pagdudahan ang nararamdaman niya.

"Hay nako! Nakakainis!" sa sobrang stress ko sa pag-iisip, lumabas na lang ako ng bahay at tumambay sa may garden-gardenan at nagsketch. At dahil yung mga orchids lang naman ang nagpapawala ng stress sakin. Kaya sila nalang ini-e-sketch ko.

"Psst!" napatingin ako sa labas kung sino ang sumisitsit. Si Ryley. At dahil nga malapit lang ang bahay namin sa may hi-way, marami talagang taong dumadaan, pero bakit sa dinami-rami naman ng mga taong dadaan eh siya pa talaga? Siya--na nakakapag-pa-stress sakin? Nakakainis nga naman, oo.

Kumaway siya at napansin kong may kasama pala siyang babae. Yung babaeng kasama niya nung nakaraang linggo. Ay pakshet! May girlfriend nga pala 'tong taong 'to. Bakit hindi ko kaagad naalala? Kaya naman pala parang nagdududa ako.

Kumaway nalang din ako at ngumiti naman yung babae sakin at ngayon medyo clear yung mukha niya, kitang-kita naman na ang ganda talaga nung girlfriend niya. Maganda ang taste niya sa babae ha. I smiled back then nagpatuloy na sila sa paglalakad. Napapikit ako sa naaala ko na may jowa nga pala siya. Hay nako. Marie, masasakatan ka nga lang talaga.

Kung maka-asta naman kasi si Ryley parang pinapaasa na niya kaagad si Marie. Babaero nga naman.

Flashback (Before the treat)

Sinundan ko si Ryley kung saan nga ba nagpunta si Marie. Syempre hindi niya alam na sinundan ko siya. Talaga namang tampupururot ang babaeng yun. At dahil medyo maraming estudyante dahil lunch break, hindi ko na masyadong makita si Ryley, I mean medyo malayo na ang narating ko. Kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa likod niy. Ang haba na nang nalakad ko ah. Mukhang balak pang pumunta nang mga 'to sa elementary campus ah.

Ang as expected, dun nga nagpunta. Umupo muna ako sa bench ng park at nagpahinga. Hay nako! Nakakainis! Ano bang pumasok sa isip ni Marie.

"Waaaaaaa! Huhuhuhu!" ano yun? Narinig kong parang may umiyak sa hindi kalayuan. "Bata, anong meron dun?" tinanong ko ang batang lalaki na mukhang Grade 4 palang at mukhang galing dun sa may ngumangawa na ewan.

"Inaaway yata ng boyfriend ate eh. Kanina pa yun ganun. Pinapatahan nga po nung boyfriend niya pero hindi naman tumitigil." sagot niya at umalis na rin. Nagpasalamat na lang ako at hindi ko na nagawang magtanong pa.

"Ke bata-bata pa eh may mga jowa na. Naku naman." at dahil curious ako, pinuntahan ko. Hindi naman kasi kalayuan at sa mismong playground ng elementary. Medyo humina na yung pag-ngawa at nang makarating ako dun. I felt weird.

It was Ryley and Marie. Nasa pisngi ni Marie ang palad ni Ryley at kitang-kita ko ang pag-kaconcern ni Ryley kay Marie. Well, what do I expect? Sila ang sinusundan ko pero hindi ko na dapat silang pakialaman. I smiled then walked away.

Bakit ganun? And weird lang. Napatawa na lang ako at umalis na sa lugar na yun.

End of flashback

Bakit naman kasi nung mga panahon na yun hindi ko pinigilan yung Ryley na yun. Baka mamaya aasa lang ng aasa si Marie sa kanya e may jowa na nga siya. Hay nako! Mas lalo akong na-s-stress! Pumasok na lang ulit ako sa loob at natulog. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin? Edi matulog, mas marami pa akong maiipon!

-- 

Going BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon