Chapter 13

9 0 0
                                    

-

Ryley's POV

Mural ulit. Ito lang naman ang pinaka-exciting na nangyayari sakin dito sa school bukod sa mga babaeng nakikita ko. Joke lang. Bukod pala kay Stella.

Syempre, busy mode muna kami ngayon. At dahil sa magaling daw akong maghalo ng kulay, ako na naman ang naghahalo. Primary colors lang kasi ang binigay na paints ang binigay samin ngayon. Hindi tulad nung nauna na may secondary. Kaya medyo challenging din. Alam ko naman na mananalo kami. Kami pa ba?

"Ryley, I need peach please." utos sakin ni Shana.

"Yes Ma'am." sagot ko at naghalo na ako ng primary to secondary na kulay para lumabas ang peach at binigay ko sa kanya.

Hanggang ngayon, hindi parin ako kinakausap ni Stella simula nung nilapitan ko sya at bigyan ng skyflakes. Hindi naman yata masamang magbigay ng skyflakes diba? Ang weird lang naman.

"I need blue." nagsalita bigla sa harap ko. Si Stella pala. Ngumiti ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sakin. Hay nako. Ayaw ko muna siyang tanungin kung anong problema, baka mas lalo pa siyang magalit sakin.

Binigay ko sa kanya ang blue paint at umalis na rin siya. After kong maghalo ng mga kulay, pumunta na din ako sa pwesto ko at nagpinta.

Stella's POV

Hayss. Ang hirap ng ganito. Parang nanghihina pa ako ngayon. Mukhang magkakasakit pa yata ako ah.

Ilang minuto na lang, malapit na kaming matapos sa ginagawa namin. Sana lang may magandang mangyari ngayon.

After 20 minutes..

"Wooh! Tapos na! On time! Galing!" Sigaw ni Shana. NagHi-5 ulit kaming tatlo. Ako naman hindi masyadong nagsasalita. Ngumingiti-ngiti lang.

"Okay ka lang ba Stella?" Tanong ni Shana sakin nang makaupo na kami sa may bench.

"Okay lang ako. Hindi lang masyadong maganda ang pakiramdam ko. Hehe." Sagot ko.

"Inum ka ng gamot." Biglang may sumingit. Sino pa ba? Tiningnan ko siya nasa may gilid lang namin, nakapamulsa. This time, nakita ko na naman ang mukha niya na seryoso. Minsan ko lang makita ang mukha niyang seryoso. And I felt weird.

"Sige. Mamaya na lang." Sagot ko habang si Shana pangiti-ngiti. Kinunutan ko na lang siya ng noo.

As usual, nang matapos kami sa pagpipinta, pumunta na kaagad kami sa town hall ng school namin for announcement ng winners. Bago ang awarding, may mga ilang performers and speech pa ang dumaan.

Parang magkakasakit  talaga ako. Ang weird lang. Ayaw ko nang ganitong feeling.

"Stella." may tumambad na kaagad sakin na skyflakes at paracetamol. "Kumain ka muna at uminom ka ng gamot. At keast kahit papano may laman ang tyan mo." inabot niya rin sakin ang isang bote ng mineral. Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin. Seryoso parin ang mukha niya. Anong meron? Bakit parang ang awkward ng feeling?

Medyo nangangawit na siguro siya kaya hindi ko na pinatagal, kinuha ko na lang din. Mukhang wala naman kasi akong choice eh.

"Salamat." sabi ko.

"Hindi ka kasi kumain eh. Kaya kita inabutan ng skyflakes kanina eh. Hindi mo naman tinanggap. Kaya ngayon, kainin mo na muna yan."

"Pa'no mo naman nalaman na hindi ako kumain?" tanong ko.

"Diba nga binigyan kita ng skyflakes kasi alam ko na hindi ka kumain."

"Ang layo naman ng sagot mo. Pa'no mo nga nalaman na hindi ako kumain?" ulit ko.

Going BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon