Chapter 4

17 2 0
                                    

Blue's POV

"Hello guys" Masaya kong bati sa mga kaibigan ko.

"Oh Blue nanjan ka na pala." Sabi ni Luke.

"Ay nandito na ba ako? Sorry ha, hindi ko kasi alam, nandito na pala ako." Sarkastiko kong sabi.

"Sige ituloy mo Blue. Sinasabi ko sayo." Sabi naman ni Vayn. Tinignan ko si Levy halos patayin na ako ng mata niya.

"Saan ka pala nagpunta kagabi? Hindi ka natulog sa kwarto." sabi ni Nath.

"May dinalaw lang." 

"huh? diba hindi pwedeng lumabas ng Academy pag gabi?" sabi ni Kailey. Edi kayo na ang may alam ng rules. 

"sino ba kasing nagsabi sa inyo na lumabas ako?" ang dami naman nilang tanong nagugutom na ako eh. Hindi naman ako nag-aalmusal doon sa Aquantalia eh. Puro seaweeds kaya kinakain nila. 

"sabi mo may pinuntahan ka?" Jessie.

"hindi ba pwedeng may dinalaw ako sa loob ng Academy?" mga to. Ang daming tanong. Maawa naman kayo sa akin. huhu nagugutom na ako.

"Nga naman." sang-ayon ni Vayn na nakatingin sa salamin. tae kumakain na sila't lahat lahat tapos etong Vayn na to nagpapacute pa sa salamin.

"oh sige kuha lang ako ng pagkain ko. Gutom na ako eh." umalis na ako at nagtungo sa pagkuhanan ng pagkain.

Bumalik ako matapos kumuha ng dalwang plato na punong puno ng masasarap na pagkain. Yehet chibugan na.

"sinong kakain jan?" Tanong ni Jessie

"ako." ikli kong sagot at nagsimulang lantakin ang pagkain.

"ah guys nga pala mag-eensayo tayo, tutulungan ko kayong mapalabas ang mga dragon niyo." Sabi ko. Naubos ko na kasi yung pagkain ko. Sayang kung pwede lang sana mageextra pa ako kaya lang baka tamarin na naman akong mag-ehersisyo.

"Yes..."

"Alright."

"So kailan natin sisimulan?" tanong ni Harly.

"mamaya na total nakapagpaalam na rin ako kay lolo." Tumango silang lahat except Levy.

"Anong kapalit? Buhay namin?" Sabat ni Levy. Tumingin naman silang lath sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo Levy?" galit na saad ni Nat.

"bahala kayo." Sabi niya at lumabas na agad sa cafeteria.

"Guyz teka lang kakausapin ko lang." tumango sila at tumakbo na ako sa labas.

"Flare teka lang."

"wag mo akong tawaging Flare" sabi niya.

"Pangalan mo naman yun eh." Tinignan niya ako ng nag-aapoy na mata. Na sabi ni Papa noong buhay pa siya na pwedeng mamatang ang sinumang makakita sa matang iyon.

"Sa tingin mo tatalab yan sa akin?" mangha kong tanong.

"Bakit, bakit mo kami ipapahamak para lang sa walang kwentang taong gusto mong iligtas." Namanhid ako sa sinabi niya.

"walang kwenta? Ikaw, nasagot mo naba ang mga tanong ko kahapon?" Naging asul na rina ang mga mata ko.

"Para makapag-aral." Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Sa tingin mo para lang doon? Huh. Wala kang kaalam alam na nanganganib ang mga buhay niyo. Konting panahon na lang ang natitira. May ikukwento ako sa iyo making ka ng mabuti.

Ang akademiang ito ay napapalibutan ng malakas na kapangyarihan. Dito kayo nananatili upang maprotektahan kayo. Pero habang buhay bang mapoprotektahan kayo ng akademiang eto? May hangganan ang lahat. Sa propesiya may nakalagay doon na mga bata na nagtataglay ng mga pinakamalalakas na elemento, dalawang guardian tatlong sub element at ang isang may kapangyarihang makita ang hinaharap, sila ang makakapagligtas ng mga kaharian laban sa kadiliman. Sa sampong ito may kambal, na kapatid ng isang guardian. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" tanong ko.

"Apat na element users, ako, ikaw, si Vayn at Harly. Ang sub naman ay sina Luke, Natalie at Jessie ang guardian naman ay sina Kailey at Blaze. Sino ang kambal?, na kapatid ng Guardian. Ikaw kapatid mo si Blaze na isang guardian diba?"

"tama ka." Hinayaan ko siyang tuklasin iyon.

"may kakambal ka?"

"Siya si Weather. Kinuha siya ni Dark upang makapaghari sa buong mundo. Sa paniwala niyang matutulungan siya nitong masabi kung nasaan ang espadang ginawa ni papa na sa tulong ng Fire and Water users matatalo ang lahat ng may masamang hangarin. Halos gabi gabi napapanaginipan ko siya, humuhingi ng tulong sa akin. Halos araw araw na lang siyang pinapahirapan. Kaya ko kayo sinasanay hindi lang dahil gusto kong iligtas si Weather pero gusto ko ding maging ligtas kayo sa panahong kailangan."

"Nasaan ang espada?"

"ang espadang ito ay nahati sa dalawa. Isa ang nasaloob ko at isa ay nasa iyo." Sabi ko

"nasa akin?"

"tama nasa iyo nga yung kalahati mapapalabas mo lang iyon kung...... Kaya mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo pero sa nakikita ko? Hindi pa."

"bakit kailangan ko pang makontrol ang kapangyarihan ko?"

"dahil sa pagpapalabas ng kalahati ng espada ay paglalabas rin ng maraming enerhiya. Pwede mong ikamatay... pwede nating ikamatay pag hindi natin na control ang kapangyarihan natin. Tutulungan kitang mailabas yan. Pero mas maraming oras ang dapat nating igugol sa pag-eensayo mo kaysa sa iba."

"gaano ba kalakas ang kapangyarihan natin?" Seryoso tinanong ba talaga niya sa akin kung gaano kalakas ang kapangyarihan niya? Hindi niya ba nararamdaman?

"Sa tingin mo?" hindi siya nagsalita. "halika may ipapakita ako sayo."

"Hah saan?" psshhh tanong tanong pa di nalang sumunod. kaya hinila ko na lang.

"Basta." Binilisan ko pa ang paglakad. Lakad-takbo na nga ang ginagawa namin.

Nakarating kami sa bungaran ng isang gubat pero hindi ito pangkaraniwang gubat.

Kinuha ko ang aking kwentas. Isa itong bilog na parang pendant pero gawa sa mga kapangyarihan naming Elements. Nag-aalab na apoy, Water, Earth, at Air. Bigay ito ni papa noong bata ako. Wala nino man ang nakakita sa pendant na ito tanging si mama at papa lang at ngayon ay pati na rin si Levy.

"anong ginagawa natin dito? Diba pinagbabawal ang pumunta dito dahil mapanganib?" takot ba ito? HAhaha.

"sinong may sabi?"

"si Headmaster." Sabi ko nangaba kung anu-ano talaga ang sinansabi ng gurang na yun.

"Naniwala ka naman? Sa loob nito ay makikita ang isang sa pinaka magandang lugar dito." Dinikit ko ang kwentas sa pinakamalaking puno dito kung tawagin ni papa ay Tree of Wisdom. Unti unting nagbukas ang isang pinto na hindi mo aakalaing nandoon. Pumasok na ako at sumunod naman si Levy sa akin. At nagsara ang lagusan.

"wow!" yan lang ang sinabi niya. Naglakad ako papalapit sa isang duyan na tandang tanda ko pa. Ito ang duyan na ginawa ni papa noon para daw pag napagod ako kakaensayo namin may mauupoan daw ako. Pwede namang umupo sa berdeng damo. Pero para daw may libangan ako minsan. Namimis ko na siya kung hindi lang dahil kay Dark sana nandito pa si papa. Di ko namanlayan na tumulo na pala ang luha ko.

"uy umiiyak ka ba?"

"pshh wag ka ngang magtanong." Pagtataray ko. Agad ko namang pinunasan ang pisngi ko.

"halika upo ka dito." Sabi niya sabay tap ng damo sa tabi niya.

"ayoko nga." Aba syempre baka ano pa ang gawin niyan sa akin.

"pshhh ang arte dali maalis yang sama ng loob mo?" huh? Anong sama ng loob? Pero hayaan mo na. kaya naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. "oh sige kwento ka na. Isipin mo na lang na isa akong bagay, yung paboritong bagay ha."

"huh? Bakit?"

"para hindi ka mailang, diba ang bagay hindi nagsasalita? Makikinig lang ako hindi ako magsasalita."




Thank you pala sa mga nagbasa at pwede po pang mag Comment at mag vote kayo. Ang mga mauunang magcomment at Vote sila ang mabibigyan ng dedication.

Geh....

JL


FIRE AND WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon