Chapter 3

31 1 0
                                    

Blue's POV

"kung si Levy ang fire, pwede niyang imanipulate ang heat sa ilalim. Pwede niya akong tulungan palabasin ang aking mahal na-"

"anong kinalaman ko sa pagpapalabas ng iyong minamahal." Nagulat ako ng may biglang nagsali sa likod kio pero kilala ko ang boses na yun.

"i-ikaw p-pala?" nauutal kong sabi.

"kaya mo ba kami tinutulungan para tulungan ka rin namin? Naghihintay ka ba ng kapalit? Gusto mo kaming ipahamak?" hindi ako nagsalita dahil alam ko kung sasabihin ko ang rason hindi nila ako papaniwalaan.

"Sa tingin mo ang lahat ng ito ginagawa ko para lang ipahamak kayo? Isipin mo. Bakit may Special Magic Academy? Bakit nila kayo tinutulungang palabasin ang tunay niyong kapangyarihan? Bakit may mga nakatakda? Bakit sinasanay nila kayo para makipaglaban? Ilan lang yan sa mga tanong na ikaw mismo ay nakikita na ang sagot. Nasa paligid ang kasagutan sa mga tanong na iyan. Buksan mo ang iyong mga mata at ang puso mo. Paalam kaibigan." Hinayaan ko na siyang nakatayo lamang at akoy lumusong na sa tubig. Ito ang Aquantalia Lake. Sa pinakailalim nito ang kinaroroonan ng Aquantalia Kingdom. Kung nasaan aking mga kaibigang serena. Si prinsesa Aqua at Agua sila ang magkapatid na serena na nagingkaibigan ko noong bata pa ako. Matagal na rin mula nung huling punta ko dito. Pero halos walang pinagbago. Ganitong gandito rin narito parin ang itsura ng palasyo noong huli kong punta.

Nasisinagan ito ng ilaw mula sa itaas. Malawak ang palasyo dahil dito naninirahan lahat ng mga serena.

"Blue ikaw na ba yan?" may nagsalita mula sa aking likuran agad ko namang liningon at doon ko nakita ang aking mga kaibigan. "Blue IKAW NGA. AHHHHHH" nag unahan ang dalawang prinsesa sa pagyakap sa akin.

"BLUE NAMISS KA NAMIN." SAbay na sigaw ng dalawa.

"Namiss ko rin kayo sobra sobra."niyakap ko rin silang dalawa. Mayamaya ay kumalas na rin kami saka tumungo sa loob ng palasyo.

"Blue?" sabi sa akin ng isang lalaki. Teka sino to?

"ha?"

"Asul ikaw nga." Sigaw ng lalaki saka niya ako niyakap. Asul? Isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Si..

"Kambal." Isa rin to sa mga kaibigan ko. Si Red. Kulay pula ang kanyang buhok at buntot. Kaya siguro Red ang pinangalan. Ako si Asul siya si Pula. Kambal tawagan naming dahil sa mga pangalan namin.

"Mas lalo kang gumanda kambal." Aba binola pa ako.

"ahhhemmm. Nakalimutan niyo na kami?" sabi ni Agua.

"Invisible at tayo eh. Hindi nila tayo nakikita diba?" isa pa tong si Aqua.

"Hahaha. Ano ba kayo namiss ko lang rin tong kambal ko." Pagpapaliwanag ko.

"hahaha pati naman kami ah." Nakapout pa talaga sila ah.

"kumusta na kayo?" tanong ko.

"Ok lang naman, pero ikaw kumusta ka na ba? Nahanap mo na ba ang makakatulong sayo para mailigtas siya?" tumango ako. "edi mabuti."

"hindi rin, dahil hindi nila alam kung bakit talaga sila nagsasanay. Hindi nila alam ang paparating." Nagulat sila sa sinabi ko.

"pa-paanong hindi nila alam?" nagtatakang tanong ni Agua.

"nagsasanay sila pero hindi nila alam kung para saan. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila. Dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila. Kung tutulong ba sila para mailigtas ang buong Aerotopia o pababayaan na lang nila ito." Pagpapaliwanag ko. Alam nila kung ano ang mga dahilan ko dahil humingi ako ng tulong sa lahat ng mga kaibigan pero sa kasamaang palad hindi nila ako matutulungan ang tanging mga Elemental users lang ang makakatulong sa akin.

FIRE AND WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon