Chapter 6

27 2 0
                                    

BLUE's POV

Ngayon ang unang araw ng palaro at kailangan naming icheer ang mga kagrupo namin kahit na hindi namin sila matutulungan dahil nakikita lang naming sila sa malaking screen sa harap namin at least may moral support.

Nakapwesto na ang mga maglalaro ng treasure hunting tig 20 ang maglalaro bawat grupo. Sina Alice, John, Hyuga, Saito, Luis, Tifany, Third, Seven, Jake, ang magkakapatid na Rainy, Sunny, Cloudy at marami pang iba. Marami talaga kasi ang kailngan jan dahil sa labas sila ng academy maglalaro at hindi lang yun doon sila sa pinakamalawak na bundok dito sa Aerotopia.

Nandito kami ngayo sa oval kasama ang mga kagrupo ko na kanina pa nagkukwentohan. ANg ingay lang nila. Tapos yung isang grupo naman grupo nina Flare antataray.... Grabe nakita nila kami bigla ba naman kaming tinaasan ng kilay... Syempre hindi kasali yung mga kaibigan ko pero yung mga kagrupo nila grabe ang sarap lunurin pero syempre joke lang edi pinarusahan na ako ni lolo at mama. Namimis ko na naman si papa at ang kakambal kong lagi akong pinagsasabihan dahil sa kakulitan ko. Akala mo nga siya ang matanda sa aming dalawa pero syempre mas astang matanda yung Blake Lake na yun akala mo nga hindi kami ate nun eh. Kung wala noon si papa para pagsabihan kami si Lake ang sub ni papa. Kaya laging buntot sa amin si Lake noon dahil bilin ni papa. Si papa. Kung nandito lang yun matutuwa siya dahil sa mga kayak o ng gawin at hindi na ako gaanong pasaway.

May nagpunas sa pisngi ko.

"pshhh ayan ka na naman, akala mo matutuwa siya? Uy pinaka pilyang prinsesa namin umiiyak na naman." Sabi ko sa inyo eh. Yan ang Lake.

"HAHAH, Sabihin mo nga Lake, yung totoo ha, ilang taon ka na?" natatawa kong sabi. Binatukan ba naman ako.

"arouch ha. Makabatok wagas." Pagrereklamo ko.

"lika ng dito ate." Sabi niya kaya lumapit ako sa kinaroroonan niya. Bigla niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

"siguro kung nandito si papa at Weather Masaya tayong manonood at gagawa ng kalokohan- Aray ha, kanina ka pa." sabi ko binatukan na naman ako.

"Anong kalokohan. Uy ate ikaw lang ang isip bata sa ating tatlo."

"makapagsabi ng isip bata huy normal ako. Isip matanda ka lang talaga." Sabi ko at tumawa. "kanina ka pa. kanina batok ngayon naman tulak..." naiinis na sabi ko.

"ang ganda mo pala talaga ate." Aba dati pa.

"ngayon mo lang alam?" sabi ko ng nakataas na kilay.

"hmmm hindi naman. Maganda ka talaga kamukha mo si mama."

"buti alam mo." Mataray na sabi ko.

"naniwala ka naman?" panunukso niya. Tae tong kapatid na to.

"ahhhhhhhhh LAKEEEEE.:" pero tumawa lang siya ng tumawa. Mapuno sana ng hangin yang tiyan mo. Grrrr...

Sa inis ko. Binasa ko siya.

"AAAAATTTTTTTEEEEEEEEEEEEEEEE. BAKIT MO AKO BINASA?" sigaw niya at imbes na yung screen ang pinapanood nila kami na. oh so livestream na pala ngayon?

"hahahahahahahaha. Lake... mukha kang basang sisiw." Natatawa ako sa itsura niya wahahaha. Grabe.

"ATE" may pagbabanta kaya tumakbo na ako at naramdaman ko naman na sumunod siya.

"waaaaaahhhhh.... May humahabol sa akin ang laking basang sisiw waaaahhhhh" hiyaw ko habang paikot ikot kami sa oval.

Matapos ang habulan namin time na para kumain nakuha rin ng mga kagrupo naming ang treasure at nalaman din nila ang kanilang mga level.

FIRE AND WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon