Chapter 5

25 1 0
                                    

Blue's POV

"ok, dito ang paborito kong lugar. Madami akong masasayang alaala dito kasama si papa. Namimiss ko na din siya. Dito kami nag-eensayo noong mayroon pa siya. Kaya hasang hasa ko na ang kapangyarihan ko. Alam mo kung bakit ditto kami nag-eensayo? Dahil dito kahit makasira ka ng mga gamit o kahit ano man babalik at babalik ito sa dati. Buti pa yang mga halaman ditto kahit anong gawin babalik at babalik, mas gaganda pa. Pero bakit kaya tao hindi kayang ibalik? Dito ako tinago ni papa noong nagkakagulo na ang lahat. Lagi niyang sinasabi sa akin na kailangan ko kayong hanapin. Kailangan ko kayong sanayin. Ewan ko nga rin eh bakit ako pa diba? Bakit si papa pa? ang daya ng buhay pero wala tayong magagawa yun ang kapalaran. Bakit kasi naipanganak pa yung demonyong yun? Paano niya nagawa sa kapatid niya iyon diba? Alam mo ba? Si Dark mismo ang pumatay kay papa... Sarili niyang kapatid. Tapos ngayon kinuha pa niya ang kapatid ko. Kung sana maibabalik ko lang ang nakaraan ako mismo ang papatay sa kanya." Umiiyak na pala ako.

"alam mo hindi naman na natin mababalik ang nakaraan pero kaya nating ibahin ang hinaharap. Kaya halika na simulan na nating mag-ensayo." Tumayo na siya at linahad ang kanyang kamay. Tinignan ko lang ang kamay niya. Tumayo na ako. Tapos tumawa siya.

"sabi ko nga eh hahaha." Sabi niya ng pailing iling habang tumatawa. Ano ba to parang shunga tumatawa ng basta basta. Pero teka tumatawa? Weh? Totoo? Ang gwa- ay wala pala tae. Atat lang ata akong mag-ensayo eh.

"Lika na." hinila ko ang kamay niya at tumakbo sa di kalayuan.

"woaw! Shit! Astig" yan ang reaksyon niya pagkakita sa Elemental battle field.

Elemental field ang tawag dito dahil nasa gitna ito ng mga training field ng iba't ibang element users. Dito pwedeng maglaban laban ang mga elemental users upang magsanay.

Tama, may sari-sarili kaming training field pero habang hindi pa talaga nila macontrol ang kapangyarihan nila hindi muna pwede. Dahil sa loob ng bawat field ay ang mga illusion. Mga pusibleng kalabanin ng mga elemental users. Makakatulong rin ito sa mga pagsasanay nila pero wag muna.

"Paanong nagkaroon ng ganito dito?"

"tumubo siguro. Alam mo na." natatawa kong sabi.

"ha-ha nakakatawa."

"dami mong sinasabi. Lika simulan na natin." Naglakad na kamin papunta sa gitna ng battle field. Biglang kaming napalibutan ng kulay asul na apoy. Pero kung titignan mong mabuti ang apoy ay napapalibutan ng tubig kaya naging kulay asul.

"Simulan na natin. Kailangan mo akong kalabanin hanggang sa kaya mo."

"dami mong satsat." Aba grrrrrr.... Sarap buhusan ng malamig na tubig.

Wala ng nagsalita nagpalabas na siya ng isang fire fox. Hmmm... impressive. Akmang susugod na ang fire fox niya pero syempre alaman ko kung anong pwedeng makatalo sa fire fox na na yan. Pinalabas ko ang water eagle ko. Nagpaulan na naman siya ng fire ball. Mukhang bihasa na ito ah. Gumawa ako ng water wall. Nakikita ko parin siya pero hindi niya ako nakikita. Pinaapaw ko ang tubig galing sa ilalim ng training fields. Kaya hagang tuhod na ang tubig kay Flare. Nagpalabas muli siya ng Phoenix. Habang nagpapaulan parin ng fire ball ang fire fox habang nagpapaulan naman ng water spikes ang water eagle ko mula sa kanyang mga pagpak.

"Ah madaya ka." Sigaw niya.

"Paano ako naging madaya?" tanong ko.

"hindi ako makagalaw, uuuuhhhhhgggg" pinaglaho ko unti unti ang water eagle at pati na rin ang mga tubig sa paligid.

"ito ang dapat mong tandaan, kailangang alerto ka, kailangan alam mo ang mga posibleng mangyari. Kagaya kanina, Alam mo na may tubig sa ilalim ng lupa, pero hindi mo inisip na pwede ko itong gamitin laban sayo. Hindi iyon pandaraya noong ginamit ko ang tubig sa loob dahil lahat ng kalaban gagawin kahit na ano. Kailangan mong wag Iwalang bahala ang kahit na katiting na posibilidad dahil kahit katiting man ito pwede kang matalo kahit na anong oras. Wag mong kalimutan na hindi patas na maglaro ang mga kalaban. Ito na muna." Kailangan ko papuntahan ang iba. "ah may –ibibigay nga pala ako sayo." Sabi ko.

FIRE AND WATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon