07/16/15
***Two main characters:Scarlet and Gray
***
"HIGHSCHOOL HEARTBREAK"
by:_ash0527
"Scarlet"napalingon ako sa tumawag saki at nakita ko si Gray na papalapit na may dalang softdrinks at burger.
"Oh?ba't antagal mo naman ata?" Tanong ko sakanya
"Namiss mo naman ako agad?"
"Tss asa ka!mamatay ka muna!"
"Abah matagal na akong patay na patay sayo!" Pabirong hirit naman nya
Na! Itong mga pasimpleng kakornihan nya ang nangiinis sakin araw araw ni hindi na ata matatapos ang araw kung hindi kami magbabanatan ng kakornihan kahit ewan ko lang kung bakit kahit madalas na naletseng letse ako dito pero nagagawa ko paring magtimi.
"A-ano?Ma-mamatay ka?G-gray hindi pwede!" Uutal-utal kong sambit habang kakikitaan naman ng pag aalala ang kanyang mga mata.
"Cause I cant live without you" hakhakhak
Mukhang nagulat pa sya sa pagbanat ko dahil hindi ko naman ugaling pansinin ang mga banat nya.
Alam kong nagtataka na talaga kayo kung bakit magkasama parin kami kahit na inis na inis ako sa kanya. Well it is because of a shit na kailangang magpanggap kaming couple para tumigil na yung bwisit na admirer ko sa higher year. Buti nga at natripan namin ang isat isa nun kaya eto kami--nagpre pretend.
"Ayos ah!buti nalang gwapo ako at natuto ka naring bumanat ng havey"sabi pa nya habang kumakagat ng burger
Konek?bakla ata to?as if I care baby. the important is you are here to help me *grin emoticon*
~•~•~•~•Halos araw araw lagi na kaming magkasama ni Gray at halos magkapalit na mga rin kami ng mukha, pero ayos lang gwapo naman sya kahit papano...aarte pa ba?
Magkasama rin kami kanina sa school at hinatid pa nya ako dito sa bahay sabay bilin ng "wag kang magpapalipas ng gutom at matulog ka ng maaga"
Daig pa nya ang totoong boyfriend sa mga kilos nya at sa di malamang dahilan, a small smile flashed in my lips.
"ATE!"
"Ay puso! Bwisit ka Red bat ka ba nagsisigaw dyan?"
"Si kuya Gray nagtext"
Gray?
Agad kong inagaw mula kay Red ang phone ko at aba!
"Oy oy Red akin na yang phone ko!wag mong pakialaman!wooops"
Nah...
From: Gray
~kumain ka na :).
Hmmm and again..sa di malamang dahilan napangiti nanaman ako.
Daig pa nya si mama sa pagpapaalala ng mga ganyang bagay."Uuyy si ate inlove!crush mo si kuya Gray no?" Bigla naman akong natauhan sa pagsundot sundot ni red sa tagiliran ko.
"abah! tong batang to! san mo natutunan yang inlove inlove na yan huh?"
"Duh malaki na ako ate at alam ko na rin yang pa ngiti ngiti mo jan!hala confirmed na inlove sya!uuuii"
"Che!"nasabi ko nalang sabay walk out...I was speechless but is it possible na inlove na talaga ako?
"Dipensib mo te!" Pahabol pang sigaw ni red
~•~•~•~•Mag isang buwan na rin simula nung nagsimula kaming maglokohan ni Gray-- i mean pretending
And in these past few days masyado na syang busy.
Minsan nalang sya magtext at madalang naring tumawag.
Sa klase ko nalang rin sya nahahagilap dahil hindi ko alam kung asan sya nagpupunta tuwing break time.
Nababalitaan ko rin na meron na syang nililigawan pero wala pang kahit sino ang nakaka alam kung sino ang niligawan ni Gray.
Ang akala pa nga nila ako iyon, pero di ko naman nakumpirma na liligawan ako ni Gray kaya di ko muna papaniwalaan. Mahirap na~•~•~•~•
Sabado ngayon at maggagabi na pero andito parin ako sa park.
Wala lang, gusto ko lang munang magpahangin.Naghihintay ako ng masasakyan dahil pa uwi na ako.
Medyo malayo kasi itong park sa bahay namin kaya heto nganga. Antagal naman kasi nung jeep"Beeeep"
"Ay puso!bwisit naman!bakit dito ka pa natapat?!" Hiyaw ko sa kotseng tumapat sa likod ko
Nilingon ko ito at tumambad sakin ang mga players na galing sa isang sports meet.
And i guess nandito rin si Gray dahil basketball player sya.Urgh!bakit ba ako Gray ng Gray?inlove na ba talaga ako?siguro kailangan ko tong sabihin sa kanya mamaya?
"Scarlet!halika sumabay ka na samin!ihahatid ka na namin"napalingon ako sa nagsalita...and it was Blue.Sya yung admirer ko na iniiwasan ko and he's a soccer player.
I was about to say no pero naalalang kong maghahating gabi na pala so I was left with no other choice kundi sumabay nalang dahil wala narin palang nagdadaan na sasakyan sa harap ng park.
Pagbukas ko ng van,unang tumambad sakin sina Gray at Pink--nag aakbayan sila
I mean naka akbay si Gray kay Pink at si Pink naman ay naka higa sa dibdib ni Gray.
So sya ba ang nililigawan ni Gray?
"Babe malapit na ba tayo sa school?"tanong ni Pink kay Gray
"Yeah?"sagot naman nito..so confirmed na pla?i just answered my own question
Naupo nalang sa bakanteng upuan which happens na sa harap nila natapat.
Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko..nasasaktan ako eh.
Bakit ba?la naman kayong pake diba?
Bakit ba kasi ang tanga ko at nahulog ako sa kakornihan nya?
Kasabay ng pagdaan namin sa isang street light at ng pag ilaw nito sa mukha ko ay kasabay ring tumulo ang mga luha ko...alam kong nakita nya ang mga luhang iyon..pero bakit ba kasi ang tanga ko?nahulog ako sa kakornihan nya?wow!just wow
**********
Walang forever so it ends here😂😂
Ps. One shot lang dapat is this pero pinagpatuloy ko nalang. Turns out to be a short storeh.
935 words lang po to kasi masyadong log ang wattapad sa selpon. Nakakasura. K.Labyu!
BINABASA MO ANG
Highschool Heartbreak
Randomjust tap this story and explore the colorful love story of Scarlet and Gray :)