Somewhere Down The Road

60 6 2
                                    

Prologue

I met him, somewhere down the road.

Flashback

(Somewhere down the road)

"Somewhere down the road, our paths,
where gonna cross again, and suddenly Imagi--- AY ROAD!" Sigaw ko. E paano ba naman kasi, may bumangga sa akin, lahat tuloy ng dala kong libro nalaglag. Naglalakad kasi ako sa ilalim ng tulay. Hindi man lang tumitingin sa daanan e.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw ko habang inaayos 'yung mga gamit ko na nalaglag.

Hindi niya ako tinulungan kaya ako tumayo para sana sigawan siya kaso parang bigla na lang nag-awitan ang mga Anghel sa langit.

Bakit?

Dahil ang lalaking nasa harap ko ay isang Anghel na bumaba sa langit.

"Oh Miss, Laway mo!" Sabi niya sa akin. His voice is like a music in my ear, ang sarap pakinggan! Pero teka lang muna wait, wala akong panahon para lumandi. Dapat galit ako sa kanya! Huwag magpa- distract sa kagwapuhan. Okay. Inhale. Exhale.

"O anong nangyari sa laway ko, tumulo ba? Hindi naman 'di ba!" Pagma- maldita ko. Bigla naman siyang tumawa. Ang gwapo! Wait, pabebe mode on muna dapat ako.

"Maka- alis na nga." Sabi ni Mr. Crazy Handsome. Tumalikod rin naman siya at naglakad na papalayo. Pero bago pa siya makalayo ay sumigaw ako.

"Sorry a! Nakakahiya naman sa 'yo!" Sigaw ko. Humarap naman si Mr. Crazy Handsome at nag- wink! Pakshet! Bakit ganun? Kahit anong inis ko sa kanya. Mag- wink lang siya, parang hihimatayin na ako sa kilig! Ang landi ko pramis. May pinagmanahan!

End of Flashback

Masyadong gasgas ang First meeting namin pero, somewhere down the road, I fell inlove with him.

Then after how many unexpected meeting somewhere down the road pa rin, He confessed. Na- love at first sight ako mga 'teh!

Flashback

(Do You Love Me By 2ne1)

"D-O-Y-O-U-L-O-V-E-M-E! Do you love me! Do you love me! Do you love me like the way I love you b---" Nakakainis naman!

"IKAW NA NAMAN!" Sigaw ko sa taong bumangga sa akin. Si Mr. Crazy Handsome, halatang nanadya!

"Ms. Noisy Woman, please stop shouting! Nakakahiya!" Balik na sigaw niya sa akin.

"AKO PA TALAGA IYUNG NAKAKAHIYA E NOH! DAPAT NGANG IKAW IYUNG MAHIYA DAHIL IKAW IYUNG NAKABANGGA TAPOS HINDI KA PA NAG- SORRY! AKO PA BA DAPAT IYUNG MAH----," Hindi ko na naituloy iyung sinasabi ko dahil bigla na lang niya may lumapat sa labi ko. Mesherep! Pero bigla rin akong natauhan at tinulak ko siya.

"Why did you kiss me?!" Sigaw ko. Bigla bigla ba namang manghalik! First time ko 'yun!

"Because I love you! And I really do!" Bigla namang akong natigilan.

"B- bakit? P- paano?" Nauutal kong tanong.

"Na- love at first sight ako sa iyo." Sabi niya, at nangyayari pa talaga to somewhere down the road! Baka may nakakita sa amin. Nakakahiya!

End of Flashback

Masyado na ring gasgas.

Hindi ko naman alam na dun pala magsi- simula ang isang bagay na hindi ko inaasahan e. Isang bagay na magpapa- bago sa aking pananaw na Walang Forever. Binago niya 'yun, He make me feel that Forever truly exist.

Flashback

"Mahal anong gusto mo dito?" Tanong niya sa akin habang turo turo 'yung mga designs ng stainless ring.

Nasa Tiyangge kami. Cheap ba? Well, for me, hindi cheap to kasi kahit mura o mahal pa ang bagay ba iyan, sweet pa rin kapag galing sa puso. Sa totoo lang, mayaman ako at siya. Pero mas pinili lang namin ang tiyangge kasi mas Romantic.

"Ito na lang Babe o! Ang ganda!" Sabi ko. Ang ganda talaga. Mura na, maganda pa. Stainless ring muna kasi wala pang pambili ng Silver or Gold ring e. We're just student! Mayaman kami oo, pero ayokong humingi kay mama at papa no. Baka, mapagsabihan pa ako.

"Sige Sinta, ayan na lang maganda naman e." Tinuro na namin dun sa lalaki 'yung nagustuhan naming design. Iyung design niya ay may Infinity sign tapos sa gilid nun ay may naka- sulat na, WY. Stands for 'Forever With You!'

"Kuya mga anong oras po namin pwede makuha iyan?" Tanong ko.

"Ah mga Alas- tres, Sir. Ang dami kasing nagpapagaw e." Sagot ni Kuya.

Alas- tres? Tinignan ko 'yung wrist watch ko. 2:40 PM pa lang naman e. Matagal- tagal pa.

"Sweetiepie, simba muna kaya tayo?" Tumango naman ako. Tutal malapit lang naman ang simbahan ng St. Jude dito e, kaya sige, go!

Hinila ko na siya papunta sa isang mahabang upuan. Nauna na akong umupo at pagka- tapos ay lumuhod. Gumaya naman siya sa akin. Nag- simula na akong magdasal.

' Lord, please, sana siya na nga si Mr. Right! Maawa kayo sa akin. I want him to be my Forever! I want husband, to be the father of my child and to be the man who grow old with me!' Dasal ko. Nakaka- kilig 'yung dasal ko. May halong kapabebehan! Haha!

*After 20 Minutes*

Bumalik na kami sa tiyangge para kunin 'yung, singsing. Saktong alas tres na kasi e.

"Ma'am, Sir. Eto na po 'yung Rings niyo." Inabot sa amin ni Kuya 'yung Stainless ring. Isusuot ko n sana kaso bigla niyang hinablot.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Basta," sagot niya naman.

Hinila niya ako pabalik sa harap ng simbahan. Sa harap lang mismo hindi totally sa loob ng simbahan.

Binigay niya sa akin 'yung isang pares ng singsing. Iyung mas malaki nasa akin tapos 'yung maliit nasa kanya. Baliktad yata?

"Mahal, Ibinibigay ko 'tong singsing na 'to para ipangako na mamahalin kita, Habang- buhay." Sinuot niya sa Ring Finger ko iyung singsing. OMG! Is he marrying me? Or He want to give me this promise ring? OMG! Im so kinikilig!

Ako naman, dahil mahal ko rin siya ay sumumpa ako.

"Babe, I will love you Forever! Kahit walang Forever!" Sabi ko.

"May Forever!" Sabi niya! Kinikilig ako!

End of Flashback

Pero, sabi ngs nila. Kapag masaya ka susunod lulungkot ka. Tama.

Nagka- kilala kami, Somewhere down the road. Nakakainis dahil nalove at first sight ako.

Na- inlove at nag- confess kami sa isa't isa, Somewhere down the road rin.

Pero ang isang bagay na hindi ko inaasahan, ay 'yung sa 'Somewhere down the road' na rin 'yun. Doon pala kami, magkakasakitan, at hindi lang 'yun. Doon rin pala kami Magkakahiwalay.

Somewhere down the road, he Broke my Heart.

End of Prologue

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon