Chapter Three

17 3 0
                                    

Somewhere Down The Road

[ Alexandria Beech's Point Of View ]

"Hello Tiffany, nasaan ka na? Nandito na kami ni Katy sa labas ng condominium namin." NAMIN! Sa AMIN! As in sa Beech Family!

"Ah ganun ba? Sige punta na ako diyan."

"Sige, sige." Pinatay ko na ang cellphone ko and then narinig ko na lang si Bestie na nagsalita.

"10 AM na, sigurado naman akong tapos na iyun sa pag- eenroll sa pamangkin niya doon sa school niyo!" Inis na Sabi niya. Pagpasensyahan, ganyan talaga iyan kapag naiinip e.

"Hayaan muna, baka na- traffic lang!" Sabi ko kay Bestie, galit kasi agad e!

"Psh!" Sabi niya tapos nag- roll eyes pa.

*Beep Beep*

May tumigil naman na kotse sa harap namin, si Tiffany na ito for sure.

"Hey guys, Im sorry late ako hinatid ko pa kasi yung pamangkin ko e." Sabi niya sabay ngiti. Hindi na siya lumabas, binuksan niya na lang iyung bintana.

"Buti nga dumating ka pa e!" Sabi ni Katy sabay pasok sa harap ng kotse ni Tiffany, katabi niya si Kuya Edgar, gwapo iyun kaya dun siya tumabi.

Ako. Tumabi na ako kay Tiffany doon sa likod.

"Kuya Edgar sa Mega Mall." Sabi ko pagka- upo.

"Katy galit ka na naman, si Kuya Edgar na lang iyang kausapin mo diyan." Sabi ko. Tinarayan naman niya ako. Crush kasi niya iyang si Kuya Edgar e.

Let me describe him... Moreno, 5'9 ang tangkad, bilugan ang mata at brown, makinis, at hot! Dyusko day! Kaya sa una hindi mo aakalaing Driver siya ni Tiffany, promise!

"Tiffany, kapag wala ka nang pera at kailangan mo ng magtanggal ng driver, si Edgar iyung tanggalin mo a! Kukunin kong personal bodyguard at driver!" Sabi ni Katy, ganyan talaga iyan makapal ang mukha, kahit nasa harap niya ang crush niya, ipagsisigawan niya pa rin. Nag- blush tuloy ang tenga ni Kuya Edgar. Hahaha.

"Akin lang iyang si Kuya Edgar noh!" Sigaw naman ni Tiffany kaya mas lalong namula si Kuya Edgar. Siyempre kita ko sa Rear View.

"Talaga! May the best woman win! Right Edgar?" Tanong naman ni Katy kay Edgar.

"Uy Katy, baka bumangga tayo! Mamaya mo na idistract si Edgar kapag kayo na lang dalawa!" Sabat ko. Ayaw ko pang mamatay noh! Hindi ko pa nakikilala lalaki ng buhay ko! Oops! Nakilala ko na pala, nawala lang.

***

"ALEXANDRIA BEECH! GUMISING KA NA MAY SUNOG!" Nagising ako sa bwusiy na bunganga nitong si Katy. Pero teka ano daw? May sunog? Really? WTH!

"Ha! Katy nasaan ang sunog?!" Nag- aalalang tanong ko.

"Ito oh, 'yung pizza ko sunog!" Mahaninahong sagot nito pero maya maya lang ay biglang humalakhak sa tawa dahil sa reaction ko.

"Leche ka! Akala ko naman kung saan 'yung sunog!" Inis na sabi ko sa kaniya. Inilibot ko naman ang aking brown eyes sa loob ng kotse. Ganun pa rin naman iyung ayos niya bago ako makatulog, walang pinagbago... parang iyung sakit na nararamdaman ko, hindi pa rin nagbabago.

*knock knock*

"Oy mga ate, baka gusto niyo nang lumabas! Ang init kaya rito!" Inis na sibi ni Tiffany, oo nasa labas siya kasama ang kaniyang hot and handsome driver.

"Sige," Pagkasabi ko nun ay binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas na kami.

Nasa SM na nga kami. Yeah, kahit trapik, dito talaga namin napiling mag- shopping para sa gagamitin ko sa school.

"Let's go inside," sabi ni Katy sabay hatak kay Edgar. Feeling nitong babaeng ito e, boyfriend niya iyun. Kapal ng face!

"Twinny, kapag aalis nga tayo, ibang driver ang dalhin mo huwag na iyang si Edgar, kawawa siya kay Katy e." Sabi ko ng may pag- aalala. Siyempre bestie ko kaya iyun! Tsaka kawawa rin naman si Katy kapag nainlove siya ng todo kay Edgar, hello! Isang Princess papayagan ng mga magulang na maikasal sa isang driver!

"Katy, Tiffany, anong mas maganda sa dalawa?" Tanong ko sa kanila habang hawak ang dalawang bag, iyung isa color pink na Loui Vitton na bag at isang black, simle but elegant bag. Siguro naman alam niyo na kung anong gusto ko.

"Iyung pink!" Sabay nilang sabi sabay apir pa. Pero mas gusto ko itong black eeeh! Wrong choice tuloy na tinanong ko sila.

"E 'di ba maganda rin naman itong black?" Tanong ko.

"Oo... pero mas maganda iyung pink." Sabi ni Katy.

"Yeah right." Sabi ni Tiffany. That's final, Pink ang gusto nila pero black ang gusto ko.

"Well, I like your suggestion but I want this black bag." Sabi ko. Nagtinginan naman sila at ngumiti.

"Okay." Pagkasabi nila nun ay pumila na kami agad sa cashier, onti lang naman iyung tao kaya hindi kami natagalan.

"Ah ma'am, ako na po ang magdadala niyan." Sabi ni Edgar na hawak ni Katy, I smell something tilapia here! Hehe, may relasyon kaya itong dalawa?

"Ah Thanks, Edgar!" Sabi ko. Naglakad na kami at dumiretso sa National Bookstore.

"Alex kanina pa tayo hanap ng hanap dito, tsaka sobrang dami nitong mga pinamili mo." Sabi ni Katy, ganyan talaga iyang babaeng iyan, reklamadora.

"Huwag kang mag- alala onti na lang at matatapos na 'to." Sabi ko. Nag- ikot ikot pa ako hanggang sa makarating ako sa isang stante ng mga magazines. Tinitigan ko ang ilan doon, wala lang para naman updated pa rin ako sa showbiz.

*Bog*

"Ouch!" Sabi ng bata ng mapaupo ito sa sahig.

"Oh sorry, I didn't mean that." Tinulungan kong makatayo ang batang lalaki at nakita ko ang maamo niyang mukha. Napatingin rin naman siya sa akin.

"Oh my your Miss Alexandria Beech of Johnson Academy!" Shock na sabi ng bata.

"Yes, that me, why?" Lalong pang nanlaki ang mga mata niya. Teka nga, may anak na ba ako at nawalay lang sa akin at ngayon ay nagkita na kami? Chos! Virgin pa ako noh!

"You'll gonna be my teacher in Grade 1 rose! Yehey!" Natutuwang sabi ng bata, hindi niya alam pero magaan ang pakiramdam nito sa bata.

"Jack!" Narinig naming sigaw.

"Mommy I'm here at the magazine stall!" Sigaw ng bata, so mommy niya iyun and Jack ang pangalan niya. Nice! Jack Dawson lang! Ikaw na! Push! Achieve!

Nabalik naman ako sa realidad ng may bumangga sa aking babae at nilapitan si Jack.

"Ano ka ba namang bata ka! Pinag- alala mo ako!" Sabi nito sa batang si Jack.

"Mommy, I'm okay... I just saw my soon to be teacher! Yipee!" Napangiti naman ako.

"Really? Where is she?" Tanong niya kay Jack. Nakita ko naman na itinuro ako ni Jack. Lumingon naman itobsa akin at nagulat, pero nawala rin sa mukha niya.

"Uhmm Hi, ikaw pala iyung Ms. Alexandria Beech... Nice to see you." Magalang na sabi nito.

"Yeah, it's me... Your son's soon to be teacher!" Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya at nagshake hands kami.

"Uhmm sorry, may urgent meeting kami sa company kaya kailangan namin umalis. Sorry talaga ah. Tumawag kasi kanina iyung husband ko at iyun ang dahilan kung bakit nawala sa paningin ko si Jack. Im so sorry!" Sabi niya. Nakikita ko naman sa mga mata niya na sincere siya.

"Ah no, It's okay, marami pang next time." I smiled at them at nagsmile rin sila sakin.

"Goodbye!" Sabi sa akin ni Jack saka sila tuluyang umalis.

Biglang nabagabag ang puso ko.

Kamukha niya At Kaboses niya, hindi kaya anak niya na iyon? Shocks!

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon