Chapter Four

25 3 0
                                    

Somewhere Down The Road

[ Alexandria Beech's Point of View ]

"Kambal niya kaya iyun?" Tanong ni Bestie.

"O, siya talaga iyun?" Dagdag pa ni Twinny. Andito kasi kami sa Starbucks. Iyung mga dala dalahan namin, nilagay na namin sa Kotse. Ikinuwento ko na rin sa kanila iyung nangyari, kaya iyan, puro tanong.

"I Dont Know," Sagot ko. Nakaka- walang gana tuloy.

"Sure ka? Hindi mo talaga nakita iyung mukha nung lalaking naka- bangga sa iyo?" Tanong Ni Bestie.

"Hindi e," Sagot ko.

"Bakit kasi hindi mo tinignan?" Sabi ni Twinny.

"Eh nakakahiya naman kasi sa inyo e, kayo Pa- ice cream ice cream tapos ako may dala lahat! Mga walang awa!" Sabi ko. Bigla namang dumating iyung mga orders namin.

"Here is your order, Maam." Sabi ni Waiter and inilapag sa table namin ang 2 Capuccino and 1 Machiatto.

"Thank you!" Sabi ni Bestie. Bastos kung bastos na hindi ako nagpa- salamat, e nawalan ako ng gana e.

Tumingin tingin ako sa labas ng Coffee shop, napako ang tingin ko sa lalaking naka- sumbrelo, naka- jacket, at, at may...

"Imposible!" Bulong kong sabi pero hindi naka- iwas sa tenga nila.

"Anong Imposible?" Tanong ni Twinny.

"Oo nga?" Dagdag pa ni Bestie.

"Im- imposibleng siya iyun dahil nasa San Francisco na siya, kasama ang pa- pamilya niya." Malungkot na sabi ko. Masakit pa rin para sa akin e.

Masakit pa rin sa akin iyung bigla na lang niya akong iniwan ng walang dahilan.
M-A-S-A-K-I-T !

*Plik* Sabay ng pagtulo ng luha ko ay, Naramdaman ko na lang na may humagod sa likod ko, mas lalo pa tuloy akong naiyak! Kasi naman itong mga kaibigan ko e.

"Okay lang iyan bestie, nandito lang kami para sa'yo." Kumuha na ako ng tissue para punasan iyung luha kong hindi maubos ubos. Tumingin na lang ulit ako sa labas. And there he was, wearing a black jacket and a hood in his head.

"Ipikit mo na lang muna 'yan, Twinny!" Ipinikit ko na nga lang ang mga mata ko, and after few minutes binuksan ko na ulit ito, at wala na siya.

***

"ON THE WINGS OF LOVE!" Aish! Ang sakit naman sa ulo at sa tenga nitong mga kumakanta na 'to!

"UP AND ABOVE THE CLOUDS THE ONLY WAY TO FLY IS ON THE WINGS OF LOVE~~" Ang aga- aga! Bwisit!

"ANG INGAY NIYOOO!" Sigaw ko. Tumahimik naman sila.

"Sorry!" Duet pang sabi nila with peace sign pa.

"Bakit ba ang iingay niyo ha?" Umupo naman sila sa couch, ako naman tumayo para maghilamos.

"Hmm, kasi tanghali na?" Tanong ni Bestie.

"O ano naman ngayon?" Tanong ko naman. Wala naman palang matinding dahilan, mangi- gising sila. Kainis lang!

"Anong 'ano naman' ka dyan!" Sigaw sa akin ni Twinny. Aish!

"E ano ba kasi 'yun? At tsaka bakit bihis kayo ngayon, may lakad ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Mga nakapang- lakad kasi sila e.

*Bok!* "Aray!" Singhal ko kay Bestie. "Bakit ka ba namamatok ha?! Masakit kaya!" Angal ko. Nagtatanong ng maayos tapos mamamatok! Hmp!

"Ayan gising ka na," Sabi ni Bestie.

"Tumayo ka na dyan at maligo! 20 minutes na lang!" Sabi ni Twinny.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon