[EXO] 36.5
EXO FACT# 36: Chen is the easiest to bully in EXO according to Sehun
(c) Exo Facts
A/N: Thank you for the beautiful Poster at the side!~ Sayo ko to dinededicate. :> Thank You Ruby Lynn! <3
***
[KYLIE]
“Mommy?!” Nagulat ako nang Makita kong nasa labas ng bahay si mommy kasama si Yoona. At lalo akong nagulat nang bigla niya akong yakapin.
Iyak lang siya ng iyak habang hinahagod ko yung likod niya.
Nakita ko namang umiiyak na rin si Yoona at lalo pa akong nagulat ng Makita kong dala nila ang mga bag nila at maleta.
Pinapasok ko sila at halatang nagulat ang EXO nang Makita si mommy at si Yoona.
Pinaupo ko naman sila. Agad na tinabihan ni Sehun si Yoona at binigyan ng tubig ito at si mommy.
Pumalibot naman ang EXO at tumabi naman sa akin si Kai. Halatang nag-aalala din sya.
“Mommy, ano ba nangyari? Bakit naman biglaan ang punta niyo dito? Tsaka gabi na oh! Buti di kayo napahamak!” sabi ko habang hawak hawak ang kamay ni mommy.
“Anak.. Kasi naman.. Pinaalis kami sa tinitirhan natin. Sabi niya may nakabili na dawn a yun at kailangan na daw naming umalis. Halos ipagbabato nga yung mga gamit natin eh.” Sabin i mommy habang umiiyak pa.
“Pinaalis kayo ni Aling Ising? Di ba nagbabayad naman tayo don? Bakit naman ganoon?” tanong ko sa kanila.
“Hindi ko din alam kung bakit. Basta bigla na lang may 5 lalaking pumasok sa bahay tapos biglang pinagbabato yung gamit namin sa labas. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak.” Sabi ni mommy. Umiiyak talaga sya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.
Gumanti naman ako ng yakap.
Shit. Paano nangyari ‘to? Bakit biglaan naman?
“Shit.” Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kai sa tabi ko. Galit na galit rin sya.
“Tita, dito na lang po kayo. Dun muna po kayo sa room namin. 3 beds naman po doon.” Sabi ni Sehun. Napatingin naman kaming lahat sa kanya pagkatapos ay biglang nagsalita na rin si Luhan.
“Oo nga po. Ayos lang po samin.” –Luhan
“Salamat mga iho. Kay babait niyo talaga.” Sabi ni mommy at napaiyak ulit. Shit. Kasalanan ko ‘to eh.
Kung hindi ko sana sila iniwan dun hindi to mangyayari.
Pagkatapos ng mahaba habang usapan ay naisipan nanaming umakyat sa room nila Sehun. Dun muna sila sa room ni Kai. Ayos lang naman daw kay Kai.
BINABASA MO ANG
Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITING
FanfictionI'm just a boy.. Standing in front of a girl.. Asking her to shut up and kiss me. Read the prologue! NO SOFTCOPIES. Currently Editing. BOOK 2: "HE'S THE MAN, SHE'S THE BOSS" Twitter: @crzypm_ IG: @crzypm Fb: www.facebook.com/PamValcos If you want to...