EPILOGUE + AUTHOR'S NOTE

36.6K 1.1K 303
  • Dedicated kay To My Beautiful Madlang Readers
                                    

[EXO] EPILOGUE + AUTHOR’S NOTE

A/n: Sana magustuhan niyo to. >< Pagpasensyahan niyo na ako ha! Ito ay inaalay ko sa lahat ng nagbabasa at patuloy na sumusubaybay dito. Masayang masaya ako dahil madami na tayo! ^^ Alam kong sinasabi ng iba, maikli ito pero para sa kin, mahaba na ‘to. ^^ Sa lahat ng napalitan ang bias, sa lahat ng napatawa sa kakulitan ng EXO, sa lahat ng naguluhan sa pagpili between Kai at Kris, Sa lahat ng gustong maging si Kylie, sa lahat ng gustong patayin si Sulli, mama ni Kai at ang principal, Sa mga gustong ma-rape ni Kai, XD at sa lahat ng mga nag-aabang sa bawat chapter na ‘to, maraming salamat sa patuloy na suporta! Para sainyo to. Mahal na mahal ko kayo!

“Saranghae..”

PS: HAPPY BIRTHDAY SA AKING ANAK! HAPPY BIRTHDAY ROSH! ^O^

PPS: READ THE AN LATER.

***

Ilang araw na matapos ang nangyaring pagtatapos namin ni Kai. Si Kris ang nagcomfort sa akin nung mga araw nay un.

Naintindihan naman niya ako. Pati sila Krystal ay kinomfort din ako. Pati ang EXO.

Tuwing naiisip ko ang mga nangyari nay un ay di ko mapigilang umiyak. Simula kasi nung araw ding yun ay hindi na nagpakita si Kai sakin.

Hindi na rin sya pumapasok sa school.

Hindi na rin sya umuuwi sa bahay ng EXO.

Hindi ko alam kung nasaan sya ngayon. Wala akong alam.

Si Tiffany naman ay kinomfort din ako. Sabi niya ay ganun lang daw talaga si Kai, wag daw ako susuko.

Wag akong susuko? Pero hindi ko na kaya.

Miss na miss ko na sya. Sobra. Alam ko namang alam nila kung nasaan si Kai. Siguro ayaw lang nila sabihin para di na ako masaktan pa.

Ngayon ko lang din nalaman na tinanggap pala ni Kai ang pagpapakasal kay Sulli. Ngayon ko nga lang din nalaman na ikakasal pala sila.

Hindi niya man lang sinabi sakin.

Nung nalaman ko yun, sobra sobrang sakit ang naramdaman ko. Sobra. Ganun ba sya kagalit sa akin? Ganun ba ako kadumi sa kanya?

Kaya ko ngang ibigay buong pagkatao ko para sa kanya. Pero ikakasal na pala sya sa iba.

Sabi pa niya wag ko daw siyang iwanan.. Pero sya rin ang nang-iwan. Siguro.. Hindi talaga kami para sa isa’t isa.

Kailangan ko lang sigurong talasan pa ang paghahanap para mahanap ang lalaking para sa akin.

Yung taong hindi ako sasaktan.

Yung taong maniniwala sa akin.

Yung taong mamahalin ko.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon