Chapter 3

66 7 1
                                    

*Violet's POV*

"Good Morning Class, I'm miss Crystal Hermos and I'm gonna be your adviser for the whole school year." Nakangiting bati sa amin ni ma'am. Nagsigawan naman ang mga lalaki kong ka-klase. Bakit? Eh kasi naman sa ganda ba naman ni ma'am, nakaka-akit kaya sa boys. Matangkad siya,Maputi at makinis. Yung mga mata niyang kulay abo na bumagay sa mga pilikmata niyang mahahaba. Yung kissable niyang labi na sumakto sa matangos niyang ilong. In short, maganda talaga si ma'am at tsaka bata pa si ma'am. Mga nasa 19 pa lang yata siya kung titingnan kaya ewan ko lang kung ilang taon na talaga siya. Looks are deceiving ika nga.

"And just like the old times. All of you will introduce yourselves here infront, so we will start from you miss beautiful" Pagturo ni ma'am sa unahan. Syempre una talaga ang mga nasa unahan kaya sure na ako ang huli kasi nasa hulihan ako. =_=

Nang ako na ay tumayo na ako at pumunta sa harapan. Syempre dedma ako sa mga nagbubulungan galing sa mga ka-klase ko.

"Violet or V , 16, That's all." Pagkasabing pagkasabi ko nun ay nagsigawan ang mga boys pati na rin pala ang girls.

"Be my girl Violet" [Be my girl mo mukha mo! Maghanap ka ng iba mong mapaglalaruan]

Wait!! wooahh!! #hugot ako dun ah. >_<

"I will love you till the end" [Till the end till the end ka pang nalalaman diyan! Gusto mong mag-end na ang buhay mo?!]

"Akin ka na lang Violet at paliligayahin kita" [luh!! Paliligayahin?! yucks!! sarili mo muna paligayahin mo bago yung ibang tao!]

"Violet! Swerte mo na sa akin sinasabi ko sa'yo! Sa gwapo ko ba namang to matatangihan mo pa?! Pshh!" [eww! sa gwapo mo? nasaan?! meron ba?! sorry ha wala kasi akong nakikita! Pakihanap muna bago moko iinform ha.Mali kasi ang impormasyong binibigay mo sa tao eh.Tss!]

"Your pretty, I'm handsome. Bagay tayo!" [weh?! di nga?! Ba't andami nang feeling ngayon? o.O pakisagot nga ako. Tsaka baka ikaw lang ang bagay dahil tao ako, FYI lang ha]

Iyan lang naman ang mga sinisigaw ng karamihan sa mga lalaki. Kesyo gwapo 'daw' sila. Mga feelingero. Nakakabanas! Ganyan naman kasi mga lalaki. Makakita lang ng maganda at mga type nila, dadamoves na yang mga yan! Tsk tsk!.

"Class Quiet!! Is that all miss Violet? any last name? Everyone have a la--" Hindi ko na pinatapos si ma'am sa sasabihin niya.

"I said that's all Ma'am." Pinal na sabi ko sa kanya. =_= Sinabi na nga kasing that's all, di pa niya yata naintindihan.

"o-Okay, t-take your seat." Ang nasabi na lang niya at syempre ayoko namang tumayo na lang sa harap habang ang mga kaklase ko ay pinagbubulungan ako kaya pumunta na ako sa upuan ko. Yung mga bulungan nila? -_-.

"She's a Bitch!!" [O tlga?! ipatapon kita dyan sa beach eh!]

"She's cool,awesome and pretty ^_^" [well, thank you kung ganun! heheXD]

"Mang-aagaw! Pati si Kyle my loves inagaw niya" [Makamang-aagaw naman!! inagaw ko ba? nakita mo? at tsaka mamaya sabi ka ng sabi na inagaw sayo eh ang totoo hindi naman talaga sayo.! o.O]

"Akala mo kung sinong maganda hindi naman, Pa-SIKAT!!" [Baka nga ako.=_= sabihin mo yan sa sarili mo Te, kasi para sayo talaga yan,Tss!]

"She's mean..and Cold." [Cold? yup, that's what you call me if you don't know me.Mean? nuh!! No I'm not!]

Oh diba?! narinig ko, kaya matatawag ko na parinig yun at hindi bulong.=_=
Bakit ganun mga tao noh?! Nagbubulungan ba talaga sila? Kung oo, bakit naririnig ng kung sino ang pinag-uusapan nila ang mga pinagbubulungan nila? They're nuts.

Desperate EnoughWhere stories live. Discover now