Chapter 17

1 0 0
                                    

"Thanks for tonight." pagpapasalamat ko sa kanila.

Nakatitig lang sila sa akin kaya pumalakpak ako para mawala ang kung ano mang ikinalulutang ng mga utak nila.

"Uhm, t-this is where you live?" namamanghang tanong sa akin ni Nervic.

Nilingon ko muna ang building bago sumagot.

"Yeah. Why? May problema ba?" kunot-noo at naguguluhang tanong ko sa kanila. Nakanganga pa rin kasi sila at tila hindi makapaniwala. As in silang lima.

"Uh guys?" pagtawag pansin ko sa kanila. "Yow!"

Tumikhim si Xander. "Do you know how much worth every unit in that condo building?"

Nag-isip ako at napa-iling. "Not sure if it's million or billion. I don't remember actually."

"Wow! You're impossible." komento ni Laurel habang umiiling.

Pilit na nginitian ko na lang siya at napakamot ng ulo.

"Each unit worth trillion or maybe even more than that price. It depends on the size, quality and structure of the unit." sabi naman ni Brian.

Napatingin ako kay Matt. "I didn't know you are rich. Much more than I thought."

"Hell yeah! Even my dad won't like to waste me that much money for a condo unit." manghang anas ni Nervic.

Napatango-tango naman si Laurel at Brian. I didn't know what to say to them kaya ngumiti na lang ulit ako ng pilit.

Naramdaman ko na may nakatitig sa akin kaya nilingon ko yun at nasalubong ko ang mapanuri at seryosong tingin ni Xander. Nakipaglaban din ako ng titig sa kaniya. Ano kayang iniisip niya?

Nabaling ang atensyon ko kay Nervic nang umakbay siya sa akin. Nakababa na pala sila ng sasakyan.

"Oy Violet, gaano ka ba talaga kayaman?"

"Ha?"

"Oo nga. Akala ko pa nga nang una ay nasa middle part ka lang ng lipunan. Yung tipong nakakakain ng tatlong beses--ay hindi, apat na lang, apat na beses sa isang araw." komento naman ni Lau.

"Ha? Bakit apat?" tanong ko.

"Kasama meryenda."

Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa sagot niya. Napatawa lang ang iba.

"Uhm.. gusto niyo ba munang magkape?" yaya ko sa kanila.

Nagliwanag naman ang mukha nila Nervic, Matt at Laurel. Nakita ko ring napangiti ng mabilisan si Brian.

"Talaga?!" the three said in unison.

Hindi naman halatang excited sila. Tumango ako at naglakad na papasok. Hinarangan kami ng guard sa entrance. Nasabi ko na ba kung gaano ka sobrang higpit dito? Now nasabi ko na. Literal na umikot ang bilog sa mata ko. Minsan ang OA na kasi ng pagka-higpit nila.

"Sorry ma'am pero hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala ang IC ninyo." seryosong sabi niya. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa at tsaka nilipat ang tingin sa mga kasama ko.

Ang IC na tinutukoy niya ay Identification Card. Ang nagsisilbing pass at card sa unit ng bawat miyembro ng may-ari ng mga condo unit.

Hinanap ko naman ang IC ko sa bag at wallet ko pero dapak! "Ah shit!" na-ibulong ko ng maalala na nasa kotse ko pala nakalagay yun. Kainis! Nakalimutan ko kunin.

"Bakit Violet? May problema ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Laurel.

Sasagot na sana ako ng nauna ng magsalita ang guard sa akin at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Desperate EnoughWhere stories live. Discover now