Chapter 5

49 4 0
                                    

*Violet's POV*

Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta ng parking lot para kunin ang kotse ko at umuwi. Inaantok na rin kasi ako.

Pagdating ko sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na pauwi.

Pagka-uwi ko ay wala pa sila ate. Tanging mga kasambahay, guard, at mga katiwala lang ng mansion ang nakikita ko sa palibot nito. Binabati nila ako at tinatanguan ko lamang sila.

Pagdating ko sa kwarto ko ay nag-shower na lamang ako, nagbihis ng maikling shorts at sando.

After that, I take a Rest.

*After 2 Hours*

*knock knock*

"Hmm." Naalimpungatan ata ako. Sino ba yun? Natutulog pa yung tao eh.

"Sino yan!?" Galit at inaantok na boses na tanong ko sa kung sino man ang kumakatok.

Narinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Ayweh? Nakabukas naman pala tapos may kakatok-katok pang nalalaman. -_-

"Violet, tumayo ka na diyan at kakain na tayo ng dinner." Narinig kong sabi ni kuya.

Wala sa sariling tumango-tango ako.

"Hm, Kuya. Sunod ako." Uggh, inaantok pa talaga ako. Para akong pagod na pagod.

"Violet! Halika na nga. Mamaya mo na ituloy yang pagtulog mo. Kumain muna tayo para tuloy-tuloy na yang tulog mo mamaya."

"Ihhh. Kuya naman eh!" Asar na sambit ko at napa-upo na sa kama ko. Nanatili akong nakapikit habang sinasabi yan.

"Hahaha! Ano ba yang itsura mo V? Mukha kang lasing."

Napadilat naman ako sa sinabing yun ni Kuya.

"Tsss!" Tumayo na ako at oumunta ng c.r. para maghilamos at mag-ayos ng buhok ko. Ang gulo eh. hehehe.

Sabay kaming bumaba ni Kuya at pagdating namin ay nakahanda na ang hapagkainan.

Mukhang si ate pa yata ang nagluto ah. May apron kasi siyang suot at siya rin ang busy sa pag-aayos ng hapag. Tumutulong lang yung ibang maids.

"Oh! andyan na pala kayo. Upo na at kakain na tayo." Utos sa amin ni ate at lumingon naman kay Manang Beth. "Manang pakitawag nga po yung iba. Pakisabi sabay-sabay na po tayong kakain." Sabi dito ni ate.

So, kaya pala ang daming pagkain. Haha! Masaya to. Masarap kasi kumain kapag marami kayo eh. Yung tipong simot lahat o kaya naman mag-aagawan pa talaga kayo sa pagkain.

Nakangiting umupo ako sa pwesto ko at excited ng kumain.

Maya-maya ay andiyan na sila. Yung ibang guard ay mamaya na lang dahil syempre magbabantay. Sumabay na sa amin yung ibang makakasabay.

Parang naiilang pa yung ibang kumain kaya wala pang nagsisimulang kumuha ng kahit anong putahe.

Syempre inunahan ko na. Ang bagal nila eh. Hahahaha!

Nang masimulan ko na ay sunod-sunod na rin silang kumuha.

Pagka-tikim ko ng unang subo sa pagkain ko ay napapikit pa ako sa sarap.

Ang sarap!! Hmm! Galing talaga ni ate magluto. *o* Idol!!

Dahil sa ang sarap nga ay sunod-sunod ang pagsubo ko ng pagkain.

"Hahaha. Di ka naman gutom Violet noh. Dahan dahan lang, marami naman yan eh.haha!" Natatawang paalala sa akin ni ate.

"Eh kashe Ate, hansharap ng luto moh." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagsubo kahit na may laman pa rin ang bibig ko.

Desperate EnoughWhere stories live. Discover now