Chapter 2

10 0 0
                                    

Ganun na ba ka distracting tong mukha ko kaya siya napamura o baka naman dahil sa kausap niya sa phone.

Oh my G. Ilang beses akong naubo . Huhu Nagulat naman yung katapat ko na parang nalilito kung anong gagawin kaya sinabi kong kailangan ko ng tubig.

'WALA PALA AKONG TUBIG NA NAKUHA. '

Inabot naman niya sa akin yung tubig niya at nag-aalangan naman akong kunin.

"Don't worry. Hindi ko pa na-inuman yan. Tsaka wala akong sakit kaya safe. " napangiti siya. Napangiti din ako saka ko kinuha at ininom agad.

" Sige " paalam niya. I thanked him saka siya tumayo at umalis.

Habang naglalakad ako sa corridor, naalala ko yung nangyari kanina. Pusa ! Nakakahiya. Huhu Mamaya i chismis pa niya ako pero sana huwag naman. -_____-

Nung nakita ko yung Room 103 pumasok agad ako at umupo sa bakanteng upuan sa gitna.

Agad kong nilabas yung notebook ko at nagsulat . Pagkaharap ng instructor bigla niya akong napansin .

Wait. Bakit parang tumanda naman ata bigla si Sir Mike ? Lumapit siya sa akin .

" What's your name Miss ?" Waaaah. Nakakatakot yung hitsura niya. Mukha siyang mon...monster ! Hehe Joke !

" I'm Amara Bella Bautista si-sir. Yo-your student in Math 101. " I don't know why I'm feeling uneasy. Feeling ko nakatingin sila sa akin lahat.

" I'm 100% sure that you're not enrolled in this class ? " patanong niyang sinabi.

Saka ko naman nilibot yung buong klase . Shocks ! Puro sila Koreans !
-______- shoot ! Wala pala kaming klase ngayon ! Bakit nakalimutan ko ?! Ganun na ba ako kalutang kanina !? Pinagpapawisan na ako. Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon . Oh shemay !

" I'm sorry sir ! Sorry po talaga sa istorbo ! " nag-peace sign pa ako at agad tumayo at lumabas.

Huhu. Nakakahiya . Hindi ko matanggap ! Baka pinagtatawanan na nila akong lahat dun . The worst thing pa , nasabi ko yung full name ko !

Dali-dali akong naglakad papunta sa susunod kong klase. I really am sure na tama na talaga tong pupuntahan ko . Sobra-sobra ng pagpapahiya ang nagawa ko sa sarili ko.

" A ! Alam mo ang gwapo kanina nung instructor namin sa isang major " kinikilig na kwento ng bestfriend ko pagkadating namin sa bahay. Oo magkasama kami sa iisang bahay at sakanila ito.

She is Anna Sophia Roberts. 3/4 filipina and 1/4 canadian kasi tatay niya kalahating canadian . Daughter of my Mama's Bestfriend. Kami lang ang nandito dahil si Tita Zendaya nasa Canada kasama si Tito Johnson at si Claire na kapatid ni A .

Malaki yung bahay . May 2nd floor at malawak yung space sa baba at may tanim na Bermuda grass . Nabili ata nila Tita eto mga 3 years ago. Kaso lumipat na sila sa Canada.

Ewan ko ba kay A kung bakit dito niya gustong mag-aral buti pinayagan siya nila Tito at Tita. Buti nga nakumbinsi ni Tita Zendaya sila Papa at Mama na mag-aral ako dito sa Manila para may kasama si A .

Kumusta na kaya sila? Namimiss ko na ang sariwang hangin sa probinsya. :( Hinatid nila ako dito isang buwan bago mag-umpisa yung klase para daw maka-adjust ako. dalawang araw lang sila dito at umuwi agad.

Elementary Teacher si Mama at Jeepney Driver si Papa. Simple lang buhay namin sa probinsya ganunpaman thankful ako kasi natutugunan naman nila yung pangangailangan naming magkakapatid.

" Hoy Amara Bella Bautista ! Hindi ka naman nakikinig sa akin ee. Kanina pa ako dada ng dada dito ! " pagdradrama niyang sabi.

" Nakikinig ako baliw ! Pero ano na nga ba yung sinasabi mo ? Hahaha Hindi ko gets ! " sinimangutan naman niya ako pero tumawa din at kwenento ulit.

If It's Meant To Be, It Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon