Chapter 3

11 0 0
                                    



Thank God it's Saturday meaning free day. 5 o'clock palang ng umaga pero gising na ako. Pinuntahan ko agad si A sa kwarto para gisingin.

" A ! Bumangon ka na diyan. Kanina pa tumutunog yang alarm clock mo ! " Saka ko siya pinalo-palo.

Gagamit-gamit ng alarm clock pero useless naman . Tulog mantika ka talagang babae ka !!

" Hoy Anna Sophia ! Babangon ka ba o iiwan kita ! Sagot !!!! " sigaw ko sa tenga niya.

" Hmmmmm"

May naisip ako. Hahaha Akala niya ha ! Pumunta akong kusina saka ako kumuha ng kaserola at kutsara. Agad-agad akong umakyat sa kwarto niya.

Pumwesto ako ng bonggang-bongga malapit sa ulo niya . Tinapat ko yung kaserola sa tenga niya saka ko pinalo-palo ng kutsara. Tignan ko kung hindi ka pa magising.

" Amara ! Ano ba yan ! Ang ingay ! Itigil mo na yan. Pass muna . Inaantok pa ako ! Sige. Bye. Take care ! " saka siya nagtalukbong ng kumot.

Wala talagang pakisama . Ilang beses ng pass yan ah. Palagi kasing katelebabad yung boyfriend niya. Hindi na sila nagsawa. Ano na lang pinag-uusapan nilang dalawa. -____- Isumbong kita kay Tita ee .

Isa pang dahilan kung bakit niya gustong mag-aral dito ee dahil sa boyfriend niyang si Hector Chavez. Ewan ko ba kung anong nagustuhan niya dun ? Hindi naman sa panghuhusga pero ano kasi basta ! Ewan ko ba kung bakit patay na patay si A sa kanya simula nung highschool pa lang kami. 2 years na sila , yun nga lang patago relasyon nila.

Pagkatapos kong mag suot ng sapatos lumabas na agad ako ng bahay. Subdivision kasi dito kaya alam mong safe lumabas kapag ganitong hindi pa maliwanag.

As usual, inikot ko yung ilang street dito. 6:30 na nung huminto ako sa park. Umupo naman ako sa isang bench at nagpahinga.

Pasilip na si Haring araw. Nilibot ko yung view . Ang ganda pala talaga dito sa subdivision na to, hindi na ako magtataka, kasi nga lugar ng mga mayayaman .

Napatingin ako sa basketball court. May isang lalaking naglalaro doon. Naka-suot siya ng kulay puting jersey.

' Villarama # 1 '

Infairness magaling siya aa kaya napatitig talaga ako sa kanya. Siguro napansin niyang may nakatitig sa kanya kaya siya napatingin sa direksyon ko.

Agad ko naman iniwas yung tingin ko sa kanya . Nung napansin kong hindi na siya nakatingin , umalis na ako.

Pagkadating ko ng bahay, nagpalit agad ako ng damit saka ko pinuntahan si A . Aba, tulog pa ang mahal na prinsesa .

Bumaba na lang ako para maglinis at magluto.

" Goodmorning Amara ! Kumusta ang jogging ? " tanong niya habang pababa siya ng hagdan.

" Okay lang naman. " simple kong sagot.

" Mamayang hapon punta tayo ng mall. May bibilhin akong mga libro . Samahan mo ako. "

" Tinatamad ako. Tsaka wala akong pera . Ikaw na lang. Kaya mo na yan"

"Amara Bella please pretty please. "

At the end, napilit pa rin niya ako. Ililibre daw niya ako . Sus. Ayaw ko nga pero she insisted. Sabagay, bawal tanggihan ang grasya.

Pagkarating namin sa Mall, pumasok kami agad sa National Book Store. Humiwalay naman ako sa kanya para magtingin-tingin ng bago at magagandang libro.

"A , ano nakapili ka na ? " tanong ng bestfriend kong may hawak na 5 libro ?

" Yep. Itong The Selection Series na lang. " sabay kindat ko sa kanya. Aba sabi niya ililibre niya ako edi lulubos-lubosin ko na. Haha ! Hindi naman siya umangal .

Pagkatapos naming mamimili pumunta kami ng tea house . Ang cool at refreshing talaga ng view dito. Pumwesto kami sa may gilid malapit sa salamin para kita namin yung mga taong naglalakad-lakad.

Nang may biglang nahagip yung mata ko.

And suddenly, I felt a twinge pain inside of me.

If It's Meant To Be, It Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon