Chapter 1

21 1 0
                                    



" Excuse me Sir , Can I excuse Miss Bautista ? Pinapatawag po siya ni Dra. Manzano." sabi ng lalaki na pumasok sa kwarto namin.

"Miss Bautista you can go now. Tapos naman na ang klase. Okay class,you will be having your first quiz next meeting. Please read chapter 1-3 . Goodbye class" sabay kuha ng gamit ni Sir at lumabas na.

Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ko. Bakit naman ako pinapatawag ni Dra. Manzano ? 2nd week pa lang klase tapos may atraso na agad ako sa kanya. Kinakabahan tuloy ako. Tinanong ko nga yung kuyang nag tawag sa akin pero clueless naman siya .

Pagkadating ko sa office niya bigla akong kinabahan. My hands are trembling while holding the doorknob. Pagkabukas ko nasa sofa siya at may mga binabasang papel.

"GoodMorning Dra. Uhm.. Pinapatawag niyo daw po ako ? " tanong ko.

Bigla naman akong nabunutan ng tinik nung nakita ko siyang ngumiti sa akin at inaya akong umupo sa tabi niya. So meaning, wala akong atraso sa kanya ? Pero hindi pa rin maalis sa akin na kabahan.

Si Dra. Manzano kasi ang Dean sa Educ. Department at professor ko siya sa isa kong major at minor. She's just 3O years old yet she already did finished her Doctorate Degree. Yes, she has this strict aura but what I've idolized about her is her beautiful face. Okay girl crush alert.

" Okay Miss Bautista I called you because I have something to tell you . 2 months from now , our school will celebrate its foundation anniversary . Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to represent our department in the Search for the new Lady of International Academy of Excellence." then smile formed on her lips.

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dra. Mas lalo akong kinabahan . Ako sasali ? Ee wala nga akong experience sa mga ganyan , oo nanunuod ako ng mga beauty pageants pero hanggang doon na lang.

" Uhm. Dra. Bakit ako po ? Wala naman po akong experience sa mga ganyan ee. Hindi din naman po ako kagandahan at sexy tsaka hindi po ako matangkad. Ipapahiya ko lang po ang department natin kapag ako ang sumali. " diretsa kong sinabi

" I picked you because I want you. There's something in you that I can't figure out. I will give you two weeks to think . I will give you this copy so that you'll be able to read the rules and things to prepare. I hope you'll consider this opportunity"

" I'll think about it Dra. "

Pagkatapos naming mag-usap ni Dra. pumunta agad ako sa canteen para maglunch. Sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito sa Academy na to for sure mapupuno agad ang canteen. Thanked God nakahanap ako ng upuan sa may bandang gilid.

Parang resto-type tong canteen namin. Clear glass ang wall at airconditioned. Sosyal talaga nitong school na to.

International Academy of Excellence is one of the famous Unversity here in the Philippines. It's not only school for rich and high profiled students but also for someone like me. They offer academic scholarships and even for sports and performing arts. I'm so grateful na isa ako sa mga maswerteng napili para mabigyan ng scholarship dito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng pagkain ko nang may huminto sa tapat ko.

" Excuse me Miss, I just want to ask kung may kasama ka ba . Makikiupo lang sana ako " he then give me a sly smile.

Hindi ko naman napigilan mapatitig sa kanya. Ang una ko talagang napansin sa kanya ay ang kanyang kilay. Nakakainsecure ! Bakit ang kapal ng sa kanya tapos ako ang nipis na nga wala pang kulay. Nagmumukha tuloy akong alien !!!! -______-.

Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sa may laman pa ang bunganga ko. Syempre nginuya ko muna saka ko siya tinignan ulit at nagsalita.

" Sige lang po " sabi ko sabay yuko at kain ulit. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagdahan-dahan na lang ako sa pagkain. Nakakailang naman kasing kumain kapag may kaharap kang hindi mo kakilala tapos mukhang mayaman pa. Baka sabihing patay-gutom pa ako.

Biglang may tumunog na cellphone kaya kinapa ko yung bag ko at bubuksan ko na sana pero narealize ko na hindi pala sa akin . So meaning sa katapat ko ngayon.

Sinagot naman niya saka ako tumingin sa kanya habang ngumunguya. Pinagmamasdan ko yung facial expression niya at hindi ko man lang mabasa.

" Fvck ! " bulalas niya. Agad naman akong nabilaukan.

If It's Meant To Be, It Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon