CHAPTER 28>>> ISANG TANONG

63 3 0
                                        

sa wakas nakapagupdate na rin ako super sorry mga readers ayaw ko nang mag dahilan kasi wala rin naman mababago dahil ngayon lang ako nagupdate pero ganun pa man maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng story ko at ng iba ko pang story at sa padami na padami new fan friends salamat sa lahat CHINGU! o sya eto na nga ang update sana malike nyo


CHAPTER 28>>>  ISANG TANONG


CC POV>>>

Tinitignan ko pa lang sya naiiyak na ako mabuti at nagpapahinga sya ngayon, sira talaga sya alam nyang makakasama sa kanya ang ganitong activities pero sumama pa rin sya


Gustong gusto ko syang sigawan at sampalin dahil sa ginagawa nya parang minamadali nya ang kamatayan nya


Ang hirap dahil patago lang ako pwede mag-alala, at sa unang pagkakataon nasaksihan ko kung paano sya maghirap nang dahil sa sakit nya,


At that time gustong gusto ko syang lapitan at yakapin kung pwede nga lang kunin kahit saglit ang sakit na nararamdaman nya ginawa ko na


Nagkaklase kami ng napansin kong tila may dinaramdam sya at simula ng malaman ko ung sakit nya palagi na akong nagmamasid ng palihim sa kanya dahil gusto ko na kahit nasa malayo ako pwede ko pa rin syang alagaan


Bumilis ang tibok ng puso ko ng Makita ko ang putla nyang mukha dahil siguro sa sakit na nararamdaman nya mabuti at pinigilan ko ang sarili ko na wag ipakita sa kanya na halos mamatay ako sa pag-aalala


Hindi ko sya pwedeng lapitan dahil tyak pag-ginawa ko yun malalaman na ni Stephen na alam ko na ang kalagayan nya


Hindi ko malaman kung ano una kong gagawin pero dahil nanaig ang pagnanais ko na maibsan ang nararamdaman nya kahit nanginginig ang kamay ko sa pagdadial ng number na taong tanging makakatulong sa kanya


Nagawa ko naman ito akala ko nanginginig lang ang kamay ko gulat na lang ako ng kinocomfort na ako ni Betsy


Umiiyak na pala ako at sa wakas dumating rin si Hannah at natulungan nya si Stephen at dali-dali silang umalis ng classroom para maihatid na si Stephen sa bahay o ospital


Ang totoo hindi ko alam kung san sila pupunta basta ang gusto ko lang maibsan ang sakit na nararamdaman ni Stephen


Mabuti na lang at hindi nya napansing umiiyak ako pero after kong Makita sumakay na ng kotse sina Hannah hindi ko na napigilan hindi umiyak ng todo todo


Wala akong pakialam kung ano man ang tingin ng mga kaklase ko ang alam ko lang nasasaktan ako ng sobra sobra


Lalo na nang Makita ko na parang naiiyak na si Stephen sa sakit na nararamdaman nya pero dahil alam nyang nandun ako pinipigilan nya


Grabeh after that incident hindi ako makakain hindi na rin ako makaconcentrate sa studies ko


Kaya umuwi na lang ako, I try to contact Hannah para alamin kung okay na ba si Stephen


Pero hindi sya sumasagot maybe busy sya dahil inaalagaan nya si Stephen, hindi na ako muling nagtry na tawagin sya

3 MONTH LOVE!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon