UPDATE ULIT PAMBAWI NAMAN SA SUOER LAGI KONG TAGAL MAGUPDATE SANA NGA MATAPOS KO NA TO
=========================================
CHAPTER 34>>> AM I SELFISH?
STEPHEN POV>>>
Sabi nga minsan kung kelan nakuha mo na ang lahat dun pa may mangyayari, hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang sakit ko kasi sa totoo lang kungdi dahil sa kondisyon ko magkakasama ba kami ni Carmina ngayon
Syempre hindi!
akala ko hindi na ako sisikatan ng araw dahil kagabi umatake ang sakit ko thankfully at hindi alam ni Carmina ang nangyari napagod siguro ang sweetie ko
Kaya naman payapa pa rin syang natututlog ng balikan ko sya sa kwarto namin
Dahil na rin sa epekto ng gamot hirap akong makatulog kaya naman pinagmasdan ko na lang si Carmina buong magdamag
At bawat galaw nya nakamasid ako at nang mapagmasdan ko sya
"God wala na ba talaga akong extension kasi kahit ano ipapagpapalit ko humaba lang ng konti pa ang pagsstay ko sa tabi ng babaeng mahal ko
Wala naman akong ibang hinihiling sa yo diba! kungdi ang konti pang extension, mahal ko talaga sya God mahal na mahal ko sya na ang sakit sakit na dahil alam kong iiwan ko rin sya" sabi ko sa dasal ko
At wala akong nagawa kungdi ang umiiyak dahil wala naman kasagutan sa panalangin ko at yun lang ang naging takbo ng magdamag ko ang magdasal kahit wala naman itong kasagutan.
kinabukasan
Nang maramdaman kong babangon na sya nagpanggap akong tulog at nang mejo nagtatagal na sya sa baba o sa kusina ata dahil sa kalantugan ng mga cookware
Pinasya kong lumabas kahit mejo hilo ako dahil sa wala pa akong tulog
Pero narinig ko na lang ang yabag ng paa nya kaya naghadali akong bumalik pero hindi ko akalain na maririnig ko yun sa kanya
"tandaan mo bawal ang malungkot just be happy dahil magkasama na kayo wag muna mag-isip ng kung anu pa man okay! Kaya mo yan CC go go go!!!" narinig ko sa kanya parang nanlambot ang tuhod ko after I heard that kasi pakiramdam ko nahihirapan na ang babaeng mahal ko dahil sa akin
Ang sama lang wala akong magawa for her, nang marinig ko kung paano nya nilalabanan ang sakit at pilit na magpakatatag I cant help but to feel pain in my heart pakiramdam na gusto kong sumabog sa galit
Dahil eto na naman ako at sinasaktan sya,
Ang makasama sya sa agahan at Makita ang ngiti nya ang pumapawi ng sakit na nararamdaman, habang magkasama kami dun ko lang din naappreciate ang ganda ng langit, dagat, mga puno, mga taong nagsasaya sa tabi ng dagat lahat ng bagay na nasa paligid ko ang gaan na sa pakiramdam ko
Siguro dahil kasama ko ang taong nagpapaganda ng paligid ko ang halak nya na syang nagpapalakas ng tuhod ko para sabayan sya sa pagtakbo yun na ang pinakamagandang memory na maalala ko sa dalampasigan
Carmina was so happy despite of everything we are going through,
nang mapahiga kami sa dagat mas nararamdaman ko na ang hirap sa paghinga
kaya...................
"hay sarap sa pakiramdam feeling ko nabuhay ulit ako sana ganito na lang pang habangbuhay" sabi ko kasi kahit nahihirapan ako sa nararamdaman ko still Masaya pa rin ako dahil katabi ko sya at sabay na humihinga
BINABASA MO ANG
3 MONTH LOVE!
Romanceiniwan ka ng walang paalam at ngayon bumabalik sya at umaasang mamahalin mo pa rin sya, nakamove on kana kaya hirap kang papasukin sya sa buhay mo pero paano kung may 3 month love na lang kayo! ready ka ba ulit buksan ang sinarado mong puso para sa...