CHAPTER 30>>> DON'T EVER DOUBT MY LOVE FOR YOU
NO ONE'S POV>>>
Matapos marinig ni Stephen ang nararamdaman ni Carmina hindi nya alam kung ano ang dapat
sabihin, hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya gusto nyang umiyak pero sapat ba yun para pantay na sya at ni Carmina na umiiyak ngayon, hindi nya alam kung saan magsisimula at kung may
silbi pa ba ang mga paliwanag nya matapos nyang marinig si Carmina, gustuhin man nyang magsisisi
sa ginawa nya ang pangunahan si Carmina sa taong mamahalin nya huli na rin dahil lubos na nyang
nasaktan ang babaeng buong puso nyang iniingatan sa puso nya, pero ano ang gagawin nya un lang
ang paraan naiisip nya, paraan para sa pagdating ng panahon na kailangan na nyang lumisan hindi nya maiiwang mag-isa at malungkot ang babaeng pinakamamahal nya kaya naman...............
"alam mo bang ang hiling mo ang hindi ko kayang ibigay, hiling na kahit ako gagawin ko ang lahat magdugtungan lang ang buhay ko, kahit anong bagay sa mundo ibibigay ko humaba lang ang buhay ko,
kung kinakailangan makipagsapalaran ako sa demonyo ginawa ko na humaba lang ang pagsstay ko sa letseng mundo na ito, dahil pagnangyari yun hinding hindi kita papakalawan gaya ng ginawa ko sayo,
alam ng dyos kung gaano ko gusto na makapiling ka, alam nya kung gaano ako naghihirap sa twing sa ibang lalake ang nakakapagpasaya sa yo,
alam nya ang pighati at sakit na nararadaman ko sa twing nakikita ko na unti-unti kana napapaligaya ni Harry,
sa bawat minuto, oras, araw buwan taon ikaw lang ang lagi kong iniisip sa twing tinutusok ako ng karayom at pag-inom ng ibat ibang klase ng gamot,
iniisip ko na para sayo ang lahat ng yun dahil gusto kong gumaling at makasama ka, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nanalangin ako na sana wag pa,
wag muna dahil hindi pa ako handa, hindi pa ako ready na iwan ka, at hindi ko kayang iwan ka, tiniis ko ang lahat makabalik lang sa yo, makabalik lang ako kahit un na ang maging huling pagkikita natin,
nang sabihin sa akin ng doctor na wala na kong pag-asang gumaling natakot ako hindi dahil mamamatay na ako, natakot ako dahil paano kung hindi na kita Makita pang muli,
takot na araw araw na pumatay sa akin dahil sa pangambang isang araw hindi na ko magising, inaamin ko may kasalanan ako sa yo pero hindi ko pinagsisisihan yun dahil alam kong yun lang ang maari kong gawin para sayo,
ang tanging kaya kong gawin para maibsan ang sakit na pwede mong maradaman, siguro ang tanging kasalanan ko ay nakalimutan ko na may sarili ka ring desisyon,
pero bukod dun wala na dahil hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko mali man yun sa paningin mo pero yun ang tama para sa akin at ang tanging kaya kong gawin,
hindi mo alam kung gaano kita gusto kasama pero tiniis ko kahit durog na durog ang kalooban ko dahil si Harry ang kasama mo sa mga oras na pinapatay ako sa sakit ng nararamdaman ko sakit na mas doble pa dahil Masaya ka sa piling ng iba, hindi ko dapat sinasabi ito sa iyo pero Carmina
kung nasasaktan ka!
Nasasaktan din ako kung
nahihirapan ka
nahihirapan din ako "
kung nadudurog ang puso mo dahil sa ginawa ko
ako durog na durog na din ang kalooban ko,
alam mo sana kung gaano kita kamahal, pagmamahal na hindi ko na kaylanman ibibigay pa sa iba
dahil....
Ikaw......
At
Ikaw lang.....ang laging sinisigaw nito,
Kaya sana wag mong isipin hindi kita minahal,
Please I'm begging you don't tell me that I didn't love you,
Dahil nung sinabi mo yan kanina sobra akong nasaktan, kasi pakiramdam ko hindi mo man lang naramdaman kung paano kita pinahahalagahan,
Because I've always love you Carmina Celine,
I really do love you
not a single second cross in my mind to stop loving you, dahil ang pagmamahal mo ang bumubuhay sa akin at patuloy na nagpapalakas sa akin
so please believe me I didn't stop loving you, because that would never happen even if I die at this moment
please....please...believe me
please! Don't ever doubt my love for you!
Please Carmina listen to me, please listen!"
at tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ni Stephen at hinayaan nya ang sarili nya na umiiyak sa harap ng babaeng nagduda pala sa pag-ibig nito
at dahil damang dama ni Carmina ang bawat salitang binitiwan ng dati nyang katipan, at nadama nya ang sinseridad sa boses nito, ang damdamin ngayong lang nya narinig hindi nya napigilan ang sarili at niyakap ang lalaking kahit anong tanggi nya ay mahal nya ng lubos kahit ito pa ang nanakit sa kanya
sa tagal ng pagtangis ni Stephen kinurot ang puso ni CC kaya
"tama na Stephen makakasama na sayo ang pagtangis mo I'm sorry if I doubt you for a moment pero hindi naman nawawala ang pagmamahal ko sa yo at kung yun ang paraan mo para hindi ako masaktan sa paglisan mo
Please ihinto mo na kasi alam ko kahit di mo sabihin alam kong nasasaktan ko at parehas tau kaya please tama na wag mo nang saktan pa sarili mo
Alam ko hindi na natin kaya pang ibalik sa dati ang nasira na pero pwede pa naman siguro ulit tayo magsimula hindi ba?" wika ni CC habang yakap ang minamahal na hindi pa rin tumitigil sa pagtangis
Nang marinig un ni Stephen natigilan sya sa pagtangis at humarap kay CC
"naniniwala kana sa akin? Hindi ka na ba namumuhi o nagagalit sa ginawa ko" pagtatanong ni Stephen na puno ng kasabikan sa sasanbihin ni CC
At tanging tango ang naging sagot ni CC habang matamis na nakangiti sa lalaking mahal na mahal pa rin nya hanggang ngayon
Kasabay nito ang pagpapahid nila sa isat isa ng mga luhang patuloy pa rin dumadaloy sa mga pisngi nila luha na may halong saya at pagtingin sa isat isa
Pero lahat ng kasiyahan nila ay nawala ng umatake ang sakit ni Stephen na kahit sya hindi nya na magawa pang tumayo at tuluyang ininda ang nararamdang sakit hanggang sa mawalan ito ng malay tao, habang si CC at hindi alam ang gagawin na tanging pag-iyak at pagyakap sa taong mahal na mahal nya ang tanging nagawa nya at nanalangin n asana hindi ditto natatapos ang second chance para sa kanila ni Stephen.
c?ye
BINABASA MO ANG
3 MONTH LOVE!
Storie d'amoreiniwan ka ng walang paalam at ngayon bumabalik sya at umaasang mamahalin mo pa rin sya, nakamove on kana kaya hirap kang papasukin sya sa buhay mo pero paano kung may 3 month love na lang kayo! ready ka ba ulit buksan ang sinarado mong puso para sa...
