PREFACE
Nakaka-agaw pansin na itim na limousine ang bumungad sa maraming tao.
Halos lahat ng tao ay nagbubulungan naghihiyawan, nakakabingi.
Hindi ko alam kung paano ako nakasakay sa sasakyan pero isang pamilya ang bumungad sa akin sa loob.
Nagsimula ng paandarin ang sasakyan.."baby, what are you doing?" sabi ng isang magandang babae sa isang batang babae na parang nasa pitong taon gulang pa lamang.
"editing some stuffs" pinakita niya ang hawak niyang ipad sa magandang babae.
"Stop doing that baby..." pagsuway ng magandang babae gamit ang malambing na boses...
"No mommy! look its funny." sabi ng maliit na bata sa kaniyang Ina.
"Tal!" pagtawag ng isang babae na parang labing tatlong gulang base sa kanyang pisikal na anyo.
"You look cute here Ate" sabay sabay tumawa ang pamilya ng pinakita ng batang babae ang kanyang 'i-nedit' na litrato ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Nice work baby tal!" pagsang ayon ng isang lalaki sa bata.
"I know daddy hahaha" tawa ng tawa ang mag-ama.
"Mommy oh si Tal at daddy!" pagsumbong ng babae sa kanilang ina.
Ngunit tumawa lang ang magandang babae ...ilang oras ang lumipas sila'y nagsisiya.
"ma'am!" napatingin ang mag asawa sa sigaw ng Driver.
.........
"Ma'am nawalan po tayo ng preno!" pagsigaw ng nagmamaneho ng sasakyan."
natakot ang pamilya sila'y nagyakapan at naghawakan."Mommy what's wrong?" nakayakap lang ang ina nila sa kaniyang mga anak
"Mahal na mahal ko kayo. I love you Tal and Jess" umiiyak na sabi ng kanilang ina habang yakap ang kanyang mga anak
*blaag********
Minulat ko ang aking mga mata, umiiyak nanaman ako, puting ceiling ang bumungad sa akin, bumangon na ako at nagsimula ng kumilos para makapasok ako ng maaga sa eskwela.
Nagluto na ako ng Umagahan namin.
"Nagsasalita ka nanaman ng tulog" sabi ng aking Ina.
"Napaginipan ko nanaman po kasi yung pamilyang nahulog sa bangin"
Inihain ko na ang umagahan.
"Sige ma, gisingin ko na si Chen"
Umakyat na ako sa kwarto ng magaling kong kapatid..
"Chen! gising na! tanghali na!" Tinakpan niya ang kanya mukha.
Tinanggal ko naman ang unan."Uy! gising na Chen"
"Maaga pa ate"
"Oh come-on! late na tayo! bangon na!" Araw araw nalang kaming ganto.
"Ikaw nga 'di pa naliligo.." sabi nito
"pagkatapos ko maligo dapat nakaligo ka na kung hindi—" binigyan ko siya ng pang-asar na sign.
"Paki-abot na nga ang towel ko." inabot ko ang towel niya.
"Catch!" na salo niya naman ito.
Bumangon na siya at dumiretso na sa banyo.Lumabas na ako sa kwarto niya at sinara ang pinto.
Dumiretso narin ako sa banyo ng kwarto ko at naligo.
Binuksan ang shower..
SO REFRESHING....