Two

81 11 2
                                    

THIRD PERSON POV

Kinagabihan biglang lakas ng buhos ng ulan, maski signal sa dorm nawawala.

"May bagyo ba? Ang lakas ng ulan oh!" Tanong ni Rose sa mga kadorm nya na may kanya-kanyang ginagawa. Napailing na lang sya ng biglang may tumawag sa kanya, lumabas sya saglit ng dorm.

"Shiena! Look at this, diba sya yung guy na nakita natin sa corridor kanina? Yung pinagkakaguluhan?" Tinuro ni Monique yung profile na nakita niya sa fb.

"Kiefer Ong?" Binigkas ni Shiena yung pangalan, bagkas sa mukha niya ang saya kung bakit? Hindi natin alam.

"Hmmm? Do you like him?" Naniningkit ang mata ni Monique nung tinanong niya yun kay Shiena, babae din sya kaya alam niya kung may gusto ka din sa lalaki.

"BAKLA YAN!" Sigaw ni Berna na kanina pa naglalaro sa psp nya.

"What?!" Napasigaw si Shiena sa sinabi ni Berna, na sya namang kinatuwa ni Monique.

"Whooooah! Looks like you have a crush on him! Hahaha!" Nauwi na nga sa pangaasar ni Monique ang kanina'y wala lang.

"Hin---dii ah!"

"Nangangamoy defensive." Sumama na nga rin si Berna sa usapan nila. Mukhang nagkapalagayan na ng loob ang tatlo, sabi nga ni Monique sa isip niya 'Berna is a beautiful lady, she doesn't look like a harmless one.'

"Berna naman eh----" Halos humagalpak na sa tawa si Monique dahil sa pagmamakaawa ni Shiena na wag na sya asarin kasi hindi niya naman daw crush.

"Alam mo sheng, okay lang yan! Babae ka, teenager, tumitibok ang puso natural lang na magkagusto ka noh!" Shiena didn't expect hearing those words from berna. Berna na gang queen? Berna na daig pa ang lalaki sumuntok? Berna na parang maton? Is giving her advice on love?

"Berns? Ikaw ba yan?" Nakapoker face na tanong ni Shiena.

"Gago!" Sabay tapon ng unan sa mukha ni Shiena.

"HAHAHA!"

"Hahah--- Berna the love expert! Bagay!"

"Hahaha!"

"Gago kayo! Hahaha!"

Nagasaran, nagkulitan at nagharutan lang ang tatlo. Kung ano-ano ang pinagusapan nila hanggang sa---

/WHOOOOSH/

"Ano yun?" Tumayo si Berna para tignan yung ingay sa likod ng dorm nila. Medyo malaki din kasi yung tinitirhan nila kumbaga typical house type din, two storey house din sya. Perks of studying in a universiry for elite people.

"Wala naman!" Pabalik na sana si Berna ng bigla syang nakarinig ng mahinang kaluskos at--

"Tu---looooo-nggggg......."

Nanigas sya sa kinatatayuan niya, at tuloy-tuloy na tumulo ang malalamig na pawis sa katawan niya.

"AHHHHHHHH!"

Nabulabog ang buong bahay sa sigaw ni Berna, agad namang tumakbo si Shiena at Monique para tignan kung ano na ang nangyayari.

"Berns? Ano nangyayari?" Tanong ni Monique.

Tinuro ni Berna ang bintana, nanlaki nga ang mata ni Monique at Shiena sa nakati nila. Babaeng nakahandusay sa bintana.

"AHHHHHHH!"

Sabay-sabay silang napasigaw at napaupo sa lapag sa sobrang takot.

"Hindi ako takot sa multo pero tangina!!!" Nanginginig na sabi ni Berna paatras sa kinauupuan niya.

"Ano ng gagawin natin?" Pabulong na sabi ni Shiena na bakas sa mukha ang pagkatakot.

"Saglit nga lang..." Tumayo si Monique at nagpagpag ng damit, kahit natatakot nilakasan nya ang loob niya at lumapit sa babae.

Hinawi niya ang bangs na kanina pang tumatakip sa mukha nung babae.

"Nagugutom na 'ko, penge puds............." Nagulat si Monique at nakahinga ng maluwag kasi hindi naman pala multo yung babae.

Tinulungan nya ito makaakyat sa bintana nila at ng makapasok 'to, nganga at tulala pa din si BERNA at SHIENA.

"Teka, san ka ba galing?" Pinutol ni Berna ang katahimikan habang kumakain yung babae, nakapagbihis na din ito.

"Galing pa 'kong Sulu, akala ko nga maliligaw ako dito sa University natin! Jusmiyo, mas malaki pa ata to sa Maynila." Sabay subo ulit ng kinakain niyang kanin.

"You mean you came from province? God! That was far away from here." Sabi naman ni Monique habang ngumunguya ng chips.

"Oo, hindi naman ako dapat magaaral dito kung di ako pinilit ng tiyahin ko atsaka sayang yung scholarship. Nakakahiya nga eh, puro mayayaman pala dito. Pero okay lang din, pagaaral naman ipinunta ko dito."

"WOW! That was awesome. By the way I'm Berna pala ikaw?" Sabay abot ng kamay ni Berna.

"Jenela na lang." Ngumiti na lang sya pabalik, di niya naman magawang makipagkamay kasi nakakamay siya habang kumakain.

"I'm Monique pala, Jenela."

"Shiena po, ate Jenela."

"Guys, 11:30 na ng gabi, tulog na tayo." Sabi ni Berna na kanina pa hikab ng hikab.

"Sige, hintayin lang natin si Jenela." Sabi naman ni Monique.

"Nasaan na naman kaya si Ate Rose?" Tanong ni Shiena.

Bitches for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon