THIRD PERSON POV
"SA SUSUNOD KASI! Tumingin ka sa dinadaanan mo ha?" Galit na galit si Berna habang pinapagpag nya yung tees niya inis na inis siya paborito niya kasing tees yun.
"O--poooo-oppooooo, pasensya na po." Pautal-utal pa kung sumagot ang lalaki habang tumtango-tango, kung tutuusin hindi naman ito nerd o geek mukha lang normal na lalaki na nagkamali lang ng lakad at natalisod sa harap ni Berna, yun lang ang kamalasan niya sa dinami-dami ng matatalisuran niya kay Berna pa siya natapat.
"TSK! Umalis ka na nga sa harap ko, nakakabeastmode ka alam mo ba yun!" Inambangan pa nung kamay yung lalaki, kaya bigla itong napatkbo ng mabilis sabay upo at irap ni Berna.
"Nakakainis!" Bulalas nito.
"Girl, ang OA mo naman. Parang ang unti lang naman niyang natapon sa damit mo, kung makareact ka para inihian ka ng aso." Sabi ni Rose na kay Berna.
"Hindi ako OA. Nakakainis lang kasi---talaga........"
Biglang tumahimik ang tatlo, si Rose nagaayos ng mukha, si Jenela naman inaayos ang mga papel na pinaxerox niya, si Berna kanina pa tingin ng tingin sa cellphone.
"Berna? Okay ka lang? Parang di mapakali?" Tanong ni Jenela.
"Ha? Oo, okay lang naman. Kayo?"
Napa-OO na lang din sila Jenela at Rose. Nagpasiya na ang tatlo na ituloy na ang paghahanap nila sa mga professor. Mabilis na lang tumakbo ang oras, halos makumpleto na nila lahat pero kahit ano ngang gawin nila kung wala yung iba hindi pa rin makukumpleto ganun naman talaga kahit gaano na kalaking effort ang binigay mo kulang pa din. Bakit? Kasi maraming pwedeng dahilan, pwedeng hindi ikaw, pwedeng kulang pa o hindi ito ang tamang panahon. Baka bukas o di kaya sa susunod na bukas o sa susunod na linggo hanggang sa araw na pwede na. Gaya lang ng paghihintay sa mga professors.
"Tulong naman dito!" Sigaw ni Monique habang pinipilit nyang buhatin yung sofa sa sala.
"Comingggg upppp!" Sabi naman ni Berna na tinapos agad ang pagpapagpag sa mga furniture.
Nagtataka siguro kayo kung ano ang ginagawa nila? Naggegeneral cleaning lang naman sila, pagkalipat kasi nila dun hindi pa ayos ang loob ng bahay medyo madumi at hindi organized.
"Wait---- ayaaannn. Sige okay na." Suggest ni berna habang inuusog nila yung sofa sa sala.
"Wow! Perfect." Manghang-mangha si Monique habang pinagmamasdan ang bahay nila sa loob ng university para kasi tong village sa gitna ang campus at palibot nito ang mga bahay.
"May isang umaga, na tayo'y magsasama. Haya at halina sa alapaap. O, anong sarap, haa... "
Nagsimulang nagpatugtog si Jenela sa speaker nila, nung una hindi pa alam ni Monique at Rose ang kanta. Halatang hindi nakikinig ng OPM samantalang si monique at rose samantalang napahiyaw agad si Berna dahil paborito nyang banda ang eheads at si Shiena naman saktuhan lang mahilig din sa OPM kaya alam ang kanta.
"Hanggang sa dulo ng mundo. Hanggang maubos ang ubo. Hanggang gumulong ang luha. Hanggang mahulog ang tala........."
Hindi na mapigilan ni Berna na ang pagsabay sa kanta. Ang walis na kanina pinangwawalis niya ginawa niya ng electric guitar. Naenjoy na din nila Rose at Monique ang kanta.
"Masdan mo ang aking mata, 'Di mo ba nakikita. Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na, gusto mo bang sumama?"
Sabay-sabay nilang kinanta ang chorus, kahit hindi alam ng iba nakisabay na lang buong gabi sila nagenjoy sa paglilinis ng bahay. Kahit nakakapagod atleast mas lalong nakikilala nila ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Bitches for Real
Fiksi RemajaIsang nerd na mahilig magselfie pero hindi nagbabasa ng libro. Isang gangsta wannabe na mahilig sa hello kitty pero takot sa ipis. Isang beauty queen na mahilig magbasketball pero ayaw magsuot ng high heels. Isang super bitch na member ng isang c...