Hotelier
"Ang panget tignan sa isang babae na ikaw ang hahabol sa lalaki at isa pa hindi kayo bagay! He's just a general manager of a hotel na pag aari ng isag kaibigan niya and you! you're my daughter. You are a Adrianno. My princess. Tapos hahabol ka lang sa lalaking gaya niya!? for heavens sake! mag isip ka naman ng tama Pearl!" Galit na sigaw ni Dad na namumula na sa galit.
I blinked my eyes thrice and shook my head trying to remove that conversation na pinag awayan namin ni Dad.
Nakita kong may pumasok sa hotel at diretso agad ang tingin niya sa reception desk. Naramdaman ko din ang pag siko sa akin ni Asia na katrabaho ko. Bumaling ang tingin ko sakanya. Ngumuso naman siya sa kaliwang parte ko "Iyong mister right mo oh." mapang asar na wika niya. Bumaling ako sa kaliwang bahagi ko at agad nag ningning ang mata ko nagwala ang mga tutubi ko sa sikmura, bumilis ang tibok ng puso ko.
Napamura ako sa isip ko ng maraming beses ng lingunin niya ako. Just a glimpse at masaya na ako. This must me heaven!
"Hi." wika ng isang lalaki pero hindi ko siya pinansin. "Hello Sir." wika ni Asia. Pero nawala ang attention ko sakanila ng may kinausap na babaeng guest si Jarvis. Kumulo ang dugo ko lalo na ng magtawanan sila at higit sa lahat gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakayanan ko pa silang panoorin.
May nag uutos sa akin ng umiiwas ng tingin pero hindi naman nag pa- function ang isip ko. Gusto kong lumapit sakanila at sabunutan iyong babae. Ang kati niya!
I rolled my eyes at hindi pa din inalis ang tingin sakanila hanggang sa umalis na si Jarvis dahil tinawag na siya ng isang hoteliers at mukhang may problema sa isang room.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napa paypay ako sa sarili ko sa sobrang inis.
Hindi ako umabot sa ganito para lang makuha ng iba si Jarvis. Buong araw akong nakasimangot dahil sa nakita ko na yun.
---
Im wearing a black halter fitted dress na isa't kalahating dangkal lang ang haba mula sa bewang ko. Im sipping my wine at inaabangan na naman na pumasok si Jarvis sa bar na ito.
Buong gabi ko siyang hinintay ngunit hindi siya dumating. Naisip kong baka napagod sa trabaho at natulog na lang. Past four a.m ng napagdesisyunan ko ng umuwi. Well that truth is hindi pa ako uuwi dapat kung hindi lang magsasara ang bar.
Nakaramdam agad ako ng pagod ng malapat ang likod ko sa malambot kong kama sa condo. Humila ako ng isang unan at tumagilid bago niyakap iyon. Hay .. nako! Jarvis.
Nagising ako ng medyo nahihilo pa. Kinapa ko ang phone ko sa gilid at tinignan ang oras, twelve-thirty six na ng tanghali napa dako din ang mata ko sa date ng phone ko na ang katabi ay ang araw at thursday ngayon.
Nanlaki ang mata ko. Thursday pa lang!? god! Hindi ko pa pala day off, Bukas pa pala. Huminga ako ng malalim, wala na naman akong magagawa kaya hindi ko na lang masyadong inisip.
Nagluto ako ng pagkain ko at dinala iyon sa sala nang saganon ay makanood din ako.
Pinalipas ko ang araw ko sa loob ng unit ko. At nagsisi na hindi ako pumasok, dahil hindi ko makikita ngayong araw si Jarvis.
Bored na bored ako nang sumapit ang day off ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag mall na lang ako nag ikot ikot ako at namili ng damit na gusto ko, nang mapagod ay umuwi na ako at natulog.
---
"Goodmorning Ma'am and Sir." Bati ko sa isang babae at lalaki na pumasok. Ngumiti sa akin ang babae, yung lalaki naman ang nagsalita ng o-okupahin nilang rooms.
Nang matapos ang araw ng trabaho ay kinuha ko na ang bag ko at naglakad papunta sa opisina ni Jarvis. Hawak ko din ang paper bag na may laman na damit. Nakita ko 'to kahapon at naisip ko si Jarvis kaya binili ko kagaad.
Inayos ko ang sarili ko sa harap ng elevator at nang lumabas ako ay huminga muna ako ng malalim at inihanda ang ngiti ko. Pagtapat ko sa pintuan ang kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan iyon.
Napawi ang ngiti ko ng ang walang laman na tao ng opisina niya ang sumalubong sa akin. Nilapag ko ang paper bag sa lamesa niya at umalis na doon.
Ang aga umuwi ni Jarvis. Hindi ko siya nakita kahapon pati ba naman ngayon?
BINABASA MO ANG
Just One Time (Completed) TOL #4
General Fiction"Just one time, love me please. I begging you. Just one time." Pearl Giuliani Adrianno (A novel by: Myka Baladjay) Highest Rank: #56