Hello. Salamat po sa pagbabasa hanggang ending. May 'Wakas' pa po ito. :)
---
Im begging you
Mabilis na lumipas ang isang linggo at inaasahan ko na maari na naming ilantad ang relasyon namin ni Jarvis. Pero parang hindi iyon ang nararamdaman ko. Sa palagay ko ay ayaw pa niya. Hindi ko alam ang dahilan pero umaasa ako at the same time may parte ko ang nasasaktan at gusto ng sumuko.
naka tayo ako sa likod ng front desk at inaasikaso ang isang guest ng makita ko ang pagdaan ni Jarvis, may hawak siyang phone na nakapatong sa tainga niya, naka ngiti siya at napapanguso, I wonder who's in the other line. "Miss?" napatingin ako sa guest na nasa harap ko ng tawagin niya ako. Pinagpatuloy ko ang pag asikaso sakanya at paminsan minsan ay sumusulyap kay Jarvis, pag bigay ko ng key card sa guest ay saktong lumabas si Jarvis ng hotel.
Siguro babae ang kausap niya. Siguro pupuntahan na niya iyon. Siguro ayaw niya talaga sa akin. Siguro... puro siguro ang salitang umiikot sa isipan ko.
Natapos ang oras ng trabaho pero hindi ko na nakita pa si Jarvis na bumalik. Napayuko na lang ako sa paglabas ko ng hotel. Hindi na ako sumabay kay Asia dahil isasabay siya ni CEO Zander. Sinabi ko kay Asia na may dadaanan pa ako pero ang totoo ay wala.
Tinawagan ko si Jarvis pero naka off ang phone niya. Nag message ako sakanya ng sunod sunod pero ni isang text ay wala akong natanggap mula sakanya.
Inasahan kong ganito ang mangyayari pero hindi ako handa. Hindi ko naman masabi kay Asia ang problema ko dahil palagi siyang nakangiti, ayokong sirain ang mood niya, ayokong madamay siya sa nararamdaman ko.
Papasok na sana ako sa sasakyan ko ng may humila sa akin at sinara ang pinto ng sasakyan ko bago ako sinandal sa sasakyan ko, nang nilingon ko kung sino iyon nakita ko si Jarvis.
Ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi dahil may pumipigil sakanya.
"Eight months.." aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong eight months?" nagtatakang tanong ko. Huminga siya ng malalim bago nagsalita muli.
"Humihingi pa ako ng eight months, sana hintayin mo ako.."
"Eight months? Ganoon katagal!? Hinintay na nga kita ng halos kalahati ng buhay ko tapos paghihintayin mo ako ulit? Ala-.."
"Pearl.." pinutol niya ang sinabi ko sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ko gamit ang malumnay na boses.
"No. You need to hear me. Eight months? are you kidding me? Alam mo kung ayaw mo sa akin diretsyuhin mo ako! Hindi yung ganito! Umaasa ako eh. Nagagawa mo akong paghintayin kasi alam mong gusto kita. Alam mong mahal na mahal kita. Pero tao lang ako at pagod na ako." naglalandas ang luha ko ng pakawalan ko ang mga salita na iyon.
"Pearl..." Nasasaktan na tawag niya sa akin. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Damn! I love him!
"Jarvis.. This is the last time." huminto ako at huminga ng malalim para humugot din ng lakas ng loob.
"Im begging you. Just one time. love me. Please... Love me! Huwag mo na akong paghintayin. Mahal mo ako di ba? alam ko mahal mo ako Nararamdaman ko atsaka n-nong nakaraan na lasing ka sinabi mo eh. Sinabi mo.. mahal mo ako. Jarvis.. please... Im begging you." Niyakap niya ako ng sabihin ko iyon. I looked pathetic but I dont care. I love Jarvis at kung kailangan na mag maka awa ako gagawin ko.
"Pearl.. Stop crying. Mahal kita you don't need to beg. May kailangan lang akong patunayan kaya hinihingi ko sayo ang eight months. Alam kong mahihintay mo ako. Para sa atin ang gagawin ko Pearl. Just trust me. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang hintayin ako at pagkatiwalaan ako." Ang huling salita na sinabi niya ay binulong niya sa punong tenga ko. Sinandal niya ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko at hinalikan ako doon kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Please, Pearl... hintayin mo ako." Pakiusap niya. Nang hindi ako umimik ay nilayo niya ako ng bahagya at pilit na hinuli ang mata ko.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at kinagat ang labi niya. "Say it again.. gustong marinig ulit.." kumunot ang noo niya pero naplatsa din ng ngumiti siya. Naisip siguro ang hinihingi kong salita.
Pinaglapat niya ang labi namin ng saglit pero parang nakulangan pa siya kaya inulit niya iyon ng limang beses pa bago huminto at tumingin sa mata ko.
"I can't get enough. I love you Pearl. Mahal na mahal kita noon pa." Aniya na punong puno ng pagmamahal bago kinulong muli ang labi ko sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Just One Time (Completed) TOL #4
Ficção Geral"Just one time, love me please. I begging you. Just one time." Pearl Giuliani Adrianno (A novel by: Myka Baladjay) Highest Rank: #56