Salamat po sa pagbasa hanggang dito na lang. Next na si Percy!
---
WAKAS
More than words
Nang araw na humingi si Jarvis ng eight months ay dalawang araw lang din mula noon ay umalis na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta ang sabi niya maghintay ako.
Nag resign na rin ako sa hotel dahil wala na naman si Jarvis doon at hindi na din nagpapakita si Asia. Nag open ako ng boutique ko. Kung saan gumagawa ako ng mga keychain, wood carving, souvenir for wedding, baptismal, birthdays at iba pa. Nakita ko lang sa internet ang isang souvenir na bottle and may paper boat sa loob, nagandahan ako kaya gumawa din ako. Nanood ako sa youtube kung paano, at first gusto ko lang gawin pang display sa kwarto ko pero nong nakita ng ibang kaibigan ko at kaibigan ni ate Liberty ay nagandahan sila at nagpagawa din but of course nagbayad sila. Hanggang sa naisipan ko ng magtayo ng boutique. Mabenta naman at nag e-enjoy ako. Ito ang pinagkaka abalahan ko sa nakalipas na anim na buwan.
Sa anim na buwan ay wala akong natatanggap na text o tawag mula kay Jarvis pero kahit ganon ay hinihintay ko pa din siya.
Nang maghapon ay tumawag si Papa sa akin. Tinitigan ko ang phone ko, iniisip kung sasagutin ko ba iyon o huwag na lang muna.
"Hello." sa huli ay nagpasya akong sagutin iyon. Pinapunta ako ni Papa sa bagong Hotel niya kung saan unang pinuntahan ni Asia.
Pagtapak ko pa lang sa carpet ay binati na ako ng mga Hoteliers. Diretso lang ang tingin ko at iniisip kung bakit ako pinapunta ni Papa doon.
Pinihit ko ang pintuan para mabuksan iyon. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang mga cabinet ni Papa sa parehong gilid ng pintuan hanggang sa lamesa niya. Mahilig si Papa sa libro kaya kahit saan siya naglalagi ay pinapalagyan niya ng book shelves or ginagawa niyang parang library.
Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki, kinakausap siya ni Papa, pero hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil medyo malayo pa ako sa pwesto nila.
Habang papalapit ako ay lalo kong nakilala ang bulto ng lalaki na iyon. Bumibilis sa pagtibok ang puso sa excitement at sa kaba.
"Andito na pala ang anak ko." wika ni Papa ng ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa lamesa niya.
Ayokong umasa na si Jarvis yan. Dahil baka mamaya kamukha niya lang.
"Papa..." tawag ko kay Papa at hindi maiaalis ang inis sa boses ko. Simula ng nagbati kami ay lagi niya akong pinapakilala sa mga anak ng ka business niya o sa mismong ka business niya, basta aangkop sa panlasa niya pinapakilala niya ako.
"Anak si-.." pinutol ko ang sasabihin ni Papa. "Pa, naman! Ayoko na. Sawang sawa na ako sa mga pinapakilala niyo. Hindi ba sinabi ko na sa inyo? ayokong makipag date sa iba!" Bulyaw ko kay Papa. Nagbago naman ang ekspresyon ni Papa at parang nagulat bago tumawa at bumaling sa lalaking nakatalikod pa din sa akin.
"Jarvis, Ayaw daw niya." sabi ni Papa sa lalaki. Nagulat ako sa pangalan na binangit niya kaya hinawakan ko sa braso ang lalaki at hinarap sa akin.
"Mahal ko..." tawag niya sa akin at niyakap ako. Hindi ako makapaniwala. "Sabi mo eight months? six months pa lang ah.." Nagtatakang tanong ko habang nakakulong sa bisig niya.
"Bakit ayaw mo ba?" may tampo sa boses niya kaya sinagot ko siya agad ng hindi. Bahagya niya akong nilayo at kinintalan ng halik sa ilong. "I miss you." aniya.
Bumaling ako kay Papa na nakatingin lang sa amin. "Pa?" tawag ko sakanya, nagtatanong kung bakit at paanong tanggap na niya si Jarvis para sa akin.
Bumuntong hininga si Papa bago sumagot. "Ayoko sakanya pero gusto mo siya. Pinigilan kita pero ayaw mo. So I made a decision sabi kasi ng kuya mo.. 'If you can't accept then change it but if you can't change it then accept it.' Jarvis and I had a deal."
Tinanong ko kung anong deal iyon pero hindi niya sinasabi.
--
"Ito?" tanong ni Jarvis habang pinapakita sa akin ang shell na nakita niya sa tabing dagat. Umiling ako at sinabing masyadong malaki iyon.
Nasa isang resort kami dahil dito gaganapin ang kasal ni Kuya at Ate Liberty. I mean dito ang reception at ilang kilometro lang ang layo ng napiling simbahan nila kuya mula dito.
"Jarvis?" tawag ko sakanya.
"hmm?" sagot niya habang patuloy sa pagpulot ng shell. "Ano nga iyong deal niyo ni Papa?" pangugulit ko sakanya, na curious kasi ako.
"Sa business nga iyon." sagot niya. Palaging ganyan ang sagot niya. Pero hindi ako naniniwala tingin ko may iba pa.
"I know meron pa. Sabihin mo na." Sabi ko. pero hindi siya sumagot at niyakap lang ako, tinulak ko siya ng bahagya. "Huwag mo akong kakausapin hangga't hindi mo sinasabi sa akin." wika ko bago naglakad pabalik sa cottage.
"Mahal ko..." tawag niya sa akin habang nakasunod pero hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa cottage ay tumuloy ako sa kwarto at nahiga. "Wala na ngang iba mahal ko." wika niya. Inismidan ko siya at nahiga sa kama.
Naramdaman kong umupo siya sa kama pero hindi ko siya pinansin. "Fine! Sasabihin ko na." pagsusuko niya. Im right! There's something!
"Pinasara niya sa akin ang isang malaking deal ng company niyo at may pinahanap siya sa akin." Aniya. Umupo ako sa tabi niya "And..? anong pinahanap sayo?" tanong ko pa.
Bumuntong hininga siya at niyakap ako. "Nasira ang plano ko! Ikaw kasi eh. Ang pinahanap niya ay yung box ng Mama mo na nakalibing sa ilalim ng puno. Ang laman ng box ay yung engagement ring nila ng Mama mo. Binigay niya iyon sa akin at iyon daw ang gamitin ko pag nag propose ako sayo. At mag po propose sana ako after ng kasal bg kuya mo. Kaso.. hindi mo ako pinapansin!"
Nakagat ko ang labi ko dahil naramdam kong namula ang pisngi ko. Mag po-propose na siya at nasira ko ang proposal niya. "Sorry.." paghingi ko ng tawad.
"It's okay just don't snob me." Aniya at pinaglapat ang labi namin ng saglit pero sunod sunod.
Hindi man niya sabihin minsan ang salitanf inaasam ko pero nararamdam ko kung gaano niya ako kamahal. Some people may not tell you how they feel about you but they show you. You just need to pay attention. They'll make you feel it, more than words.
BINABASA MO ANG
Just One Time (Completed) TOL #4
General Fiction"Just one time, love me please. I begging you. Just one time." Pearl Giuliani Adrianno (A novel by: Myka Baladjay) Highest Rank: #56