Chapter 4- Diet

551 5 0
                                    

Chapter 4- Diet

-Marianne's POV-

Hay! Sarap ng gising ko dahil pagkagising ko naalala ko yung sinabi niya sakin kagabi... ANG CUTE KO DAW! Matext nga si bestpren.

To: Jas Best

Good Mornin best!

Isesend ko na sana ng biglang....

"RIANNE MAY BISITA KA!" sigaw ni mommy

Ano ba yan! Nakakagulat naman si mommy. Anlakas ng boses ni mommy. Yan tuloy nabagsak yung cp ko. Saka pati umagang umaga mageentertain ako ng bisita. Sige na nga! Ligo na ko..

(After 15 mins.)

Im ready!! Bilis ko no! Hehe. Kawawa naman kasi yung bisita. Baka naiinip na yun. Baba na nga ako... Pagkababa ko grineet ko si mommy ng good morning at kiniss ko ang cheek niya. Pagkadating ko sa sala nakita ko s-si si.......

ANONG GINAGAWA NIYA DITO!

Naku, naka simpleng damit lang ako! balik sa taas!! RETREAT!!!

"Uy Rianne! Nandiyan ka na pala!" sabi ni Jas

-_____-

Too late. Nakita niya na ko. Nakakahiya suot ko. Maiksi na shorts, Di naman super ikli pero still it's maikli. Saka naka plain gray t-shirt ako. Di ko alam kung makakaharap ako sa kanya. What is he doing here ba?

"Huy! Rianne! Galit ka ba sakin?" sabi niya

Luh! Di lang pinansin, galit agad ang meaning.

"Bakit naman ako magagalit? Ha? Bakit ka ba nandito?" Sabi ko. Uy taray ko namanXD. Kunyari bitter muna ako.

"Oh. See. Sa tono ng boses mo galit ka." sabi niya

"Bahala ka! Teka.  Bakit ka ba nandito? Babawiin mo na yung J. Co.?" sabi ko

"Naiwan ko kasi cp ko dito kagabi. Tinatawag kita kagabi at binabato ko bintana mo pero wa epek naman kaya ngayon ko nalang kukunin. Naiwan ko ata sa kitchen. Dun sa tabi ng oven." sabi niya

"Ah, eh, Bat mo pa ko hinintay? Alam mo naman pala kung nasan eh." sabi ko

"Siyempre gusto din makita ang bestfriend ko maganda." sabi niya. Yieeee! Kilig ako! :''>

Si Jas ba talaga to? Ano nakain niya?

"A-ano sabi m-mo? Pakiulit nga." Sabi ko. Ahhhhh! Kilig to the highest level!!!

"Wala. Sabi ko ang taba mo na. Subukan mo kaya magdiet. Di na kita ibibili ng J. Co... Siyempre best I care for you. Pag tumaba ka baka wala nang manligaw sayo" sabi niya.

WAHHHHHH! I HATE YOU!!!!

SANA DI KA SAGUTIN NG LILIGAWAN MO!!!!

Namumula na ako dahil sa galit. Nakakainis na kaya. Di naman ako mataba eh. Chubby lang ang cheeks ko.

"U-uh best. Niloloko lang naman kita eh. Di ka naman mataba. Please! Ayoko nang magkapasa pa!" sabi niya

Pasalamt siya at nandito nanay ko kundi puro pasa na mukha niya. Tumakbo ako papunta ng kitchen at kinuha ko yung cp niya sa tabi ng oven. Ahhh! Sarap ilagay sa oven yung cp niya.

SUGOOOOD!!!!!

Tumakbo ako papunta sa living room at binato ko sa tiyan niya yung cp.

"Aray! Masakit!" Sabi niya pero obvious naman na nagiinarte lang siya.

"Ang arte mo! Dapat di mo na ako hinintay na magising! Dapat kinuha mo nalang yung cellphone mo!" sabi ko

"Eh. Diba gusto nga kita makita" sabi niya.

Falling In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon