Part [19]

284 7 0
                                    

Mahirap man para sakin na iwan ang Pilipinas wala kong magagawa, kailangan ko ng panibagong buhay, Yung buhay na mas sobrang saya, mas kalmado, at mas maayos. Alam ko na halos buong buhay ko sa Pilipinas ako lumaki, nagkaroon ng mga kaibigan, at bukod sa lahat ang lalaking gusto ko na sana makasama habang buhay (corny man pero nasa reality ito at kung anong nararamdaman mo kahit gaano pa yan ka corny wala kang magagawa). Naka handa na lahat ng gamit ko at tawag nalang ni manang ang hinihintay ko. 

"kath, ready na lahat" sabi ni manang pero umalis na rin siya.

Naiiyak ako. Dahan dahan na akong naglakad palabas ng kwarto. 

"Oh, bakit ka umiiyak? ikaw naman, wag ka na umiyak kasi naiiyak na din ako" pinunasan ni manang georgina yung mga luha ko at niyakap niya ako. "Manang, thank you po sa lahat at mag iingat po kayo dito" 

"KATH!" 

"akala ko-"

"mali ang akala mo, syempre pupuntahan kita" may tumulo na din na luha sa mga mata niya. "Katherine Vanessa, mag iingat ka dun ha? magtext, viber, skype at facetime tayo lagi para kahit malayo ka hindi kita masyadong mamimiss" sabi niya habang naka yakap siya ng mahigpit sakin.

"oo naman"

"Mamimiss talaga kita katniss, I love you bes!"

"oh, sige na, ilang oras nalang" -manang georgina. Hinatid na nila ako papunta sa kotse pero bago pumasok tinignan ko muna yung gate, para bang may inaantay akong tao na dumating pero alam ko namang hindi na talaga dadating. Lumoob na ako, "Bye kath!" sabi nilang lahat.. "Bye!" nagwave naman ako sa kanila at ngumiti.

"kath, ayos ka lang ba? parang kanina ka pa nag aalala?" tanong ni Ian.

"ah, oo" hinawakan niya yung kamay ko "you'll be fine"

@airport

"1 hour left kath, gusto mo ng coffee? or anything?"

"no, i'm fine, dito nalang muna ako siguro sa kotse" .. "sige" tapos umalis muna si Ian.

Ingat and God bless kath! I love yah! Xoxo From: Andrea  

"kath, we need to go na, you ready?" -Ian.

"yup" kinuha ko na yung luggage bag ko.

Nakapila na kami ngayon at hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasang nandito si ranz para pigilan ako. 

"Next po" sabi nung guard. Wala na talaga.

"KATHERINE!" nagulat ako sa narinig ko, naglalakad na kasi kami ni Ian papunta sa mga upuan. Tumingin ako sa likod

"Kath!" napatigil ako.

"Ranz? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito, at Bakit mo ako naaalala?"

"Kath, makinig ka sa mga sasabihin ko please..." holy water naiiyak nanaman ako pero pinigilan ko.

"Yung narinig mo na sinasabi ko hindi yung ang akala mo, Mahal na mahal kita. Oo, nagseselos din ako kay Ian dahil nung araw na dumating siya yun na din yung araw na aaminin ko feelings ko para sayo. Sa dami nating pinagdaanan na magkasama paano kitang makakalimutan? alam mo ba na simula nung nagka malay ako sa hospital ikaw yung unang pumasok sa isip ko pero hindi ko matandaan yung pangalan mo, natandaan ko lang ng dahil kay Ian kasi pumunta siya sa bahay namin nung isang araw para lang sabihin na aalis ka na, para lang ipaalala ka." nakita ko yung mga luha na pinipigilan niya. Masakit din para sakin na makita yun kasi ako ang dahilan ng mga luha na pinipigil niya.

"Alam ko, sorry din kung hindi ko muna inalam pero wala na tayong magagawa, ganito talaga siguro kaya nangyayari ito lahat kasi dapat maka move on na tayo at makahanap ng mas makaka intindi satin at mas deserving."

"Hindi ko kailangan ng deserving, kailangan ko ikaw"

"Ranz hindi mo ba nakikita? ako ang nagpahamak sayo.. nadedepress na din ako sa mga nangyayari dahil bawat gabi simula nung nangyari yung aksidente yun at yun ang naiisip ko. Kung mahal mo ako hahayaan mo na ako, hahayaan mo ako na gawin yung tama. Dahil ranz yun ang ginawa ko para sayo kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao kailangan mo silang iwanan at pakawalan para sa ikabubuti niyong dalawa."

"Sorry" niyakap ko siya at nag lakad palayo sa kanya.

We've got a bit of LOVE/HATE (**Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon