Day2.

2.4K 62 3
                                    

Day2. Tuesday.

Eto na naman po ang araw na magpapanggap akong masama, teka bakit ko ba kasi kailangang magpanggap na masama? 

Saka teka nga, hindi naman ako nagpapanggap ah? Sila lang 'tong nagsasabi na masama ako eh. Kaya medyo pinapanindigan ko na din. 

Lunch break ngayon, at papunta na akong cafeteria. Lahat sila nag'give way nung dumaan ako, mukha akong kamahalan, KAMAHALAN NG KASAMAAN. >.<

Para akong pumatay ng tao ah? Grabe sila matakot sakin. Pumila na ako para makabili ako ng pagkaen ko, nung mabili ko na ang paborito kong lasagna at hot choco naghanap ako ng upuan.

Ayun buti na lang at meron pa.

Naglakad ako papunta dun kaso....aaaahh!! Naunahan ako. Kainis naman oh! Now, saan ako uupo? 

"Dito ka na lang oh." tumingin ako dun sa nagsalita.

Teka...sya yung kahapon? Yung sa village. So, dito din sya nag-aaral? Wow, ang galing naman. 

"Thanks." 

"Tignan nyo oh! Kinausap nya si Luigi."

"Oo nga eh. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Luigi sa babae."

"At dyan pa sa evil na yan."

Sige lang! Kulang pa sa lakas, mahina pa masyado! Sana nanghiram sila ng megaphone sa staff ng school, sana brinodcast nila. 

Nakakainis talaga! 

"So, ikaw pala yung evil monster daw kuno na sinasabi ng mga tao dito sa school." nakangiti lang sya habang sinasabi nya yun.

7 DAYS (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon