Epilogue.

2.1K 82 22
                                    

Epilogue.

Ang pagmamahal, hindi nasusukat sa kung gaano kayo katagal magkakilala.

Hindi nasusukat sa kung gaano katagal ang inyong pinagsamahan.

Sabi nila, EVERY ENDING IS HAPPY, IF IT'S NOT HAPPY THEN IT'S NOT YET THE END.

Pero bakit sa storya namin ni Luigi, The end na pero hindi din happy?

Pwede bang ibalik ang isang linggo na yun?

Sa loob ng isang linggo na yun, naging masaya ako.

Naramdaman kong may taong hindi natatakot sakin dahil sa tawag na EVIL.

Kasi para sakanya daw, isa akong ANGEL.

Sa loob ng isang linggo, parang isang taon sakin. Ang dami naming pinagsamahan.

Nakakatuwa mang isipin, pero para ngang ISANG LINGGONG PAG-IBIG ang tema naming dalawa.

Kaso nga lang, mas masaklap at mas masakit ang nangyari.

"Luigi, my superman, alam ko namang andito ka eh. Nagbabantay, tignan mo oh. Valedictorian ako! Ang galing ko diba? Kasi tinutulungan mo ko, kapag may exams eh. Hindi mo ko hinahayaang bumagsak. Lagi mo kong binubulungan ng mga sagot." pinunasan ko yung luha ko, ayaw ni Luigi ng ganito. Dapat nga laging ganito diba? ^_^

"Luigi, namimiss ko na ang mga ngiti mo. Sana makita ko na ulit yan, yung mga mata mo, sana matitigan ko na ulit yan, at yang mga kamay mo, sana mahawakan ko na ulit yan. Kasi Lui, miss na miss ko na yang mga yan..Miss na miss ko na...at alam mo ba kung anong pinakamiss ko?"

Ikaw! Ikaw mismo, at ang pagpaparamdam mo sakin na mahal mo ko. Lui, ramdam mo ba? Ang lakas ng tibok nito oh." tinuro ko yung dibdib ko, na para bang makikita nya kapag itinuro ko yun.

"Naririnig mo ba? Hanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisigaw nyan. Lui, hintayin mo ko dyan ah? Wag kang magsasawa sa paghihintay ah? Dadating naman ako eh, hindi nga lang ngayon. Kasi gusto kong tuparin ang mga pangarap mo, ang pangarap na makita mo akong magtapos sa college, at maging successful sa buhay. Pangako Lui, ggawin ko yun. Kahit mahirap dahil wala ng ikaw, gagawin ko at kakayanin ko.

Mahal kita Lui, mahal na mahal." inayos ko na yung bulaklak na dala ko, at tumayo. May mga kailangan pa akong gawin.

Ang tuparin ang mga pangarap na alam kong gustong matupad ni Luigi.

**

7 DAYS (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon