Day3.

1.9K 55 2
                                    

Day 3. Wednesday. 

At dahil walang pasok ngayon, walang baon, peroooooo may lakad ako! Kasi nga may date kami ni Luigi! Nag-ayos na ako, simpleng dress lang ang suot ko, walang make-up o kung anomang kolorete ang nakalagay sa mukha ko.

Ayaw ko kasi ng ganun, at papagalitan ako ni papa kapag ganun. Ayaw nyang tumulad daw ako sa mga babaeng ang kakapal ng mga make-up.

"Lhara andito na yung sundo mo." ang aga, at sinunod nya nga ako. Sinundo ako, aba dapat lang diba? 

Ganun napapanuod ko sa mga movies eh, sinusundo nung lalake yung babae kapag magdedate. 

Pagkababa ko nakita ko na sya, simpleng tshirt at jeans lang ang suot nya pero ang gwapo ng dating nya. Naks! Oy date ko yan, walang aagaw. 

Si papa naman kung titigan si Luigi akala mo papatayin eh. 

"Sige po ma pa, alis na kami." humalik ako sa pisngi nila pareho. Si papa hindi pa din maalis yung tingin kay Luigi. 

"Sige po." Luigi.

"Teka..yung pinagusapan natin wag mong kakalimutan." Papa.

Pinag-usapan? Talaga? Nag-usap sila, bakit di ko ata alam? Ngek, malamang galing ako sa kwarto eh. 

"Opo sir. " inalalayan na ako ni Luigi palabas, nagcommute lang kami. Wala naman kasi daw sasakyan si Luigi, pinagbabawalan daw syang gumamit nun.

Takot daw kasi yung magulang nya na baka daw maaksidente or what. 

"San tayo?" 

7 DAYS (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon