Day4.

1.6K 48 2
                                    

Day 4. Thursday. 

Pagkatapos nya akong sabihan ng i love you kahapon, parang feeling ko tumigil mundo ko. Kinikilig ako! Ano ba! 

"Huy! Dalian mo na nga dyan, ikaw talaga. Nasabihan ka lang i love you ng lalake. Lhara magpakipot ka ha!" tss naman si mama eh. 

Alam nya yung tungkol dun, eh kasi hindi ko kayang maglihim sa mama ko noh! Kay papa, oo. Pero kay mama, hindi eh. Saka wala kasi akong ate o kapatid na bata sakin, kaya wala akong makwentuhan. Kaya kay mama nalang.

At ayun nga, nagmadali na akong pumasok. Namimiss ko na din si Luigi eh, hala? Miss agad? Kakakita lang kahapon, tsk! Kasi naman noh! 

May maging mabait kaya sainyo, tapos sweet pa, tapos ang gwapo pa, tapos nakakainlove yung smile, hindi nyo kaya mamiss? Tae kayo! Wag nyo nga akong sabihang malandi. >.<

Pagpasok ko ng gate, parang biglang kumirot yung puso ko..

Takte, ano to? Kahapon lang parang sinabi nyang i love you, tapos ngayon may kasama syang babae, at tamo nga naman oh! Papunta sila dun sa secret garden! Putakte talaga! Nakakapagmura ako ng wala sa oras eh. 

Eh nakakainis kasi eh! Gago pala yang Luigi na yan eh, playboy naman pala! May pa' AKO ANG IYONG MAGIGING MAN MAGPAKAILANMAN pa syang nalalaman, hindi naman pala totoo!

Siguro sasabihin nya din yan sa babaeng kasama nya ngayon! 

Di ko sya pinansin, dinaanan ko lang bahala sya. Tuwang tuwa pang kasama yung babae oh! Ang landi nila pareho kainis! 

"Uy Lhara.."

Wala kang narinig Lhara, wala...bingi ka..

"Lhara.."

7 DAYS (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon