Iba't-Ibang Klase ng Guro

3.2K 6 6
                                    

IBA'T-IBANG KLASE NG GURO

--

Terror:

-Number 1 na kinaayawan, at Kinatatakutan ng mga estudyante titig pa lang niya feeling mo kakainin ka na niya ng Buhay! Laging Seryoso hindi mabiro pag biniro mo tititigan ka lang ng masama. Sila ang dahilan kung bakit may mga estudyanteng ayaw ng pumasok.

Neseye ne eng lehet:

-Teacher na Mabait sa klase hindi nagagalit kahit anong gawin mo sa loob ng room eto ang number 1 favorite ng mga estudyante bukod sa nakakapag ingay sila nagagawa pa nila ang gusto nila matataas pa ang marka nila. Sang kapa! Neseye ne eng lehet.

Cafeteria Queen:

-Teacher na Ginawang School cafeteria/canteen yung room niyo sa dami ng pinag bibiling pagkain araw-araw Favorite niya ang estudyanteng Buyer niya ng mga Pagkain araw-araw. Asahan mong mataas marka mo sa kaniya kung isa ka sa mga buyer niya.

The Musical:

-Teacher na always ng nagpakanta sa klase feeling High School Musical pero pag siya ang kakanta o mag bibigay ng example sa klase iba na ang tittle hindi na high school musical "Damulag Musical".

Dancing Queen:

-Kung may Musical may Dancing din dapat eto naman ang tipo na teacher na laging trip magpa sayaw sa kaniyang klase mga kung ano-anong sayaw ang ini-embento at ipapasayaw sa mga estudyante niya kahit yung mga tamad niyang estudyante napapasayaw niya kaso ang resulta BARDOT ang Sayaw.

The Power of P.E:

-Teacher na puro P.E ang tinuturo kahit may mga subject na hindi P.E favorite niya ang ng mga estudyanteng Atleta o Player.

Eklabush:

-Eto yung favorite na Teacher ng mga Silahis/Bakla mong kaklase sa una aakalain mong Lalaking lalaki dahil sa tono ng boses pero pag naglalakad Kumekembot, JACKPOT dre! Mapapa eklabush ka nalang ng bonggang bongga. Favoritism niya ang estudyante niyang bakla dahil mas nagiging ka close niya ang mga ito kaya pag bakla ka asahan mong mataas grade mo sa kaniya.

HomeWorker:

-Teacher na Adik magbigay ng HomeWork sa kaniyang mga estudyante halos gawing Hobby ang pag bigay ng homework. Home work here, home work there kaya ang kaniyang mga estudyante Cutting here Cutting there. Pero kung matiyaga kang estudyante at lagi kang nagawa ng homework Favorite kana niya asahan mo.

Guard:

-Teacher na laging pag mamasdan kilos at galaw mo talo pa niya ang School Guard niyo kaya pag may konting mali ka ng nagawa sisitsitan ka na at lalakihan ka ng mata at iready mo na ang mahiwagang tenga mo sa mga punch lines niyang nakaka bugbog tao.

Talk Sh*T:

-Teacher na akala mo banal pero mag bumuka bibig puro Talk Sh*t lumalabas nakakahawa na para bang virus kaya wag kang mag taka kung isang araw isa kana ding ganap na talk sh*t member na kagaya ng mga kaklase mo.

Checker:

-Eto yung teacher na ayaw ng mga estudyanteng B*B* sa test dahil eto yung tipo na teacher na pagkatapos mag test sasabihin pa sa lahat ng klase ang iyong Score kaya pag zero ka Kawawa ka Plus mapapahiya ka pa sa crush mo.

Quizer:

-Teacher na halos araw-araw na kung mag bigay ng quiz tapos mahihirap pa pag bagsak ka sa mga quiz niya papahiyain kapa niya to the Highest Level, Malas mo nalang pag naging teacher mo to.

FACT About High School!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon