Usapang Walang Pasok

425 2 1
                                    

A/N: At dahil walang pasok at nakapag open ako ng wattpad account ko. Ginanahan akong mag Update mga SIR :D

xx

"WALANG PASOK!"

Isang nakakatanga, nakakabaliw at nakaka excite na word na lahat tayong estudyante gusto ang mahiwagang word na ito kasi bukod sa araw araw tayong may pasok (Except Sat. and Sun.) ay mababawasan yun ng isa, dalawa, tatlo minsan nga nagiging 10 (Di jowk lang) hanggang 1 o 2 araw lang talaga pero kahit ganun Makakapag relax tayo kahit papano pero para sa iba isa naman yung bangungot. Bakit?

-Yung Ready kana lahat lahat naka bihis kana etc. Tapos biglang i-a-announce na WALANG PASOK!

-May usapan kayo ng BF/GF mo na mag kikita o mag da-date tapos biglang WALANG PASOK!

-May report ka sa klase at nagpaka puyat ka tapos kinabukasan biglang WALANG PASOK!

-May test kayo at dahil masipag ka todo ka mag review halos dumugo yang ilonng mo at punasan mo na ito and then the next day bigla mo nalang mababalitaang WALANG PASOK!

-Yung bigla mong mababalitaang WALANG PASOK tapos ikaw nagwalang parang tanga kasi wala kang BAON/ALLOWANCE!

-Tumawid kana sa mabahang kalsada nakipag run to run kay baha tapos pag dating mo ng school ayun.. WALA palang PASOK! So babalik kana ulit sa umpisa. Makikipag run to run kay baha at tatawid sa mahabang kalsadang puro baha :D

-Yung Badtrip Moment na suspended ang klase pero wala ka naman talagang pasok bukas. Tengene!

-Yung Kinder at Elementary lang ang Walang Pasok!

-Bahang baha na yung bahay niyo hanggang 5th floor tapos saka pa lang i-a-announce na WALANG PASOK! Punyatera~

HASSLE DIBA?

Kung naramdaman niyo to pwes ramdam ko rin kayo mag ramdaman tayo para sa ika uunlad ng bayan. At dahil estudyante ka kelangan mo ng mahabang pasensiya pag may ganitong bagay pero kung nasobrahan kana at na over dose kana.. It's a free country you can do what you want! Ano nga ba ang dahilan kung bakit walang pasok?

1.Bagyo

2.Holiday

3.Ramadan

4.Fiesta/City Day

5.Sabado at Linggo

6.Trip lang ng Principal

Wala na akong maisip kaya hanggang anim nalang HAHA! Kung gusto niyong dagdagan mag isip din kayo tapos kumuha kayo ng pentalpen at isulat niyo sa Screen ng laptop/Computer niyo :D Ngayon bibigyan ko kayo ng tips o gagawin pag walang pasok.

-KKK-Kain Kain Kain. Tutal wala namang pasok at walang baon eat all you can ka lang sa bahay niyo isiping nasa INASAL ka.

-Kung wala namang makakain sa bahay niyo o mangunguya mag FB ka nalang pangpa gana malay mo bigla mong makitang Online si Crush (GoodNews) pero hindi mo naman ka Chat (BadNews)

-Movie Marathon kung trip mong manuod ng manuod ng mga movies i push mo lang yan! Tara nuod ng The Conjuring mamayang Gabi :D

-Kung wala ka namang Laptop o Computer sa bahay mag Cellphone ka nalang malay mo mag GM o mag text sayo yung Mahal mo oh diba? Daig mo pa nanalo sa loto

-Kung wala ka namang Cellphone ITULOG mo nalang yan Teh!

-Magsipag ka! Binabaha na bahay niyo lahat lahat tapos ikaw natutulog lang? Kung sa bagay.. It's a free country you can do what you want! XD

At dahil College Student na ako mga sir syempre kahit na delubyo na ang dumating sa ating bansa at pinagsamang 5 bagyo pa yan.. MAY PASOK PARIN KAMI :) Ang saya diba? at ang masaya pa jan pagdating mo ng university may Midterm na nag aantay sayo SYET! Sobrang Saya :D Petiks Petiks lang kahit maluha luha kana pag nakita mo yung test. :'>

 --

PerstYear Throwback..

Jhenica: "Nasaan ka?"

Ako: "School bakit?"

Jhenica: "Naulan ng Yelo dito"

Natawa nalang ako that time kasi sobrang lalim ng jowk niya kaya naman nilaliman ko rin yung jowk ko sa kaniya.

Ako: "Dito naulan ng APOY :D" biro ko.

Jhenica: "Pak U"

Ako: "Pak U too HAHA :D"

Pag uwi ko ng bahay walang ka ilaw-ilaw at naulan pa bigla ko nalang nabalitaan na umulan nga ng yelo sa amin nagulat nalang ako kasi akala ko jowk yung sinabi ng kaibigan ko sa akin yun pala TOTOO naalala ko tuloy bigla yung Biro ko sa kaniya SYET! HAHA :D Badtrip na siya sa akin Dre HAHA :D

--

Pag sumasapit ang Bagyo at ang suspension..

Elementary:

Petiks Petiks LIKE A BOSS!

High School:

"YES! WALANG PASOK! PARTY PARTY!"

College Students:

"PUTANGINA! WALA AKONG PAYONG!"

Mga Pose pag Walang Pasok..

Elementary:

"Walang Pasok, Walang Baon"

High School:

Estudyante1: "Walang Pasok, Dota Dota rin"

Edtudyante2:"So ayun.. Ang aga kong nagising Paalis na ako lahat lahat nasa pinto na ako tapos bigla kong malalaman na Walang pasok! Hindi na naman ako makatulog"

Estudyante3:"Ako nga pare ginising ng kapatid ko tapos sabi "Kuya walang pasok" Kamusta naman yun pre?"

College Student:

"Going to School Tangnang ulan are nauso pa!"

"Otw to School Wala Eh! Masipag ang College Students :D"

Suspension in Text:

Elementary:

PETIKS LANG!

High School:

"Announcement.. Suspended po ang klase today. All High School and Elementary student from WIS.."

High School student: "YAHOO! YAHOO!"

"P.S Ipapatupad na ulit ang Saturday Classes :DD :Trooll:"

College:

Estudyante1: "Announcement To All College Students.. MAG DALA NG PAYONG! HAHAHAHAHA :D"

Estudyante2: "Remain Waterproof Pare :D"

--

Kung may bagyo at hindi niyo alam kung may pasok o wala.. Just. Keep Calm and Check maypasokba.com sulusyon sa ikauunlad ng bawat estudyante dito sa bansa :D

--

PICK UP mga Sir:

Nakakatakot yung ULAN...

The ConjuRAIN! :D

------xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FACT About High School!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon