Iba't Ibang Klase ng Crush

966 4 0
                                    

Halos lahat ng estudyante dito sa mundo merong nagugustuhan yung nagiging inspirasyon mo everyday na lagi mong iniisip na ang sarap pumasok kasi.. makikita mo si Crush sa school. Siya ang dahilan kung bakit ka laging ginaganahang pumasok right? Madaming Tipo ang Crush. Oo madami yan at gusto niyo isa-isahin ko?

BestFriend:

-Ang sarap ng Feeling pag makikita mo siya, makakausap, makakamusta, magkakakulitan etc. Hindi mo alam na ang bestfriend mo nagugustuhan mo na pala merong ganiyan kaya naman minsan pag makikita mo siyang may kasamang ibang Babae o lalaki NAGSESELOS ka! Yung tipong nasa isip mo at naiimagine mo kung pano sabunutan o bugbugin yung kasama niya and then sasabihin mo sa sarili mo at itatatak mo sa pinaka ilalim ng puso ng sagig na HINDI MO SIYA kakausapin whole day o kaya months pero pag nilapitan kana niya at ngumiti siya sayo PUNYATERANG Ilusyon mo! Nasira! Nawalang parang Bula na para bang walang nangyari.

Candy Crush:

-Nagka Crush ka sa kaniya kasi binigyan ka niya ng Something Sweet like Candy or Chocolate yung wala ka namang gusto sa kaniya or di mo siya type then bigla ka niyang bibigyan ng something like that at dahil Bangag ka at madaling ma fall Ayan! Na Fall ka sa kaniya ng Bongga! meron namang Crush mo siya then you didn't expect na bibigyan ka niya ng Candy. Syempre Tuwa kana nun, Blooming na Blooming at ang lapad ng ngiti. If nangyari yan sa inyo pustahan i G-GM niyo agad yan, Ano? 10k ako? XD

Classmate:

-Makikita mo siya sa school Always, Take note. ALWAYS! maliban nalang pag Saturday and Sunday pinakamasayang moment mo Monday kasi may ilang days,hours,minutes and seconds mo siya makakasama/makikita sa room niyo. Minsan yung iba gumagawa ng paraan o ma ala ninja moves nila para mapansin ni Crush mga punyaterang moves na minsan Epic Fail pero at minsan Bongga... Bonggang EPIC FAIL kaya ayun! Napansin ka nga niya ng Bongga!

Tropa/Barkada:

-Nagkakagusto ka sa tropa mo kaya naman pag may lakad barkada mo gusto mo lagi sumama kasi kasama yung nagugustuhan mo sa barkada o tropa niyo at gusto mo siya laging kasama at ka-kwentuhan mo.

KA-IBIGAN:

-Pagtinatanong kayo always na sinasabi niyo "MAGKAIBIGAN lang" pero ang tingin ng iba Kayo na talaga dahil ng mga movements niyo XD Sobrang lapit niyo sa isa't-isa na always kulitan parang mag Bestfriend. Isa sa inyo ang magkakagusto pero pag umamin minsan ma tu-turn off yung para bang na hihiya o naiilang na kaya naman ang resulta NGANGA! pero meron din namang parehas kayong magka gusto sa isa't-isa hanggang sa magka aminan na na-iPush niyo ng bongga. *LOVE LOVE LOVE~~ \m/

Gay:

-Yung magkaka gusto ka na nga lang sa lalaki bakit Punyaterang Bakla pa? ANO TO?! Kalimitan kasi sa mga may hitsura/Gwapo/Pogi/Gwapings mga Bekymon/Beky/Bakla na! Yung tipong may makakasalubong ka na ang Gwapo tapos nung nagsalita Nagjejejemo at nag lakad Kumekembot? NGANGA~! Ingat nalang sa pag bo-boys Hunting sa susunod mga Girls :D

Tomboy:

-Yung Crush mong babae na napaka sungit kaya pala masugit kasi Tomboy may mga ganiyan kasing tomboy na pag hindi halata sa suot niya na tomboy siya sa ugali mo malalaman, yung tipong liligawan mo na sana tapos malalaman mong parehas kayong nanliligaw? Better Luck next time nalang Pare :D Meron namang Tomboy na sobrang Obvious dahil sa kilos at pananamit pero merong nagkakagusto sa kanilang lalaki o kahit babae nagkakagusto sa kanila pero hindi naman pala tomboy at ganun lang talaga sila kumilos at mag suot. XD Better Luck Next time :D Pero madaming nagtatanong at nagtataka, Bakit daw kung sino pa yung may hitsura at maganda siya pa yung TOMBOY?

Isang inum ka lang:

-Nagustuhan mo siya ng araw na magkayayaan kayong magbabarkada na mag inom tapos naka inuman mo siya madami kasi sa atin lalo na sa girls na magka Crush sa lalaki lalo na at nakasama mo ng matagal at naka kwentuhan mo kahit isang araw lang kayong nagkwentuhan nagka crush kana agad sa kaniya.

Dancer:

-Nagkagusto ka sa kaniya dahil sa magaling siya sumayaw na parang professional na pag nasa stage siya sa kaniya lang naka focus yung mata mo at para sayo siya lang yung magaling at siya lang yung nag si-shine XD

Player:

-Pag lalaking player pustahan ChickBoy yan lalo na pag may hitsura siya, Mahirap magka gusto sa isang lalaking player lalo na at playboy ma tu-turn off ka lang ng bongga kasi bukod sa player siya madami pang babae ang nakapaligid sa kaniya kaya naman lumalaki ulo atska hindi lang two timer kundi 10 timer minsan XD Pag naman babae tapos Chicks mahirap din yan maging crush kasi madaming fan, madaming echoss, always B.c at madaming karibal. Kaya naman always Remember Mahirap magka Crush sa Player kasi sikat pero kung may tama kana talaga iPush mo lang yan, ihanda mo narin ang loob mo sa mga masasaksihan mo XD

Guitarist:

-Madami sa atin lalo na sa mga babae ang magka Crush sa isang Guiatrist o Guiatista kahit Acoustic lang yung tinutugtog niya nakaka bihag na yun ng ating mga atensiyon lalo na pag Music lover ka. Pag Crush mo siya at Ginitarahan at Kinantahan ka niya sobra ng kilig mo. Wala kang pake kung panget o maganda yung boses niya yung feeling na parang kayong dalawa lang yung tao sa mundo kasi tinutugtugan ka niya. Hindi lang sa gitara pwede rin kahit anong instruments basta Music Instrument. Lalo na kung isa ang crush mo sa isang banda napaka cool niya.

Sa Isang Sulyap mo:

-May makikita kang Gwapo/Maganda Automatic Crush na agad yan :D Yan tayo eh!

Assumeng teh:

-Yung Naglalakad ka then may makikita kang tambay tapos yung isa sa mga yun type mo taposbigla siyang ngumiti at sinabing "Hi miss" ikaw naman todo ngiti tapos pagtingin mo sa likuran mo may Magandang babae at yun pala ang hina-hi nung lalaking tipo mo at dun lahat ng mga lalaki nakatingin sa babae! SAKLAP MEN!

Pangarap lang Kita:

-Yung Crush mong hanggang pangarap mo lang kasi hindi mo na siya ma reach sa sobrang taas niya, madami ka ring ka kumpitensiya sa kaniya kaya naman Hanggang pangarap ka lang. Walang magagawa hanggang dun nalang yun. Pero minsan may mga akala nila hanggang Pangarap lang sila pero magiging sila. Pangarap lang pala kaya wag susuko agad-agad.

Isa sa mga yan for sure meron kayo hindi naman kasi natin matitiis at masasabi na wala kang nagugustuhan sa Klase o sa kaibigan. It's Part of Growing up naman yan kaya Normal lang ang magka Crush ka sa isang tao :)) Best Feeling Ever ang magka Crush sa isang tao kasi bukod sa magkaka meron ka ng inspiration masaya kana everyday kasi always mo siyang makikita. Yung ma Cha-challenge ka kaka isip ng gagawing pa cute para lang mapansin ka ni Crush, Yung gumagawa ka ng mga patama para lang malaman niyang may feelings ka for him/her at Yung feeling na lagi kayong magkasama sa lunch sa pag uwi at yung pag Gm o pag status mo sa fb na nakasama mo siya whole day kahit ganung bagay sobrang saya na natin. Yung kahit Single ka you deserve to Love and to Smile kahit na si Crush lang yung gumagawa nito sa atin at kahit hindi kana mag In a relationship basta Nandiyan si Crush at Single din siya.Okay na! =)

At Kung wala kang Crush isa lang ibigsabihin niyan isa kang ABNORMAL! \m/

FACT About High School!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon