Taas Kamay with Confidence

329 2 0
                                    

Nangyari to sa akin nung 2nd Year High Ako, napaka Packer kasi ng Teacher ko. Alam ko yung sagot sa sisiw niyang tanong kaya naman Cool lang akong tumaas ng kamay. Pero ang nangyari hindi ako ang natawag kundi yung katabi kong packer.

NaBadtrip ako nung oras na yun kaya hindi na ako tumaas ng kamay at lalong hindi na nakinig sa Packer kong Teacher.

Teacher: "Eiikzxdyii!"

Nagtinginan lahat sa akin ako naman syempre INOSENTE!

Ako: "Ano po yun?"

Teacher: "Anong Sagot sa tanong ko?"

NAKA NG PACKERS naman oh?! Hindi ako tumataas ng kamay tapos ako pa yung natawag? Kung kelan hindi ako tumataas ng kamay saka ako natawag? inabe!

Ako: "Kamalayan ko ho sa tanong niyo" syempre hindi yan yung sinabi ko, kahit inis ako at nabadtrip Good Girl parin ako, POGI eh!

Ako: "Hindi ko po alam sagot!"

Pagkatapos kong sabihin yun, Umatake n yung Machine Gun niya sa Bibig at pinatamaan ako ng mga Packers niyang Salita. :D At dahil Good ako at Evil siya Syempre hindi na ako pumalag O:D Alam kong hindi ako nagiisa sa nangyaring to, madami akong karamay.

--

Oh.. Akala niyo tapos na noh? Meron pa! Pogi ata to no! XD

"Confidence yung sagot" bulong ko.

Syempre dahil ako lang nakaka alam ng sagot tumaas agad ako ng kamay, tumaas din ng kamay yung packer kong katabi sabay sabing..

"Confidence! Confidence!"

Naparinig yun ng mga Packers kong kaklase kaya naman nagtaasan na silang lahat ng kamay. Ang resulta? NGANGA! Yung Katabi ko pa yung naka sagot! Petepeteng Packers yan!

LESSON:

Ang pagtaas ng kamay ay nakamamatay.....

LESSON No.2:

Wag ibulong ang sagot!

FACT About High School!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon