「CH2 ◆ Kiss Me」

9.1K 225 0
                                    

Hindi ko alam kung papalitan ko na ba ang sim ko o ano dahil sa pangyayari kahapon.

Ayoko nang magtagal pa kahapon sa lugar na iyon kaya binilisan ko ang pagkain at nagpahatid na agad kay Ian. Halata sa kanya ang pagtataka pero buti nalang at di na siya nagtanong pa.

Hindi rin ako mapakali at panay kabog ng dibdib ko habang kumakain nun dahil ramdam ko ang mga titig nya. Kapag sumisilip ako sa kanya ay tumatagos talaga sakin ang titig niya. Creepy isn't it?

Kagabi nga bago ako matulog ay may nagtext sakin na unregistered number. And guess what?

+639*********

I really love you Yuri. I really do. I'll do anything to get you.. and be mine.

Creepy. Hindi ko nalang nireplyan at baka nga nantitrip lang.

"Psst Yuri!" Nagulantang ako nang may kumalabit sakin, si Claire. As in gulantang talaga! Yung tipong napatalon ako sa upuan ko at napahawak sa dibdib.

"My God Claire!" Sabi ko habang nakahawak parin sa dibdib ko. Nandito nga pala kami sa room at wala pang teacher.

"Hoy Yuri, tulaley ka ata dyan? Anong problema?" Mas lumapit siya sakin na parang inuusisa ako.

"W-Wala naman. May iniisip lang." Sagot ko at umiwas ng tingin. Napahawak siya sa baba nya at pinaningkitan ako ng mga mata. Alam kong di siya convinced.

"Spill it." Pamimilit niya. Nakita ko naman si Ian sa may gilid na nakatingin sakin.. and.. pati pala si Jimmy.

Napabuntong hininga ako, "I guess kilala mo talaga ako." Sabi ko at tumangu-tango siya.

"Of course, we're best friends. Now, tell me what's bothering you."

"Don't tell them ah. Secret lang natin to..." And kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at pinabasa ang text message. Alam narin niya ang buo kong pangalan.
Nagugulat siya minsan at ramdam din niya ang takot ko. That's kinda creepy kasi.

*Phone beeps*

Kinapa ko ang cp ko sa bulsa ng palda ko. Nagtext nanaman siya.

+639*********

Makikilala mo rin ako. Pero alam kong kilala mo ako. Mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. I love you. I can do anything just to make you mine. Even if killing is the only way. See you soon my Yuri.

ESCAPE: ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon