chapter 4: my crush

91 62 15
                                    

ALTHEA POV.

Pagkatapus naming pumunta sa SM, dito kami umuwi sa bahay ko. Haha sosyal noh, bahay ko  talaga to dahil eto ung gift sakin nila mammy and daddy nung 14th birthday ko, medyo malaki lang naman siya pero kasya kaming lahat dito. Ako lang ang naktira dito kasama ang mga maids na kinuha ni mammy para sakin, oh diba buhay prinsesa lang ako dito hahaha.. Anyway nandito nga pala kami sa sala ngayon at nagkukwentuhan.

"Uyy mga friendship, ang gugwapo kanina nila papa Kyle at papa James noh? lalo na ung isa yung si Papa Charles ba yun o Christian ahh basta, haha yummmy. Kaso ang suplado at sama ng ugali noh?"- sabi ni Jaz.

"Sus lumalantod ka nanaman jan Jaz, hindi ka kagandahan kaya hindi ka mapapansin ng mga yun hahaha"- sabat naman ni Mich.

"Hayy naku! ikaw talagang tomby ka ahh. Manahimik ka na nga lang jan dahil hindi ka rin kagandahan! Che!-" - sagot ni Jaz sabay irap kay Mich.

"Hindi talaga ko maganda noh  dahil pogi ako haha"- sagot ni Mich.

Hayy tong dalawa talaga na to ohh.. parang aso't pusa kung mag away.

"Oh lumubay na kayong dalawa. "- awat ni Jennica sa kanila.

"Buti naman nica at naisIpan mong awatin ung dalawang yan! Sakit kasi sa tenga ung mga walang kwentang pinagtatalunan ng dalawang yan."- sabi ko kay Jennica or Nica.

" oo nga ehh "-sagot ni Nica.

"Gusto mo tara sa kusina?? Tayong dalawa na lang ang magluto ng miryenda at hapunan natin??"- tanung ko kay Nica.

"Yah sure! I love cooking haha.. lets go??"- excited na sabi ni Nica.

"Ok tara!!"- sagot ko.

Nag punta na kami sa kusina at iniwan ang dalawa sa sala. At nagsimula na kaming Magluto.

Habang nagluluto kami hindi namin naiwasang mabanggit ung mga lalaking nakilala namin kanina sa mall.

"Ahh nica ang cute nila James at Kyle noh lalo na si Kyle ang cute niya at ang bait bait pa niya diba? "- sabi ko kay Nica na halatang kinikilig kilig pa ko.

"Oo nga ehh, ang bait niya. Mabait din naman si James, tapus ung isang boy pansin mo ba parang iwas siya sa mga babae??"- tanung sakin ni Nica.

"Oo nga ehh siguro naloko na yun.... kaso bakit naman pati tayong ibang babae idadamay niya sa galit niya sa ex or something niya diba??"- sabi ko.

"Kung sabagay tama ka"- sagot ni Nica.

"Basta ako nacucutan ko si Kyle. I think crush ko na siya Nica yiiieee"- sabi ko habang kinikilig.

"Ha?? "- gulat ni Nica.

"Ohh bakit anung nangyari sayo?"- tanung ko sakanya.

"Ah wala wala..- sagot ni Nica sakin.

Anu kaya problema ng babae na to?? Kung makapag react ehh wagas!!.

"Are you sure??"- tanung ko ulit sakanya.

"Yes"- saBi niya sabay ngiti. Kahit na halata namang pilit lang yung ngiti niya.

"Ok sabi mo ehh."- sabi ko nlng sakanya.

"Hehehe tara na nga iluto na natin tong mga inihanda nating ingridients... baka mamaya pagdating natin sa sala puRo pasa na yung mga mukha ng dalawa dun"- sabi ni Nica.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit naman??"-takang tanung ko .

"Siyempre malay mo nag gegerahan na yung dalawang yun dun hahaa, slow mode ka teh? hahaha"- sabi ni Nica sakin.

I HATE YOU BUT I LOVE YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon