Chapter 19: Confession

28 17 2
                                    


THEA POV.

Bigla akong nainis kay Jared dahil sa ginagawa niya ngayon dito!

Wala naman akong sinabing binabigyan ko na siya ng isang chance! Tapus ngayon sasabihin niya sakin dito sa harap ng mga kaibigan ko na binibigyan ko siyang chance? Grrrr!. Nakakainis!.

Hindi naman kasi porket binigyan ko siya ng chance para ipaliwanag sakin yung sarili niya ,ay binibigyan ko na rin siya ng chance na pumasok ulit sa puso ko.

Hindi ganun kadali yung gusto niyang mangyari, hindi naman porket narinig ko yung side niya at yung dahilan niya ay mapapatawad ko na kagad siya!

Hindi madali yung naranasan ko nung iniiwan niya ko ng walang paalam! Ni hindi niya alam yung pinagdaanan ko nung mga panahong yun! Dahil wala siya sa tabi ko at hindi siya nagparamdam ng ilang buwan! Tapus ngayon anu? Manghihingi kagad siya ng one more chance sakin? Para ano? Para saktan at iwan niya lang ulit?

Hindi naman sa ayoko siyang bigyan ng chance, dahil alam ko naman na everyone needs a second chance. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay pwede tayong magbigay ng second chance, siyempre pipili ka din ng time kung handa ka na ba talagang bigyan siya ng second chance para sa huli hindi mo pagsisisihan yung mga naging desisyon mo!

"Ahmm Thea, sorry kung nainis ka sakin sa hinihingi kong second chance ahh.. Kala ko kasi binibigyan mo na ko ulit ng chance pero hindi pa pala, mali pala ako ng pagkakaintindi! But don't worry Thea makapaghihintay pa naman ako ehh. Hihintayin kita.." sabi ni Jared.

"I'm sorry Jared! Hindi ko intensyon na paasahin ka. Kaso wala na talaga akong nakikitang future natin ehh. Siguro nga hanggang dito na lang tayo. Hanggang sa pagiging magkaibigan na lang siguro ang kaya kong ibigay sayo ngayon Jared! I'm so sorry may iba na kasi akong gusto ehh.. Sana matagpuan mo din balang araw yung para sayo! Sana maging masaya ka." malungkot na sagot ko sakanya.

Sa totoo lang nalulungkot ako para sakanya. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko ngayon. Pero wala eh! Yun kasi ang katotoohanan! Ayaw ko namang umasa siya at masaktan sa huli ng dahil sa akin kaya hangga't maaga pa sinabi ko na ang katotohanan sakanya.

Hindi naman kasi ako yung klase ng tao na gaganti! Dahil naranasan ko na nga, ipaparanas ko pa ba sa iba kung alam kong mahirap?.

"Naiintindihan ko Thea.. I'm so sorry for what I've done to you! Sana mapatawad mo din ako balang araw. And by the way hindi pala ko totoong nag transfer dito! Binisita lang kita, sige alis na din kami mag iimpake pa kasi ako." sagot niya sakin.

Halata ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa mga mata niya. Nakita ko yun! At hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!

Sana maging masaya din siya balang araw. Sana may makatagpo siyang babaeng magmamahal ng buong puso sakanya.

At teka, tama ba yung narinig ko? Mag iimpake siya?

"Mag iimpake? Saan ka naman pupunta?" takang tanung ko.

Yumuko lang siya bago magsalita at sagutin ang tanung ko.

"Ahhmm.. Thea I'm leaving tommorrow" malungkot niyang sagot.

Biglang kung naramdaman ang pagkirot ng puso ko sa mgakatagang sinabi niya.

"Thea I'm leaving tommorrow"

" Thea I'm leaving tommorrow"

"Thea I'm leaving tommorrow"

Paulit-ulit nag eecho sa isipan ko ang mga katagang iyan.

Parang bigla naman akong nasaktan sa nalaman kong aalis nanaman pala ulit siya. Buti na rin siguro yung hindi ko pagbigay ng chance sakanya! Aalis din pala siya ehh! Masasaktan niya lang ulit ako!

I HATE YOU BUT I LOVE YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon