chapter 20

26 10 7
                                    

Charles Pov.

Naglalakad ako ngayon papunta sa likod ng campus kung saan pumupunta kami ni Stupid para magrelax at magtanggal ng stress.

Habang papunta ako sa bench sa ilalim ng puno, nakita ko si Kyle at stupid na seryosong nag uusap.

Pupuntahan ko sana sila ng biglang tumayo si Kyle at lumayo ng bahagya kay stupid.

Hindi na ko tumuloy sa kinaroroonan nila at nagtago na lang ako sa isang puno kung saan malapit sakanila at saktong dinig ko naman kung anu ang pag uusapan nila.

"Thea hindi naman sa tine-take advantage kita dahil sa alam kong may gusto ka sa'kin." Panimula ni Kyle.

Halata sa mukha ni stupid na nagulat siya. Sigurado ko iniisip niyan na ako nagsabi kay Kyle hay naku.

Sabi na't alam ni Kyle yun ehh . Si stupid kasi masyadong OA kumilos pag nandiyan si Kyle eh kaya madali tuloy mahalata na may gusto talaga siya kay Kyle.

"Ngayong alam mo na, na alam kong gusto mo ko sana hindi ka pa rin mahiya sakin. Sana hindi mo ko layuan! Hindi ko kakayanin kung lalayuan at hindi mo ko papansinin." Humarap siya kay Stupid at hinawakan yung dalawang kamay nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang may kumirot sa puso ko nung ginawa ni Kyle yun.

"Ha? Anu bang pinagsasasabi mo Kyle?" Halatang naguguluhan si stupid.

Tumingin muna siya ng diretso sa mukha ni stupid.

"Because I think I'm fall inlove with you Thea" seryosong seryosong sagot niya kay stupid.

Hindi ko na kaya to. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko at may kung anung bagay ang tumusok sa puso ko?

Bago ko pa masilayan at marinig ang ibang usapan nila , umalis na ko at lumayo sakanila.

Habang naglalakad ako papunta sa loob ng campus, nasalubong ko si Kath.

"Ahmm. Charles can we talk?" Bungad niya ng makita niya ko.

"Ok" walang emosyong sagot ko sakanya.

Pumunta kami sa isang gilid kung saan may bench. Malapit lang ito kung saan nanduon sila Kyle.
Kaya madadaanan nila kami kung sakaling umalis na sila sa kinaroroonan nila.

"Anu bang pag uusapan natin?" Cold na sagot ko.

"Charles gusto ko sanang magsorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo." Maluha luhang sabi niya.

Ewan ko ba kung bakit kapag nakikita ko siyang umiiyak hindi ko siya matiis.

Niyakap ko na lang siya at hinayaang umiyak sa balikat ko.

Alam kong masakit yung ginawa niya sa akin noon pero bestfriend ko pa rin naman siya ehh kaya ayoko din siyang nakikitang nasasaktan.

Ayos lang na ako na lang ang masaktan, wag lang siya.

"Ssshhh.. wag kang mag alala Kath pinatawad na kita. Tanggap ko na yung nangyari sa atin noon. Bestfriend pa rin naman tayo kahit ganun diba?" Sagot ko sakanya.

Naramdaman ko namang tumango yung ulo niya na nasa balikat ko na patuloy pa rin sa pag iyak.

Habang ganun ang pwesto namin. Nakita ko si stupid na tumatakbo paalis sa kinaroroonan nila ni Kyle.

Huminto siya sa tapat namin at Nakita niya na magkayakap kami ni Kath.

Kitang kita ko ang gulat sa mata ni stupid ng nakita niya kami .

"Ah hehe so..sorry sige alis na ko." Sabi niya na parang nahihiya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Kath at hinarap si Thea.

I HATE YOU BUT I LOVE YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon